"Oh ineng, anjan na pala kayo" bungad samin ni aling Solir
Wala pa po talaga kami, painting lang namin to
"Ano hong sabi nang doctor?" walang ganang tanong ko
Sino bang hindi mawawalan ng gana, sa dinami dami ng mga kamalasang pwedeng mangyari, ito pa talaga
Nabungangaan ako, nalait pa, sama pa nating napagbintangan akong magnanakaw, pinagod pa ko ng gwapong dimunyu pinalakad ako mula sa bahay namin hanggang dito sa ospital habang nakasakay sa walang gas nyang motor, at ngayon, malala na ang sakit ni tatang
Isang iling naman ang isinagot na sakin na nasundan pa ng ilang iling
Napasalampak naman ako sa sahig tsaka tahimik na umiyak
Madami pa kaming pangarap ni tatang eh, mag papagawa pa nga kami ng malaking bahay eh, ihahatod pa nya ko sa altar--
"Sino ho ang kamag anak ng pasyente?" putol ng kung sinong Poncio Pilato sa pag dadrama ko
Sabay sabay naman akong tinuro ng mga chismosa't lasinggero kong mga kapitbahay
Mga taksil!
"A-ako ho" nauutal kong sagot habang inaalalayan ako ni Bryle tumayo
Sobra ang kabang nararamdaman ko, yung tipong tinawag ka ng teacher tas di mo alam isasagot mo
"Didiretsuhin na kita ineng, ma--"
"Mamamatay na ho sya?! Huhuhu tang!bakit mo ko iniwan?!"
Akala ko ba ako ang ihahatid nyo sa altar, bakit naman nauna kayo?!
"Aray ko!" hiyaw ko ng may kung sinong bumatok sakin
"Lokaret! malala lang ang kondisyon ng pasyente pinapatay mo na" maarteng sabi nya sakin
Ay kabog!
Pero, s-sabi ni--- ay ewan, masyadong advance mag isip ang aling mo
"As I was saying malala na ang lagay ng pasyente, kailangan na nyang maoperahan sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi...matetege sya"
"M-magkano ho ba ang kakailanganin?" nanghihinang tanong ko
"Malaki"
"Gano ho kalaki?"
"Sobrang laki"
"Gano nga ho---"
"Kalahati, kalahating milyon"
----------
"Anong kulay ng potato?"
"Edi puti, hahahaha gets mo? putito edi puti bwahahahaha"
"Bryle"
"Eto pa, anong tawag sa maliit na tsunami?"
"Bryle"
"Enkkkk, mali!anong Bryle ka jan, edi tsunano bwahahahahaha"
"Bryle!"
"Eto pa---"
"Please, tama na" paki usap ko
Wala ako sa mood makipag tawanan masyadong malaking halaga ang kailangan ko pang pa opera ni tatang
"Luh, pinapatawa pa nga kita eh" nakangusong pangangatwiran naman nya
"Di naman nakakatawa jokes mo" pambabara ko naman sa kanya tsaka sumandal sa balikat nya
"Ano bang kailangang gawin ko para sumaya ka, wala ka ng ginawa kundi mag mukmok ng mag mukmok, pangit ka na nga mas lalo ka pang pumangit" pang aasar nya
"Kailangan ko? kalahating milyon" wala sa sariling sagot ko na ikinatahimik nya
"Oh?bat ka nanahimik?" natatawang puna ko ng bigla syang manahimik
"Sige"
"Anong sige?"
"Bumalik ka na lang sa pag mumukmok mo" kakamot kamot ulong sabi nya sakin
Parang may kung ano namang pumitik sa sintido sa isinagot nya sakin
Grabe! lakas ng loob nyang magtanong wala rin naman
"Oh? san punta mo?" takhang tanong nya sakin ng bigla akong tumayo sa kinauupuan ko
"Maghahanap ng kalahating milyon" sagot ko ng di sya nililingon
"Sama ko, gusto ko din ng money" hiyaw nya
Di ko nalang sya pinansin tsaka nag patuloy sa pag lalakad
Panggulo lang naman yung gwapong dimunyung yun, baka imbes na sakin ibigay sa kanya pa napunta, mahirap pa namang mangutang sa lalaking yun
----------
Sinubukan ko ng lumapit kung saan saan, sa baranggay, sa munisipyo, at kung saan saan pa
Pero ni isa walang nagbalak makinig sakin, kung ano anong dahilan pa ang sinabi sakin
Kesyo wala akong ganito ganyan, di nalang sinabi na wala silang tiwala sakin
Mukha ba kong di katiwa tiwala? mukha ba kong scammer huh?!
