hayst....
papasok ba ako o hindi? hmp...
ang OA ko naman kung hindi ako papasok!!
pero pano ko syang haharapin?
hayst... badtrip naman oh! tsk! tsk! tsk!
dapat nga sya pa ang mahiya sa akin eh kapal ng muka nya!!
************************
walang gana kong tinitigan ang napaka laking gate ng paaralan bago ako tuluyang pumasok at walang kaemo emosyong nakatingin sa nilalakaran.
"Oh nandyan kana pala kanina ka pa hinahanap ng boylet mo eh". Stella
walang kaemo emosyon ko syang pinaka titigan bago mag iwas ng tingin at magpatuloy sa paglalakad, alam ko naman na kung anong dahilan at hinahanap ako non eh at hindi ako interesadong marinig pa ang sasabihin nya dahil rinig na rinig ko yung mga pinagsasabi nya.
"ay... snob lang teh? hindi ka manlang ba matutuwa?".Stella
"at sino namang gago ang matutuwa sa lalakeng yon?"
"ay meh ganon? anyare teh? nag away kayo noh?". Stella
hindi ko na sya sinagot bagkus ay ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad pero dahil nga sa makulit sya....
"sana all nag sheshare ng problema sa kaibigan.. right aki?". Stella
*KKRRRRRIIIINNNNGGGGGGG*
" ayan... nag bell na hindi pa kasi sabihin tsk! tsk! tsk!".Stella
"malalaman mo din mamaya... sa ngayon pumasok na muna tayo"
"sabi mo yan huh... bye!! kita nalang tayo sa caffeteria". Stella
"Geh".
walang emosyon ko parin syang tinanaw hanggang sa tuluyan na syang mawala sa paningin ko at naglakad nang muli papunta sa room umupo agad ako sa pinaka likod pagka pasok na pagka pasok ko.
*DISCUSS.....*
*DISCUSS.....*
*DISCUSS.....*
*KKKKRRRRRIIIINNNNGGGGGGGG*
*BREAKTIME*
pinanood kopang magsilabasan sa room ang mga classmates ko at ng wala ng natira ay nag salpak ako ng earpods sa tenga ko tsaka bahagyang isinandal ang likod sa sandalan ng upuan para umidlip.
BzZzzZzzZzZzzzZzZzZzZzZzZzZzzzz😴
"Ms. Azumi....". Prof
" hmmm".ungol ko
"Ms. Azumi!!". Prof
" hmmm... ano ba! natutulog yung tao eh".ungol kong muli
"H-Hey Ms. Azzzuuummmiiii!!". Prof
"hmmm what? what happen?". gulat akong napabalikwas sa pagkakasandal ko at tinignan ang nasa harap ko.
"Ms. Azumi hindi mo ba nabasa sa mga rules ng paaralan na toh na bawal matulog sa oras ng klase?! B-A-W-A-L M-A-T-U-L-O-G S-A O-R-A-S N-G K-L-A-S-E!!". Prof
agad na nag init ang ulo ko ng marinig ko ang bungisngisan ng mga kaklase ko tinignan ko sila isa isa ng masama tsaka tinaasan ng kaliwang kilay na para bang sinasabing
*anong nakakatawa?*
agad naman silang nagsitahimikan tsaka ako bumaljng sa Prof. namin.
"nabasa ko ho! pero hindi ko naman lubos akalain na pwede pala ang manigaw ng estudyanteng wala namang ginagawang masama sa inyo! Oo.... nagkamali ako dahil natulog HO ako sa klase nyo pero hindi ba pwedeng kausapin nyo ho ako ng matino?". walang emosyon kong turan habang nakahalukipkip na nakikipagsukatan ng tingin sa aming Prof.
"aba... at nangangatwiran ka pa!! ganyan ba ang itinuro ng mga magulang mo? ang maniwala sa baluktot na pangangatwiran?". Prof
"hindi nyo ho kaylangang idamay ang mga magulang ko miss!! ang sinasabi ko lang ho pwede nyo naman ho akong gisingin at kausapjn ng maayos hindi nyo kaylangang magsisigaw dyan na akala mong ang lake lake ng kasalanan ko sa inyo!! paano ho pala kung SPED ang tinuturuan nyo? sisigawan nyo rin ho ba?". pilit pinapakalma ang sarili kong turan.
