CHAPTER 43:

SHAWN'S POV:

nasa tambayan na kami't lahat hindi parin ako maka move on... buset kasing babaeng yon parang wala lang sa kanya? tsk! tsk! tsk!

pero teka!!! bakit ngaba ganon nalang ang naramdaman kong takot sa babaeng yon kanina?

Hmp.... kung sa bagay ay nakakatakot naman talaga sya kanina halos pagsisihan kona nga kanina na naisip ko yung ganong kagaguhan eh halos pagsisihan ko dahil sa naramdaman kong kakaibang takot yun lang at wala ng iba pang dahilan.

"sweetie gusto kong mag shopping samahan mo naman ako oh (puppy eyes)".Eunice

ano kayang ginagawa non ngayon? pinagpaplanuhan nya na kayang tapusin ako? WAAAAHHHHHHH NO! NO! NO! NO! NO!.

hayst anong pinagsasasabi mo Shawn? lakas makabakla GAGS!! babae lang yon kahit sino at ano pa sya ay babae parin sya at lalake ka Shawn kaya hindi ka nya kaya...

"Sweetie... are you still listening? (pout)".Eunice

"H-huh? ahh..... Hahahaha o-oo... oo Naman sweetie"

ano ba yan Shawn? mag focus ka sa girlfriend mo wag kung kani kanino tsk! pero hindi ko talaga maiwasang mabahala tsk! tsk! tsk!

"Hmp... kanina ka pa wala sa sarili tapos na ang lunch at dahil college na tayo.... always half day lang tayo depende sa sched".Eunice

ano ba naman yan! hindi naman siguro ako tanga para ipaalala nya pa sa akin yan diba?

hayst... ano ba tong iniisip ko!!

"Sweetie....".Eunice

"Ofcourse i-i know that sweetie.... you don't have to remind me!!"

"Hmp.... (pout)".Eunice

"Ok! Ok! I'm sorry na sweetie... what is it again you're saying?".paghingi ko ng paumanhin habang inaalo sya.

"I wanted to go shopping can you please come with me sweetie?".Eunice

"Hmm... If that's what you want sweetie hehehehe".inalalayan ko syang tumayo inaya ko narin si Jake sakto namang palabas na laming tatlo ng makasalubong namin sila Daryll.

"Oh mukang may lakad ang mga dakilang mang gagancho ah? Hahahaha".ani Kyle na tatawa tawang lumingon kay Daryll na natawa narin sa sinabi nya.

mang gagancho pala huh? psh...

"ahm... excuse me sana naman ay kalimutan nyo na yung nagawa nila sweetie kahit bilang kaibigan nalang sana".nahihiyang singit ni Eunice na hindi nakatingin sa kanila ng deretso.

"Alam mo kasi 'sweetie' ni Shawn ang tanga mo!".Daryll

nagbaba nalang ng tingin so Eunce sa pagkapahiya na syang ikinainis ko.

"Daryll!!".inis kong singhal sa kanya na panandaliang nabaling sa akin ang atensyon at muling bumaling kay Eunice.

"Yun mismo ang punto namin 'sweetie' ni Shawn... kaibigan nya kami! matalik na kaibigan kaya naman hindi namin kukunsintihin ang kung ano mang kalokohan nya".Daryll

"Ah kaya pala pumayag kayo sa plano nila nitong si Jake?".Eunice

Agad na kumunot ang noo ni Daryll sa gulat at hindi agad nakapag salita.... maski ako.... kami ay hindi inaasahang sasabihin nya yon ewan ko kung saan sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin yon basta ang sa akin lang ay sana hindi nya nalang sinagot si Daryll kasi sa pananalita nya akala mong beteranang maldita at hindi ko nagustuhan yon kasi kahit minsan ay hindi nya ipinakita sa akin ang maldita side nya.

napamaang ako ng biglang basahin no Daryll ang katahimikan.

"kasi ay umaasa kaming magkakatuluyan talaga sila ni Miyuki at maurong yung plano nya".Daryll

Ang kaninang gulat kong itsura sa sinabi ni Eunice ay napalitan ng pagkamaang sa sinabi ni Daryll ng linguning ko si Eunice ay nakataas na ang kanyang kilay na para bang magtataray.

"ngunit... dahil sinulot ng malande ay wala ng pag asa".lalo akong napamaang sa sinabi ni Daryll na ngingisi ngisi gayundin si Kyle habang si Eunice naman ay talaga namang wala ng tatalo pa sa sobrang taas ng kaliwang kilay.

Wala akong magawa..... Wala akong masabi.... ayokong kontrahin pa si Daryll dahil alam kona ang kahahantungan non at ayokong magkawatak watak kami dahil lang sa kalokohan ko.

"Sweetie...".nagmamaktol at nakangusong sumbong sa akin ni Eunice pero hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman....

