CHAPTER 50

ilang linggo na. . . pero wala pa akong nababalitaang may napahamak ni isa sa kanila. . . ibig sabihin tama nga ang ginagawa kong pag iwas.

nakabuo na ako ng plano. . . .

ano mang oras ay kikilos sila para huntingin ako minsan nga paglabas ko ng campus may nahuhuli akong nagmamasid sa akin eh kaylangan kong maghanda dahil hindi ko alam kung kaylan nila trip umatake hindi kona hihintayin pang may masaktan kaya naman uunahan kona sila bago pa sila makahalata tumba na lahat ng tauhan nila.

pero hindi ko parin maiwasang malungkot dahil sa pagkakataong ito ay mag isa lang ako.

alam kong marami akong nagawang masama dati pero lahat yon ay may magandang dahilan kaya hindi ko lubos maisip na ganito nanaman.

Impyerno na dati ang buhay ko dahil sa kagaguhan ko tas impyerno nanaman ngayon kahit wala akong ginagawa?

tsk! tsk! tsk! ibang klase. . . .

wala naman akong balat sa pwet pero bakit ang malas ko?.

pagbaling ko palabas ng caffeteria ay may biglang humiltak sa akin hindi nalang ako pumalag dahil nasisiguro kong kilala ko kung sino man tong humila sa akin at dinala ako sa isang pamilyar na silid.

"anong trip toh?". nakahalukipkip kong tanong.

"may kaylangan kang malaman". Shawn

agad na nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

"nasa panganib ang buhay mo Miyuki pati mga malapit sayo ay nasa panganib at hindi ito ang panahon para magyabang ka". Jake

may alam sila? panong nangyare yon? hindi kaya sila ang bagong recruit sa grupo? pero malabo. . . Imposible.

"alam ko!".

"a-alam mo?". hindi makapaniwala nilang turan.

"Oo at hindi ko kaylangan ng tulong nyo! ayaw ko mang sabihin pero. . . ayaw ko kayong madamay! sakin lang toh at labas kayo"

"alam ba toh ng mga kaibigan mo?". Daryll

"hindi". Kitang kita ko ang pagka dismaya sa mga mukha nila.

"what the heck bat hindi mo sabihin?". Daryll

"nababaliw kana". Shawn

"sabihin mona Miyuki". Kyle

"wala ka bang tiwala sa mga kaibigan mo?"Jake

agad na nag init ang ulo ko sa sinabi ni Jake kaya marahas kong hinila ang kwelyo nya at idinikdik sya sa pader agad namang umawat ang mga kasama nya pero hindi ako nagpatinag at sinuntok yung pader sa likod nya.

"gago ka ba? alam moba yang lumalabas sa mabaho mong bunganga? hindi sa wala akong tiwala sa kanila dahil kung tutuusin wala ka pa sa kalingkingan nila pagdating sa labanan!!". nanggagalaiti kong turan.

"kung ganon ay bakit ayaw mong ipaalam sa kanila?". Shawn

"bilang kaibigan mo ay kaylangan nilang malaman miyuki". Daryll

"tama sila. . . may karapatan ang mga kaibigan mong malaman yan Miyuki". Kyle

"alam ko. . hindi ako tanga!! ayoko lang silang madamay. . . kilala ko ang mga kaibigan ko pag sinabi ko sa kanila mahihirapan silang umiwas at mas lalo silang mapapahamak pag nakarating sa kalaban. may ideya ka ba kung sinong kalaban ang tinutukoy ko? hindi sila basta basta. . . Ugok!!"

nagkatinginan silan magkakaibigan at. . .

"s-sino bang kalaban ang tinutukoy mo?".Kyle

"see? hindi nyo kilala kaya wag kayong magmarunong at kung pwede lang gamitin nyo yang mga utak nyo kahit minsan lang"

"tutulungan ka namin". Daryll

"tss. . . ha! tutulungan? sige papayag akong tulungan nyo ako kung masasabi nyo sakin kung sino ang alam nyong kalaban tutal naman wala akong pakealam sa inyo kung mapahamak kayo"

"mayabang ka!!". singhal ni Jake na itinulak ako pero hindi ako nagpatinag at mas lalo ko pa syang ginitgit sa pader at ng mapagod ay ibinalibag ko sya sa pwesto ng mga kaibigan nya at mayabang na nagpagpag ng mga kamay habang bumabaling baling pa ang ulo na pawang nagpapalagutok ng leeg.

"Psh. . . tagal na!". pagyayabang ko

"tama na yan hindi ito ang oras para dyan". Daryll

"ano na?"

"si Eunice. . . . ". Shawn

wala sa sariling napahinto ako sa ginagawa ko at nagpalipat lipat ang tingin sa kanila ng mga kaibigan nya.

Eunice? hindi bat yun yung hitad na ipinalit nya sa akin?.

nang makarecover ay sinenyasan ko syang ipagpatuloy ang sasabihin.