Maayos naman ang suot ko ah, sobrang laking tshirt tsaka ripped jeans
Bakit ba lagi nalang nang jujugde ang mga tao? bakit ba kailangan muna nilang tingnan ang damit ng isang tao para malaman kung mapag kakatiwalaan ba o hindi
Hindi lang pala damit, mukha at buhok din. Buhok? ayos lang naman, medyo magulo lang, yung tipong ilang taon akong di nakapag suklay, pero okey ang naman medyo maganit lang
Nalibot ko na ata boung lugar namin kaso wala akong napala
Hindi pa nasikat ang araw ng umalis ako sa ospital at ngayon padilim na uli, pero may napala ba ko?wala nganga!
Napabuntong hininga nalang ako tsaka nag umpisa ng maglakad ng nakayuko
Hay buhay, ang hirap talagang maging mahirap---
"Eh!" daing ko ng may kung sinong tao akong mabangga tsaka ito dali daling tinulungan
Ayan selp drama pa!
"tú"bulong nya habang nakakapit sa parehong braso ko
"H-ho?ayos lang ho ba kayo"alalang tanong ko ng may luhang tumulo sa mata nya
Sunod sunod na tango naman ang isinagot nya sakin dahilan para makahinga ako ng maluwag,
pero agad din namang nanlaki ang mata ko ng tuluyan syang umiyak
"Hala lola sorry ho, bakit ho kayo naiyak?may masakit ho ba sa inyo? gusto nyo bang dalhin ko kayo sa ospital?" sunod sunod na tanong ko na ikinatigil ng pagpoproseso ng walang kwenta kong utak
Hala sya anlakas ng loob mag alok na dalhin sa ospital ah, ni wala ngang pambili ng pagkain---
Laking pasalamat ko ng umiling sya bago nya ko biglang niyakap
At sa di malamang dahilan ay biglang tumigil ang tibok ng puso ko
Yung tipong tumigil sya kasi mamamatay na ko---charr, tumigil sya hindi dahil sa kaba o takot na nararamdaman kundi dahil sa tuwa
Bumitaw naman sya mula sa pag kakayakap sakin tsaka ako ningitian ng may luha sa mata
"Por fin te encontré, algún día darás a luz a una reina, una reina justa que es más grande que la más grande, ella cambiará el mundo, nuestro mundo"
"H-ho?"
"L-lola h-hindi ko po kayo maintindihan,ano pong ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ko
"Lo siento, no quiero ofenderte, pero el destino debe cumplirse, debe nacer la reina, la verdadera reina" naluluhang saad nya pa
Naguguluhan ako, di ko sya maintindihan, di ako marunong ng alien language, malapit ng sumabog ang utak ko
Pero parang...humihingi sya ng tawad, at di ko alam kung para san yun
Hindi ko maintindihan si lola, pero ang puso ko, parang naiintindihan nya sya
Gusto kong wag ng isipin ang mga sinabi ni lola pero ayaw sumunod ng utak ko, suwail! ibenta ko kaya to, kaso wag na baka ibalik lang din sakin kasi walang laman
----------
Kasalukuyan na kong papasok sa loob n ospital at di ko alam kung pano ako nakarating dito
Hindi ko matandaang nilakad ko yun papunta dito, ang natatandaan ko lang ay nung dapat mag sasalita ako ay may nag si datingang mga lalaking naka hospital gown na may kasamang isang babae
Tinulak tulak na ko ni lola pero bago ako tuluyang makalayo, alam kong may kung ano pa syang nilagay sa bulsa ng pantalon ko---
"Nandyan ka lang pala" salubong sakin ng gwapong dimunyu bago pa ko makaliko
As usual napatalon nanaman ako, ano pa bang bago?
"Kanina pa kita hinahanap eh, oh ano may nakuha ka ba?" tanong pa nya
"Wala, dapat meron na eh, kaso bigla kang nagpakita, nawala tuloy" nakangiwing sagot ko
"Bakit ba andito ka?sino nag babantay kay tatang dun sa taas?"
"Andun sila aling Solir, tara na paniguradong hinahanap na tayo ng mga yun" yaya pa nya habnag pilit akong kinakaladkad
Si Ara?bumisita kaya?
"Mauna ka na, sunod nalang ako, mag ccr muna ako" paalam ko bago sya tinulak paakyat ng hagdan tsaka dumiretso sa pinakamalapit na cr
Feeling ko ang haba ng araw na to, ang haba nga wala naman akong napala buong araw---
"Apo"
"Ay anak ng palakang tinubuan ng buhok" hiyaw ko ng may kung sinong mag salita
Napalingon naman ako sa likod ko ng may nakita akong repleksyon ng tao sa salamin
"Lola bakit naman ho kayo nanggugulat?" kinakabahang tanong ko, muli naman nya kong niyakap bago inabutan ng isang itim na bag
Hala!baka bomba na laman neto
"Kunin mo, alam kong kailangan mo yan" nakangiting saad nya
Ngiting, parang nag papaalam
"Alagaan mo sya para sakin"
"S-sino ho?B-bakit po a-ako?"
Mukha pa namang malakas si lola ah, di naba nya kayang alagaan---
"Sya"