-/CHAPTER 04/-

Hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan ko, kahit nga gumalaw nakalimutan ko na ata

Nakaalis na lahat lahat si lola pero ako parang na stuck na sa pwesto ko

Bumibigat na ang pakiramdam ko pero nagawa ko paring tingnan ang laman ng bag

Lungkot, tuwa, takot di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko

S-saan nakuha ni lola ang gantong kadaming pera?

Alam kong mali, maling gamitin ang perang to lalo na't di to akin, pero wala na kong pag pipilian pa

Dali dali akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ni tatang, nasalubong ko pa si Bryle na agad ding sumunod sakin ng makita nya ako

"Doc, pwede nyo na hong gawin ang operasyon may pera na ho ako"hiyaw ko ng makapasok sa kwarto tsaka binuhos lahat ng laman ng bag sa higaan ni tatang

"We'll begin the operation in 15 minutes"

----------

Pera, pera ang pinakamahalagang bagay sa mundo, dahil kung wala ka nun mamamatay ka

Limang oras na mula ng mag simula ang operasyon ni tatang, limang oras na rin ang lumipas mula ng huli kong makita si lola, asan na kaya si lola ni hindi ko manlang nagawang mag pasalamat sa kanya

"San nanaman punta mo ngayon?" bagot na tanong ni Bryle

"Sa labas mag papahangin"

"Magpapahangin ngayong oras? do you know what time is it? its f*cking one in the morning---"

"Blah blah blah, kaya ko sarili ko okey, baka pag di ako nakasinghot ng sariwang hangin ngayon baka mauna pa ko kay tatang sa kabilang mundo, sige na ikaw na muna bahala kay tatang huh" paalam ko tsaka naglakad na palayo, mag sasalita pa sana sya ng itaas ko ang kanang kamay ko

Gaya ko, wala ring pahinga si Bryle, wala eh lakas ng loob mag presinta

Di naman daw nya kasi ako matutulungan sa pera, kaya sya nalang daw ang mag babantay kay tatang habang nagawa ako ng paraan para maoperahan si tatang

Nung una tumanggi ako, syempre kahit papaano may hiya parin ako, kaso wala eh

Mapilit ang gwapong dimunyung yun

Hays, wala ni isang tao ng pakalat kalat ngayon, parang nakakapagsising lumabas

Ayoko naman ng bumalik, masyadong maganda ang langit para di ko tingnan

Isa pa, tinatamad narin ako, wala na kong ginawa kundi mag akyak baba

Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga bench dito sa garden na medyo malapit lang sa ospital

Pinapanood ang mga bituin sa langit

Nakikita rin kaya to ng mga magulang ko? nasan na kaya sila? buhay pa ba sila? iisang star lang ba ang tinitingnan namin ngayon?

Kahit isang beses sa buhay hindi ko sila nakita

Kahit picture wala,kapag tinanong ko naman si tatang, napakaraming palusot ang sinasabi para lang di makapag kwento

Ang tanging alam ko lang sa kanila ay yung love story nila, itsura't ugali kung maganda ba sila gwapo, ganon

Pero kung nasan sila ngayon at kung bakit nila ako iniwan, wala akong ideya

Ni hindi ko nga alam kung kanino ko sya lolo eh, ang sabi naman nya, kamukhang kamukha ko daw ang nanay ko, mata lang daw nakuha ko sa tatay ko

Pero ang ugali, kuhang kuha ko naman daw ugali nya, pareho daw kaming sakit sa ulo

Di naman kami magkamukha nitatang eh, magka ugali pwede pa kaya siguro lolo ko sya sa father side

"Ang kulit mo talagang bata ka, halika nga dito at susuotan kita ng damit"

"Habulin nyo muna ako"

"Anak ka talaga ng tatay mong pasaway ho oh, wag ka lang talaga papahuli sakin kundi, ilalambitin kita sa puno patiwarik"

"kung mahahabol nyo ko bleeeh"

Madami pa ho akong tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan, kaya please po God wag nyo po munang kukunin sakin si tatang

"Master, the Ford Clan is down, fortunately we saw the Scott's knight,but he's not in a good condition---"

"Did you bring him with you?"

"No master, he insist to stay because of his grand---"

"Track'em and keep an eye on'em"

"Bu--"

"That's an order"

"Yes master"

You mess up with the Wright's now face its consequence

"BOOOOMMMMMMMM!!!!!!!" pag sabog ng kung ano

At mula dito sa kinauupuan ko ay kitang kita ko kung pano sumabog at mag liyab ang ospital

H-hindi! nasa loob pa sila tatang

Agad akong tumakbo palapit dito at napahawak nalang sa bibig ko ng malapitan kong masaksihan ang pag liliyab nito

Inaapula na ng mga bombero ang sunog, habang ang mga pulis naman ay pilit pinapalayo ang mga taong malapit dito

"Maam, please po doon po muna tayo sa gilid, kasalukuyan na pong inaapula ng ating mga bombero ang sunog"

W-walang atin!