"weeks ago. . . nagpunta ako sa bahay nya at narinig ko ang usapan nila ng kausap nya sa phone. . . maghihiganti daw sila sayo". Shawn

agad na nangunit ang noo ko sa sinabi nya.

maghihiganti? para saan? inano ko ba yung hitad na yon?

"ano pa?". usisa ko

"yun lang!". Shawn

"may atraso ka ba sa kanya miyuki?". Daryll

"ha! atraso? kahit kaylan hindi ko pag aaksayahan ng oras yung babae ng kaibigan mo daryll kung tutuusin sya panga yung mgay atraso sa akin eh".

nagkatinginan pa silang magkakaibigan bago muling bumaling sa akin.

"ano nang plano mo ngayon?".Shawn

"honestly hindi ko inaasahan toh". agad na nangunot ang noo ng magkakaibigan sa sinabi ko marahil hindi makapaniwala.

maski ako hindi makapaniwala hindi lang pala isang grupo ang kalaban ko kundi dalawa.

"Akala ko ba alam mona?". Shawn

"oo alam kong may kalaban ako pero hindi si Eunice ang inaasahan kong isasagot nyo".

"so ibig sabihin meron pa?". Hindi makapaniwalang ani ng mga magkakaibigan at sabay sabay na napasapo sa noo.

tango lang ang isinagot ko.

"kung ganon ay sino ang tinutukoy mo?".Shawn

"tutal naman ay nagbigay kayo ng impormasyon sa akin magsasalita narin ako. . . . si Rex"

"what the fuck? buhay pa pala yung ugok nayon?".tatawa tawang ani Kyle na ikina kunot ng noo ko.

"kilala nyo sya?"

"abay oo naman!! ako lang naman ang gumulpi sa ugok nayon kaya nag agaw buhay si gago". Kyle

"ah kaya pala sinasamo na lahat ng kilala nyang may kakayahan sa pakikipag laban at may atraso ka sa kanya". walang gana kong anas na ikinawala ng ngiti ni Kyle

"what do you mean?". Kyle

"let me intruduce you my self. . . . ako si MIYUKI ANNIE 'AKI' AZUMI the rank no.1 of mafia's/gangster's underground elite society 'AKA' BLAIR HAILEY. . ."

"WHAT THE FUCK?!". sabay sabay nilang anas na hindi makapaniwalang natutop ang kanya kanyang bibig.

"kilala ko si Rex hindi maglalakas loob yon ng ganon ganon lang alam kong meron pang nasa likod nito at natitiyak kong marami na sila ngayon at mas malalakas hindi narin ako magtataka kung karamihan sa kanila ay miyembro ng itinatag kong samahan na nabuwag nang mangibang bansa ako at muling nabuo dahil sa kung sino mang nasa likod nito". mahaba kong litanya kahit parang hindi na sila nakikinig at mga nanginginig na nakatitig sa akin.

"wuy. . . ano ba? akala koba tutulungan nyo ako?". tatawa tawa kong saad at sinubukang lapitan sila pero patuloy sila sa pag atras na akala mong takot na takot.

"wag kang lumapit!". Jake

"What the fuck? nagpapasok sila ng serial killer sa campus!!". Shawn

WTF??!!!!

ako? serial killer daw? gago ba sila? eh kung pagbabaliin ko kaya mga leeg nito dito mismo?

huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Akala ko ba tutulungan nyo ako?"

"wag na! kaya mona yan". Shawn

"aba't bakla ka ba? bwiset na toh!! san nyo ba kasi napulot yang 'serial killer si BLAIR HAILEY' kuno nayan?". asar kong anas killer daw ako ahmpupu.

kahit ano yatang sabihin ko hindi maniniwala tong mha deputang toh bat ba kasi magpapaliwanag pa ako? haaayyyssstttt mga bwiset!!

"oh sya sige aalis na ako mag ingat nalang kayo mukang hindi basta basta ang babae ni shawn". pagpapaalam ko.

isasara na sana nila ang pinto ng bigla akong bumaling sa kanila. . . ang mga ugok kanya kanyang ilag akala mo naman aanohin sila tsk!

"may nakalimutan ako"

"ano yon?". Shawn

"wag nyong ipagsasabi yung mga nalaman nyo huh kayo lang ang may alam nito maliban sa mga kaibigan ko!! Isa pa. . . yung usapan natin! hindi dapat malaman ng mga kaibigan ko kung ano mang nagaganap ngayon"

"o-oo umalis kana". Shawn

mga bwiset talaga mapagtripan nga. . . BWAHAHAHAHA bahagya akong tumalikod at tsaka biglang bumaling sa kanila "bulaga. . . . . "

"WAAAAAAHHHHHHHHH".hiyawan nila wahahahaha mga siraulo!!

"BWAHAHAHAHAHAHA". malakas kong tawa habang hawak hawak ang tiyan ko ng biglang pabatong sumara ang pinto mga bwiset talaga. . .