-/CHAPTER 02/-

mposible! alam kong salat kami sa pera, pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na mag nakaw nalang

"Ano! magsisinungaling kapa huh?!" hiyaw nya sakin habang pinananlandakan sa mukha ko ang pera nyang nakalagay sa bag ko

Ewab ko, hindi ko maiwasang hindi manginig sa takot, wala naman akong ginawang mali pero bakit ganto?

"Madali! hatakin nyo yan at dalhin sa baranggay, dapat maturuan ng leksyon ang mga magnanakaw na gaya nyan!"

Magnanakaw? ano bang maling ginawa ko para akusahan nila akonh magnanakaw

Nag huhugas lang naman ako ng mga pinagkainan ng iba para kumita ah

Kung kulang pa, minsan naglalampaso ako at nag bebenta ng kung ano ano

Masama ba yung mga ginagawa kong yun para tawagin nila akong ganun?

Masama ba kong apo para maranasan ko ang ganitong diskriminasyon?

Huh?! ano nalang ang masasabi ni tatang, ano nalang ang mararamdaman nya kapag nalaman nyang yung apo ay nabansagang mag nanakaw kuno--hindi! hindi nya pwedeng malaman to

"Oh! ano pa bang hinihintay nyo, dalhin nyo na to sa baranggay--"

"A-aling layla, please po, wala po kong ginawang masama, please ho wag nyo ho akong ipa baranggay. Ang tatang ko ho, matanda na ho sya baka ho may kung anong masamang mangyari sa kanya sa oras na malaman nya to" nakaluhod kong paki usap sa kanya

Si tatang nalang ang meron ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na may mangyaring masama sa kanya

"Pasalamat ka may natitira pa kong awa sa katawan ko, dahil kung wala kulungan bagsak mong bata ka" madiing saad nya habang dinuduro duro ako

Hinawi naman nya ko na ikinabagsak ko sa sahig tsaka nya ko iniwan

Wala na kong lakas para mag isip pa, bahala na ang pride na yan, sa panahon ngayon hindi ako matutulungan ng mataas kong pride

Agad naman akong tinulungan ng iba kong kasamahan ng tuloy tuloy akong bumagsak sa sahig, wala na sa kondisyon ang utak ko pero alam ko, ramdam ko

Tahimik nya kaming pinapanood ng walang kahit anong emosyon sa mga mata

----------

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon sya umasta

May nagawa ba kong mali?

Pero mas lalong di ko maintindihan kung bakit ganon ang tingin nya sakin ng pagbintangan ako ng nanay nyang mag nanakaw...parang

Parang expected na nyang mangyayari yun

Hindi kaya---Hindi! Imposible! imposible namang sya ang sumabutahe sakin

"Tama! imposibleng sya ang gumawa sakin nun, parters in crime kaya kami"

Trenta mil, trenta mil ang kailangan kong bayaran, kapalit ng hindi nila pagsumbong sakin

Hindi ako guilty o ano, ayoko lang na lumaki pa lalo ang gulo, kahit saang korte suprema pa kami dalhin, kulungan pa rin ang bagsak ko

Kahit pa nga ata nasa panig ko ang pinaka magaling na attorney ako parin ang lalabas na kriminal

Ano pa bang magagawa ko ?wala, nagkasala na ko sa paningin nila, kasalanan hindi ko namang matandaang ginawa ko

Sa loob ng isang buwan, kailangan kong bayaran ang trenta mil na yun, dahil kung hindi idedemanda daw nila ako

Hindi naman ako takot makulong nag aalala lang ako para kay tatang

San naman ako kukuha ng ganong kalaking halaga sa loob lang ng maikling panahon

Sa loob ng isang araw, wala pa sa tatlong daan ang kinikita ko, pinasukan ko pa lahat ng trabahong alam ko yan. Maintenance pa ni tatang, magkano mga gamot nya, upa pa sa bahay, kuryente at tubig, pagkain

Sa isang buwan kailangan maka 30 000 ako, eh may 30 days sa isang buwan, kakailanganin maka 1000 akosa loob lang ng isang araw-- hindi 1300, 300 yung panggastos namin sa araw na yun

"Hays ang hirap naman, kahit anong sikap ko wala parin--napagbibintangan pa" saad ko sa sarili habang kinokondesyon ang leeg

Grabe mas lumala sakit ng katawan ko ngayong araw ah--

"Ahh!"

"Hoy!may natutulog na" hiyaw ng kung sino, at talagang binuksan pa ang ilaw para sigawan ako

"Sorry po" balik na hiyaw ko tsaka iika ikang tumakbo

Okey na katawan ko kanina eh, bakit bumalik nanaman ang sakit...sakit ng nakaraan

echos...comeback is real

Ay ewan, naloloko na ata ako

"Tang, nandito na ang inyong nag iisang pinakamagandang apo--Tang!"