"P-pero, y-yung lolo ko po nasa loob pati po yung k-kaibigan ko" naiiyak kong sabi sa pulis habang dinadala nya ko papunta sa gilid

"Ang ating mga bombero na ho ang balang rumesponde sa kani---maam! bawal ho jan!" hiyaw nya sakin ng dali dali ko syang hinawi tsaka patakbong pumasok sa nasusunog na gusali

Hindi pwedeng wala akong gawin dito habang nag aagaw buhay sila sa loob

Sila nalang ang meron ako, di ko na kakayanin kung pati sila kukunin din sakin

"Tang! Bryle!"

"T-tang! *cough*cough* B-bryle!" hiyaw ko hang hinahawi ang mga nag tumbahang kahoy

"Tang!" muli kong sigaw ng makita sya tsaka dali daling lumapit sa kanya

"Tang wag ho kayong bibitaw, ilalabas ko kayo rito" saad ko habang pilit syang binubuhat

"A-apo, w-wag na, nararamdaman ko ng o-oras ko na" nanghihinang sagot nya

"Hindi tang, huwag nyong sabihin yan! hindi nyo pa oras , magpapagawa pa tayo ng malaking bahay diba ihahatid nyo pa ko sa al--"

"A-apo masaya a-ako't ligtas ka, sa huling segundo ng buhay ko, masaya ako't nalaman kong nagawa ko ng maayos ang tungkulin ko, napalaki kita ng maayos gaya ng gusto ng mga magulang mo. Hindi ka mag nanakaw, hindi ka masama huwag kang papaapekto sa mga sinasabi ng mga tao sayo. Ingatan mo ang sarili mo apo"

"Tang wag naman kayong ganyan" naiiyak kong sabi habang hawak hawak ang kamay nya

"I-I, F-fejerson Jung, i-is n-now s-signing off, d-done protecting and r-raising y-young l-lady Aphrodite S---"

"T-tang, tang! gumising kayo tang!"

"Tang!"

"Maam, maam halika na po, kailangan na po nating umalis" saad ng kung sino habng pilit akong hinahatak

"Bitawan mo ko, tang!"

"Maan tara na po"hiyaw nya pa bago ako tuluyang mahatak

Wala namang tigil sa pag agos ang luha ko habng pinapanood kung papaano tuluyang mabagsakan ng mga kahoy ang katawan ni tatang

Patuloy lang akong hinahatak ng isang pulis hanggang tuluyan kaming makalayo

At mula rito sa kinatatayuan ko at kitang kita ko kung pano tuluyang bumagsak ang ospital kung nasan si tatang

Wala na kong nagawa kundi mapaluhod na lang, sinasabunutan ang sarili habang pinapanood ang malaking apoy na sumasayaw sa hangin

"Tang" ang tanging salitang nabanggit ko bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman

'Happy birthday princess'

'You really have a gorgeous daughter Son'

'Thanks Ron, kung bakit ba naman kasi ayaw nyong gumawa ng babae ni Aira, at ng di ka naiingit sakin'

'Alam mo namang bawal diba'

'Yeah yeah beliefs'

'Tss, wait I have a nice idea, how about being in laws?'

'Shut it Ron, ayokong pangunahan sa pag dedesisyon ang anak ko, isa pa baka mag mana sayo yang anak mo, baka maging babaero din gaya ng ama, ayokong masaktan ang anak ko'

'What the?hindi ako babaero no, by the way think about it, their names suits each other at sa ganong paraan masisisguro natin ang magiging buhay may asawa nila, isa pa paniguradong magiging napaka gandang lahi ang magbubuo pag nag sama ang mga apilyedo natin'

'Sabagay, pero eh! ayoko nga! di mo pa nga nababayaran utang mong sampu eh'

'Bayaran mo rin muna utang mong sampung piso!'

"So their queen had fallen huh?!"

"Ano na hong susunod nating gagawin master?"

"We'll wait for their next move, just like the game chess. Tapos na tayong tumira at nahulog ang reyna nila sa patibong natin, mahirap gumalaw ng wala ang isa sa mga most powerful pieces, hintayin natin ang galaw nila, pagtapos uunti untiin na natin silang patumbahin starting from their pawns"

"Yes master"

Hintayin nyo Wright's malapit na dumating ang araw na pinakahihintay ko

Ang araw ng pag bagsak nyo