-/CHAPTER 05/-

"Doc, kamusta na po sya?"

"Stable naman na ang lagay nya, wala lang syang matinong pahinga kaya hanggang ngayon binabawi pa rin nya ang lakas nya. Pero pwede nyo na rin syang ilabas sa oras na magosing sya"

"Sige ho doc, salamat ho"

"Wala ka pa rin bang balak bumangon?" bagot na tanong nya...sakin?

Unti unti ko namang minulat ang mata ko tsaka inilibot ito ng tingin hanggang tumigil ito sa mukha nyang ngayon ay puno ng awang nakatingin sakin

"Ano bang nangyari?" walang emosyong tanong ko

"hindi ko alam" mabilis naman nyang sago tsaka nag iwas ng tingin

Sinungaling!

Pano nangyaring sya nakaligtas samantalang si tatang, Hindi

Hindi naman sa ayaw kong makaligtas sya pero---

"Gusto ko ng umuwi"

"Pero hindi ka pa magaling"

----------

"Aling Lorna, baka pwede hong sa susunod na araw nyo na ho sya paalisin" pakikiusap ni Bryle sa may ari ng inuupahan naming bahay

"Ay, hindi na ijo, hindi ko kailangan ng mga boarders na hindi naman marunong mag bayad ng upa, isa pa may nahanap narin akong lilipat jan bukas na bukas din" mataray namang sagot nya

"Pe---"

"Tara na Bryle" aya ko sa kanya tsaka nag umpisa ng bitbitin ang mga gamit namin

Nag pa lipat lipat naman ang tingin nya samin bago napakamot sa ulo at napag pasyahan akong tulungan

"Akin na nga yan, kakagaling mo lang sa ospital eh, kung makabuhat ka kala mo hindi ka nahimatay ah" puna naman nya matapos kunin lahat ng bitbit ko

Kung makapag salita kala mo di rin sya nanggaling ospital, tss

"Dun ka kaya muna sa bahay" pang aalok nya na ikinatigil naming dalawa sa pag lalakad

"Kahit saglit lang, ala ka pa naman mapupuntahan ngayon eh" dagdag pa nya

"Isang linggo"

"I-isang buwan mo na"

----------

"Ayos ka lang ba dyan?" pang ilang ulit nyang tanong

"Pang 47th mo na yang tanong, oo nga! pero mas okey kung ako ang nasa labas" bagot kong sagot

"Pshh, bisita kita okey, isa pa bespwend din kita kaya kelangan may special treatment ka, oh sya sige na mag pahinga ka na" paalam nya bago ako hinalikan sa noo tsaka umalis

Mung ewan, lakas talaga ng sapak nung isang yun

Hayys, feeling ko di ako makakatulog ngayon, ang haba na ng pahinga ko, tatlong araw...tatlong araw na rin mula ng mangyari yun

Pero ang masakit ni katawan, ni tatang wala

Gusto ko mang isipin na buhay pa si tatang, na naging hulk sya tsaka inalis lahat ng mga bumagsak sa kanya, pero di ko kaya, napaka imposible

Y-yung sugat nya... y-yung sugat nya sa bandang tyan

P-parang, parang tama ng b-bala

Pero san naman yun nanggaling yun?

Pako? hindi, masyadong malaki ang butas para lang sa pako

Napabuntong hininga nalang ako tsaka nag umpisang kalkalin ang laman ng bag ko

Hikaw? bat may hikaw dito? Wala naman akong hikaw

Napailing nalang ako bago inayos ang higaan ko

Niligpit ko na rin ang mga kinalat tsaka humiga

Bukas, mag iisang linggo na mula ng mag umpisa ang mga kamalasang nangyayari sakin ngayon

Napakabilis ng panahon, parang kahapon lang magkatabi pa kaming natutulog ni tatang sa matigas naming papag

Pero ngayon, nasa kutson nga ako, wala naman na si tatang

Gusto kong sisishin ang may kapal sa lahat ng nang yayari sakin ngayon, pero hindi pwede dahil alam ko lahat ng mga nangyayari sakin ay may dahilan

----------

"San ka nanaman ba pupunta?" tanong nya habang masamang nakatingin sakin

"Maghahanap ng trabaho" sagot ko habang inaayos ang buhok ko

"Ilang bese ko ba sayong sasabihin, hindi mo naman kelangang madaliin ang pag lipat mo, ayos lang naman sakin kung mag stay ka pa dito ng mas matagal hindi naman kita sisingilin sa mga gastusin, bakit ba nagmamadali ka sa pag lipat---"

"Sino bang may sabi na kaya ako mag hahanap ng trabaho para makalipat agad?ginagawa ko to para kahit kaunti matulungan kita sa mga bayarin. Ni hindi ko pa nga kayang palamunin sarili ko mag hahanap agad ako ng sakit sa ulo, sya sya sya sige na mauna na ko"

"Hoi, di ka pa nag aalmusal" hiyaw nya habang nakataas ang kamay nyang may hawak na tinapay

"Tsaka na pag nakahanap na ko ng trabaho" hiyaw ko naman pabalik tsaka sinarado ang pinto ng bahay

Gaya ng dating gawi, kailangan ko nanamang kumayod

Pero di gaya ng dati, sarili ko nalang ngayon ang binubuhay ko

Napabuntong hininga nalang ako bago nag umpisa ng mag lakad

Nakakapanibago parang hindi ganitong buhay ang nakasanayan ko

"Pasensya na neng ha, pero marami na kasi akong tauhan eh hindi ko na nga alam kong papaano ko sila suswelduhan"

"Ay sige po, salamat po"

Napuntahan ko na ata lahat ng pwedeng pasukan dito sa lugar namin kaso waley

Napasalampak nalang ako sa may hagdanan tsaka nangalumbaba

Kailangan magkaroon na ko ng source ng pera sa lalong madaling panahon

Hindi man ako sinisingil ni Bryle pero syempre di ko naman pwedeng abusuhin kabaitan nun

At isa pa, may trenta mil pa kong kailangang bayaran

Andaming tao ngayon sa plasa, ano bang meron?