"Tang, nandito na ang inyong nag iisang pinakamagandang apo--Tang!"

"Tang!gumising kayo!" hiyaw ko habang niyuyogyog sya

Bat jan kayo natulog, malamig ang sahig!

"Tang, gising tang!" naiiyak kong hiyaw habang kalong kalong sya sa hita ko

Bat ba kasi jan kayo natulog, may higaan naman tayo sa kwarto ah, kahit naman walanag kutson komportable naman dun, kahit may mga katabi tayong surot

"Mga kapitbahay tulong!" hiyaw ko pa kaso ni isa sa mga kapitbahay namin walang pumunta, mga put tank in a mall kayo!

"May ayuda!" hiyaw ko pa at wala pang limang segundo ay nandito na sila

"Asan?" sabay sabay nilang tanong, pero tiningnan ko lang sila tsaka muling ibinaling ang atensyon kay tatang na ngayon'y walang malay

Dali dali naman silang lumapit samin tsaka kinuha si tatang, habang ang iba naman'y inalalayan akong tumayo

Isang tricycle lang ang nadatnan namin sa labas kaya pinauna na namin sila

Patuloy pa rin ako sa pag iyak habang hinihintay ang sasakyang magdadala samin sa ospital ng may kung sinong humatak sakin

"B-bryle"

"Shh,tara na mauna na tayo sa ospital" bulong nya sakin habang hatak hatak ako papunta sa madilim na parte

Omaygad, anong gagawin namin dito?enebe em stel enesent

"Hoi!"

"Huh?"

"Bakit hindi ka kasi agad sumama kanina?" tanong nya

"A-ah e-eh, pano ako makakasaka, eh pag pasok nila kay tatangsa loob, nag sisunod na agad ang iba,san pa ko sasakay?yung loob puno, yung gilid puno, yung likod puno, yung bubong puno, san pa ko pupwesto?"

"Tss, a--ikaw yung apo eh, tara na nga" saad nya tsaka tinanggal ang kung ano

Para namang nag slow mo ang paligid ko ng bumungad sakin ang isang napaka ganda't napaka astig na motor, whoaaa

----------

"Peste ka, di mo man lang sinabi na di ka pala marunong mag motor, tapon mo na nga lang yan walang kwenta, walang gas"

"Di mo rin naman kasi tinanong eh, malay ko ba, kala ko madali lang eh sabi kasi automatic daw to" pagdadahilan naman nya habang kakamot kamot sa ulo

"Hays, di ka nga marunong mag bike eh, ibalik mo na nga lang yan sa pinagdekwatan mo, kakainit ka ng ulo" pag bubunganga ko pa

"Naglakad nalang sana tayo, kesa naman sumakay sa motor mong yan habang nag lalakad" dagdag ko pa

"Oo na, sorry na" nakayukong saad nya habang nakanguso

Inikutan ko lang sya ng mata tsaka nag dirediretso sa loob ng ospital

"Miss, san ho dinala yung bagong dating na pasyente?" tanong ko sa nurse na akala mo nilampaso sa sahig na puno ng harina sa sobrang puti, at pinagsasampal ng buong baranggay sa sobrang pula ng pisnge, tsk!

"Sinong pasyente?" balik na tanong naman nya

Aba't ang kapal ng apog ng nurse na to ah, kung makapang tanong kung sinong pasyente kala mo naman madaming nag papaadmit dito

"Yung matanda hong nag ngangalang Fejerson Dimakatulog"nakangiwing sagot ko

"Tsk, wag nyang sabihing hahanapin nya muna, ingungudngod ko talaga yan, baka nga tayo lang pasyente dito eh" bulong ko, hinawakan naman ako ni Bryle sa braso na tila pinag babantaan

"Ah yun ba? andun sa emergency room, naghihingalo na wala daw kasing modo ang kausap ko"

"Ah talaga ba, dat sinapak mo" pambabara ko tsaka hinatak si Bryle palayo dun

Nakita ko pa ang malandi nyang pag kagat labi habang nakatingin kay Bryle, with matching kindat pa, arrgghh kakainit ng ulo ang laswa

"Bat ang iniy ng ulo mo?" natatawang tanong nya

"Itanong mo dun sa nurse na mukhang clown" iritang sagot ko na ikinahagalpak nya ng tawa, tuwang tuwa ka na nyan?

"Selos ka?" pang aasar pa nya

"Asa ka di tayo talo"

Pasalamay nalang sya alanganin ngayon si tatang, dahil kung hindi

Hindi ko talaga papalampasin pang aasar nya sakin

Aba di kami talo,ayoko sa maingay

Pasalamat nalang sya loyal ako sa barko ko, kahit di kami bati ni Ara

BryRa namba wan!!!