THE NEXT CHAPTER

[1year later]

MIKKI's POV

Ilang buwan naden ang nakaraan ay dipa den ako nirereplyan ng mga inaaplyan ko na company.

"mahal may nagtext sayo"Ani ni migo.

Tiningnan ko ang messages ko at nagulat ako dahil nagtext ang company na inaaplyan ko last month na kasama ako for last screening.

"Oh ba't abot tenga nanaman ngiti mo?Nakita mo siguro picture ko"Pabiro niyang sabi.

"Ang feeling mo"

"Eh ano nga?"Pagtataka niya.

"Tinawagan kase ako ng inaaplyan ko at kasama daw ako sa Final screening at pag nakapasa ako ay pwede na akong magtrabaho sa isa sa pinaka sikat na brand sa buong mundo"

"Congrats mahal,Kailangan naten icelebrate yan"Sagot niya.

"Pagkatapos nalang siguro ng screening baka kase mausog"

Hinanda kona ang mga dadalhin ko na requirements pati mga susuotin ko ay nakahanda naden.

"Mukang stress na stress kana ha"Ani ni migo.

"Kinakabahan nga ako e"

"Wag kana kabahan,Akin na tutulungan kita"Ani niya sabay hawak sa portfolio ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Maghintay ka diyan"Sagot niya.

Ilang minuto pa ay bumalik na siya at siya ay nakasuot ng polo at pantalon.

"Ba't naka ganyan ka?Saan punta mo?"

"Excuse me?Ako ang owner ng company na ito"Pabiro niyang sabi.

Tumawa lamang ako at tinanong niya ang mga info ko.

"Oh kaya mo naman pala"Ani niya.

"Sana nga"

"Tara nga dito!*sumandal sa braso niya*Naniniwala ako na makakapasok ka doon atsaka ikaw kaya pinaka magaling na designer na kilala ko"Banggit niya habang yakap ako.

"Thankyou ah"

Kinabukasan ay nagbihis na agad ako para sa screening na gagawin ko.

"Mahal gumising kana diyan"

"Aalis kanaba?"Tanong niya.

"Oo"

"Wait lang,hahatid kita"Pagaaya niya.

"Hahatid e nakahiga kapa diyan,Kaya ko na magisa"

"Eto na nga babangon na e,Give me 10 minutes nakabihis nako"Ani niya.

Agad naman siyang naligo at nagbihis buti nalang ay maaga ako masyado natapos magaayos.

"Mahaaal im ready"Banggit niya habang papalapit saakin.

"Wala kabang work ngayon?"

"Holiday namin ngayon"Sagot niya.

"Galing ah May sarili kayong holiday"

"Tara na"Pagaaya niya.

Sumakay na kami sa motor niya pero inaya ko muna siya kumain sa fastfood.

"Uy josh"

"Ano ginagawa niyo dito?"Tanong ni josh.

"Ahh hahatid ako ni migo sa aapplyan kong work,Teka ba't naka uniform ka?Sabi ni migo holiday daw ng company niyo ngayon"

"Anong holiday?matagal pa holiday namen"Sagot niya.

Nakatingin ako kay migo at halatang kinakabahan siya.

Umalis na si josh at naghanap na kami ng pwede naming upuan.

"Sorry na mahal"Pagmamakaawa niya.

"Diba sabi ko sayo pumasok ka kase kaya ko naman mag isa"

"Eh gusto lang naman kita samahan e,Last na 'yon dina ako uulit"Sagot niya.

"Siguraduhin mo lang"

Naputol ang aming usapan dahil dumating na ang food namen.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na agad kami sa company na aapplyan ko.

"Ang ganda naman dito saka mukang taga ibang bansa Yung may ari"Ani ni migo.

"Tara na akyat na tayo"

Pag akyat namin ay inassist kami papunta sa office.

"Mahal diyan ka nalang muna sa labas,okay?"

"Sige,Goodluck!"

Pagpasok ko ay nakita ko ang isang babae na magiinterview saakin.

"Im Miss Melinda and im the CEO of this company,I want you to inform that your work schedule is nasa secretary ko,You may start tomorrow"Ani niya.

"A-Ahh maam akala kopo interview 'to"

"Pinakita ko sa anak ko yung mga designs mo and nagustuhan niya,Ayaw moba or gusto?"Tanong niya.

"Gusto gusto po maam!salamat po"

Lumabas na ako ng office.

"Ano?"Salubong saakin ni migo.

Napangiti nalamang ako at niyakap niya ako.

"Sabi sayo makakapasok ka e"Bulong niya saakin.

Kinuha na muna namin ang schedule ko at umuwi na kami sa apartment.

"Mahal papuntahin kona ba sina chester dito?"Tanong ni migo.

"Sige,Sabihin mo magdala naden sila ng pagkain"

Habang tinatawagan ni migo sina chester ay may kumatok sa pinto at pinagbuksan ko ito.

"CONGRATS!"sigaw nila.

"C-chester?"

"Sinabi kase samin ni Josh na magaaply ka daw sa work at alam naman namin na makakapasok ka kaya pumunta na kami agad dito"Sagot ni adrian.

"Diba may pasok ka Josh?"

"Nag pa half day lang ako para makasama dito"Sagot niya.

Pinapasok kona sila sa loob at kumain na kami.

"Wait eto na nagriring na"Ani ni chester.

"HELLO MGA BEKS!!"Ani ni Cherry.

"Hello Cherry kamusta diyan sa Europe?"

"Eto medyo haggard na ako pero madami namang pogi kaya keri lang"Sagot niya.

"Sa Europe kapa naghanap ng pogi e nandito naman si Josh"Pabirong sabi ni adrian.

"Kaloka!Teka,Ba't ba kayo napatawag?"Tanong niya.

"Eto kaseng kaibigan naten ay nakapasok na sa work niya"Sagot ni chester.

"Halaaaa congrats!"Sagot niya.

"Nag apply kase ako sa international brand tapos nagustuhan daw ng anak niya yung designs ko kaya ayun pasado"

"Sabi naman sayo e parehas tayo magiging kabog na designers e"Ani niya.

"Okay dahil nakapasok si mikki,Cheers!"

"CHEERS!"

Matapos ang kasiyahan namin ay nagaya ng umuwi sina chester.

"Mikki mauna na kami lasing na lasing na 'tong si adrian baka mapagsaraduhan kami ng dorm"Pag papaalam ni chester.

"Teka pano 'to si josh?"

"Hayaan niyo muna siya maki tulog sainyo dahil diko kaya magbuhat ng dalawa"Sagot niya.

"Osige mag ingat kayo ha"

Pagaalis nila ay niligpit kona ang mga kinainan namin at kitang kita na lasing na lasing sina migo at josh kaya naman pinagtabi ko nalang Sila sa kama at ako ang natulog sa sofa.