"A-ahh... bro tama na yan! kung gusto nyo sumama nalang kayo sa amin sa mall".alok ko na syang ikinainis ni Eunice.

"Sweetie...".pagmamaktol nya habang hinihila hola pa Yung braso ko.

"Can you please shot up Eunice?"

"Whew (sipol)".Jake

"Psh!!".singhal ni Eunice sabay irap bago magpatiunang maglakad.

*M*A*L*L*

ikot lang naman kami ng ikot dito nagmula ng makapasok kami dito minsan ay kakain at mamimili pero lahat ng pinamili no Eunice ay sya lang ang mag isang nag bubuhat dahil tuwing tatangkain namin ni Jake na tulungan sya ay sasamaan kami ng tingin nung dalawa kaya napakamot malamang kami sa ulo hindi nga sila nagrereklamo kakaikot namin dito pero sinasabutahe naman nila ang tangkang pag tulong namin ni Jake kay Eunice.

imbis na girlfriend ko ay nagmukha syang alalay mapansin nya din naman yon kaya iniwan nya nalang muna sa baggage ang lahat ng pinamili nya.

"GAME ZONE Tayo bro".parang batang yaya ni Kyle kay Daryll na agad naman tumalima at sumunod sa kanya papasok sa GAME ZONE napapangiti nalang akong sumunod at pinagmamasdan yung dalawa.

Wala pa mang isang araw... or mag iisang araw palang silang nanlalamig sa amin ni Jake lalo na sa akin ay sobrang namiss kona sila.

"Oh look who's here bro".namamanghang anas ni Kyle na bahagya pang itinuro kay Daryll ang isang lugar taka ko namang sinundan ang tinuturo nya ganun din sina Eunice at Jake.

gulat akong nilakihan ang mga mata ko kung tama ba ang nakikita ko.....

si amazona may kausap na gwapong la.... hindi! Hindi! mas gwapo ako tsk! mas gwapo ka Shawn HEHEHEHE

"What a co-insidence?".Daryll

"Tara lapitan".parang bata nanamang anyaya ni Kyle at hinila pa ng bahagya si Daryll para sana maglakad na palapit kila amazona ng...

"Hey! Hey! Hey!".pigil ni Eunice na sya namang sinamaan ng tingin nung dalawa.

"What?".sabay na angil nung dalawa sa ginawang pagpigil ni Eunice sa kanila.

"Can't you see? mukang nagkakatuwaan sila nung kausap nyang lalake tas istorbohin nyo? duh".Eunice

"Eh ano naman sayo?".Daryll

"anyenyenye".Eunice

ano ngaba kasing ginagawa ng babaeng toh dito? at may kasama pang lalake? ha! akalain mo nga naman oh lapitin din pala ng magandang lahing lalake Ang amazonang toh tsk! tsk! tsk!

"Hey sweetie".nakangusong Ani Eunice na syang ikinagitla ko.

"O-oh?"

magsasalita na sana si Eunice ng unahan sya ni Jake.

"Daryll tara nalang lapitan si Miyuki mas gusto ko pa syang kasama kesa dito sa 'sweetie' ni Shawn na puno ng kaplastikan at nuknukan ng kaartehan tsk! tsk! tsk! kayong dalawa kung ayaw nyong sum-----".natigil sa pagsasalita si Kyle at sabay sabay kaming napalingon don sa kinaruruonan nila Miyuki dahil sa malakas na sigaw ni Stella at Nio.

tsk.... napakaingay para silang mga bata! hindi na namin naituloy ang tangkang paglapit bagkus ay pinanood nalang sila.

Kapansin pansin ang biglaang pagtayo ng tuwid nung dalawang kaibigan ni Miyuki magkakakilala ba sila?... malamang! mukha naman eh psh...

pero base sa ikinikilos ni Nio ay parang hindi naman... nagkamayan panga sila na pawang nakikipagkilala sa isa't isa eh so ibig sabihin maaaring nakilala lang ni amazona tong lalakeng toh dito sa mall? tsk! ang landi naman nya pagkatapos nung kanina ay nagawa nya pang makipagkilala sa ibang lalake ng ganon kabilis? tsk! tsk! tsk! pero ano namang pake ko sa kanya? kahit nga makipag sex pa sya sa kahit kaninong lalake sa harap ko mismo ay wala akong pakealam.

hayst ano ba tong iniisip ko? nung isang araw lang ay ang tigas tigas ng loob ko hanggang kanina tas ngayon... hayst kalokohan! natinag lang ako sa pag iisip ng magsalita si Kyle

"hayst sayang nakaalis na sila ni hindi manlang natin sila malapitan kahit si Miyuki manlang sana ay malapitan natin (pout)".Kyle

agad akong napalingon sa pwesto nila amazona at wala nanga sila doon.

ang bilis naman?

O baka naman masyado lang akong napaisip? Hmmm....