Tumayo na ko sa kinauupuan ko, ika anim na baitang para sana tingnan kung anong nangyayari nang may lalaking natakbong dumaan sa gilid ko

"Yah!"

Buti nalang di nun ako nadala, dahil kung nag kataon para akong sangang tinatangay ng hangin ngayo---

"W-woaahh eh!"

Muntikan na rin akong mahagip ng mga nag tatakbuhan kong mga kapit bahay mukhang hinahabol nila yung lalaki kanina---

"Magnanakaw!" hiyaw ni ateng katabi ko

Takha ko namang syang nilingon bago muling ibinalik sa mga nag hahabulan

Napailing nalang ako at akmang titingkayad ng mag kamali ko ng hakbang

Para namang nag slow motion ang paligid ko, sana naman diba may mag magandang loob na saluhin ako

Hindi naman ako maarte ayos na sakin yung matangkad gwapo maputi

Napapikit nalang ako habang hinihintay ang malakas kong paglagabog k-kaso---

"A-ah!"

"Fvck!"

Tinupad na ba ni God ang hiling ko?

Dahan dahan ko namang iminulat ang mata ko at halos matigilan sa nakita ko

Kasalukuyan kaming nakikipag titigan sa isa't isa at sa di malamang dahilan ay may kumalabog sa dibdib ko, pumutok na ata yung lobong nilagay ko, charr di ko na kelangan yun

Mahabang mga pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi

guhhh bat ang perpekto nya

E-eh? agad akong napatingin sa kamay nya na nakahawak sa---

"Manyak!"

"Sh*t!"

hiyaw namin pareho tsaka tinulak ang isa't isa

Kaso sa kasamaang palad nag dirediretso ako sa kanal na nasa likod ko

Waaahhhhh, tumayo na rin naman ako bago pa may makakita sakin tsaka pinunasan ng putik ang mukha nya. Todo layo pa sya pero di sya nakaligtas sakin

"Fvck!"

Wala na andumi ko na, basa na rin ako, bakat na---

Agad naman akong napahawak sa dibdib ko habang masamang nakatingin sa kanya

Napatingin rin naman sya dito kaya dali dali kong kinuha ang sapatos ko tsaka binato sa kanya

Kaso ang dimunyu sinalo lang

"What the hell was that?!" iritang tanong nya habang hawak hawak ang sapatos ko

Abat! sya na nga nambastos sya pa may ganang magalit

"Manyak ka kasi, sino ka ba huh?!" sigaw ko naman sa kanya habang tinataas ang manggas ng sout kong tshirt

Ano! away o gulo!

"I should be the one who asked you that, who the hell are you and why did you jump from nowhere?" balik na sigaw nya sakin habang dinuduro duro ako, abat!

"Hoi, ikaw lalaki ka!wala akong atraso sayo kaya wala kang karapatang duruduruin ako" muli kong sigaw sa kanya

"How about you, anong karapatan mong sigaw sigawan ako, do you fvcking know who the hell am I?"

"Wala akong pake kung sino ka man, wala akong pake kung ikaw man ang pinaka gwapo o pinakamayaman sa boung mundo, isa lang masasabi ko sayo, Wala.Akong.Pake!"

"What the, I am a fvcking Wright!"

"Oo tama ka, fvck ka talaga" sigaw ko bago sya tinalikuran

Napabuga nalang ako ng hangin bago sya muling hinarap para samaan ng tingin

Well quits lang din dahil masama rin ang tingin nya sakin

Pisti yung manyak na yun, mansasalo na nga lang dun pa hahawak sa ano ko

Psh, ano naman kung gwapo sya, marami pa naman dyang iba di sya kawalan

----------

"Bat ganyan mukha mo?" salubong sakin ni Bryle habang nakapamewang

"Wala"

"Bat andugyot mo? may nang away ba sayo? asan na yung lokong yun at ng maturuan ng leksyon" panghahamon pa nya at akmang lalabas ng bahay, kaso di rin natuloy kaya bumalik sya sa harapan ko ng di ko sya pigilan

Huh! kala nya pipigilan ko sya?!

"Oh, kala ko ba tuturuan mo ng leksyon?" bagot na tanong ko sa kanya

"Tsaka na, bibigyan ko muna sya ng panahong maka pag practice"

"Psh,ikaw turuan ko ng leksyon eh"

"So bakit nga, bat ganyan mukha mo?"

"Eh kasi.... ayun sinalo nya ko kaso yung kamay naman nya nasa ano ko"

"Ano?"

"Ah basta" kakamot kamot ulo kong sagot

"Nag thank you ka naman ba?" taas kilang nyang tanong

"Kelangan pa ba nun?"

"Aba syempre, w-wag mong sabihing inaway mo pa"

e-eh!

"H-hindi ko naman ata sya inaway"

"Ata?" nanlalaking matang tanong nya

"Oo?"