"pero hindi ka SPED Ms. Azumi!!". Prof
"exactly Miss hindi ako SPED!! pero pantay pantay lang tayo dito hindi ba? mapa normal man o hindi, PWD o hindi at kahit pa man SPED o hindi kaylangan nyong maging patas ng pakikitungo!! abnormal nga nakakaramdam ng antok at pagod na nagiging dahilan ng di namamalayang pagtulog sa klase eh normal pa kaya? porke ba normal hindi na pwede magkamali na matulog sa klase? hindi ho ba pwedeng napagod lang at napasarap ang pag idlip?".mahaba kong litanya at napabuntong hininga naman si miss tsaka tinitigan pa ako ng panandalian at bumalik narin sa harap.
"ok pagbibigyan kita ngayon ms. azumi pero sana sa susunod wag mo nalang uulitin". Prof
tumango lang ako at nakinig na sa klase. ano ba kasing nangyayare sa akjn at ang haba naman yata ng idlip kuno nayon tsk! tsk! tsk!
*DISCUSS.....*
*DISCUSS.....*
*DISCUSS.....*
*KKKRRRRRRIIIINNNNGGGGGGG*
*LUNCH BREAK*
inilagay kona sa bag ko ang lahat ng gamit ko at saka naglakad palabas patungong caffeteria. luminga linga pa ako pagpasok ko sa di kalayuan ay natanaw ko si Nio at Stella na kumakaway kaya lumapit na ako at umupo sa gitna nilang dalawa.
"gurl bakit hindi ka namin nakita kanina?". Stella
"pasensya na nakaidlip ako eh".
"may sasabihin ka daw aki?". Nio
napatingin pa ako kay Stella na seryosong nakatingin sa akin pagbaling ko kag Nio ay seryoso din sya kaya tinanguan ko lang sila tsaka nag kwento.
"OMGIIIIIII". Stella
"sigurado ka ba dyan sa narinig mo?". Nio
mababakas ang pagkagulat sa kanilang dalawa lalo na si Nio na kaninang seryoso ay mas sumeryoso pa ngayon paniguradong world war III toh kaya uunahan kona....
"Oo... siguradong sigurado ako! pero sana wag nyo akong pangunahan hayaan nyo muna ako mamaya pag kinausap nya na ako wag na wag kayong magpapahalatang may alam na kayo"
"good luck". nakangiwi pang ani stella
"Nio...".tawag pansin ko sa kanya
"Hindi ako mangangako dahil hindi ako sigurado! Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya". Nio
napabuntong hininga nalang ako sa sagot nya "Nio naiintindihan kita... kaya sana intindihin morin ako kasi maski ako hindi korin alam kung anong magagawa ko sa kanya.... sa kanila ng mga kabarkada nya"
"Ok fine!!". Nio
"Thanks"
"Hayst... akala ko naman patapos na tong storya kasi nagka inlovan na kayo yun pala nagsisimula palang! *IT'S A PRANK BA?* ibang klase din sumulat neto eh noh? arot arot baga yung umpisa? ngayon palang sumeseryoso?". Stella
napapailing nalang ako sa kadaldalan nya at hindi ko na sya sinagot at walang ano ano'y tumayo at walang emosyong pumila para bumili ng makakain nagugutom na ako hindi ako nakapag miryenda kanina buset na idlip naging tulog kulang nalang RIP akala ko talaga nigrant na ni AUTHOR yung sinabi ko sa chapter 38 buset wag naman sana drama lang yon ghad.... pano pa akong magyayabang wala na ang pinaka magandang bida pag namatay ako!!!
pagkaabot na pagkabot sa akin ng order ko ay pumihit na ako paharap sa kinaroroonan ng table namin pero imbis na table namin ang makikita ko ay si Shawn ang nahagip ng paningin ko....
nagtama ang paningin namin ngunit hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon agad din naman akong nag iwas ng tingin ng medyo tumagal ang titigan namin.
nasa entrance sya ng caffeteria kasama yung apat nyang hukbong sandatahan at isang babae na sa tingin ko ay ang babaeng kasama nya sa locker at yang babaeng kasama nya ngayon ay iisa lang.
magsama sama kayo mga deputa isang maling salita at galaw nyo lang tatapusin ko kayo.... kantiin nyo ako uubusin ko lahi nyo mga hampas lupa!!
sinulyapan ko pa silang saglit at saka walang emosyong tinahak ang lugar ng table namin at tahimik na nagsimulang kumain.