THE UNTOLD LOVE STORY

BENNIE's POV

[JULY 1964]

Bagong umaga nanaman kaya kailangan kona muna tulungan yung magulang ko sa pag gawa ng tinapay dahil ayun ang ikinabubuhay namen.

"Anak magbihis kana at baka mahuli kapa sa klase mo"Ani ni nanay.

"Sige po"

Pagkapasok ko ng eskwelahan ay sumalubong saakin si Lita.

"Bennieeee!"Sigaw niya.

"Oh Ano nangyayari sayo?"

"Meron daw bagong lipat na lalaki saatin at eto pa galing daw siya sa maynila"Ani niya.

"Sus alam mo naman ugali ng mga taga maynila"

"Haynako basta ang alam ko kapag taga maynila,Gwapo!"Pabiro niyang sabi.

Pumasok na kami sa aming silid aralan at sunod non ay pumasok den ang aming principal.

"Good afternoon class"Ani niya.

"Good afternoon din po"Sagot namen.

"May papakilala ako sainyo,Eto si felix galing siya sa maynila at mula ngayon magiging kaklase niyo na siya"Pagpapakilala niya.

"Ayan yung sinasabi ko sayo!Diba ang gwapo"Bulong ni lita.

Tumabi na saamin si felix at tila tahimik ito.

"Uhmm hi?Ako nga pala si lita"Ani niya.

Hindi lamang siya sumagot,,Ilang oras pa ay pumasok na ang guro namen.

Pagkasapit ng uwian ay nagpaalam na ako kay lita na umuwi at tumungo ako sa may garden dahil hihintayin kopa ang kapatid ko.

"Kuya,Kuya!Tingnan mo oh may nagbigay saakin ng ice cream"Ani niya.

"Diba audrey sinabi ko sayo na wag kang kumakausap ng hindi mo kilala"

"Wag kang magalala di naman ako masamang tao"Banggit niya habang papalapit saamin.

"F-Felix?"

"Siya yung nagbigay saakin"Ani ni audrey.

"Salamat nga pala"

"Hindi yan libre"Sagot niya.

"H-huh?"

"Bukas sa may canteen 10am"Sagot niya.

"Anong gagawin?Teka eto limang piso babayaran nalang kita!"

Umalis na siya kaya naman umuwi naden kami ni audrey.

Habang kumakain kami ay kinuwento ni audrey ang nangyari kanina.

"Nay alam moba may nag bigay saakin ng ice cream tapos ang gwapo niya kaso nga lang medyo masungit"Ani niya.

Ngumiti lamang si nanay at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maaga den ako matapos sa pagmamasa,

"Oh anak ang aga mo naman ata ngayon"Ani ni nanay.

"Nay may pupuntahan po kase ako mamaya kaya gusto ko po na maaga den matapos"

Pagkatapos ko gumawa ay nagbihis na ako.

"Nay alis napo ako"

"Sandali!Oh ayan baunin mo yang ensaymada,Magiingat ka ha"

Tumungo na ako sa school at hinintay ko siya sa canteen nang biglang may naramdaman akong malamig sa leeg ko.

"Oyyy!Ano yon?"

"Kanina kapa dito?"Tanong ni Felix.

"kakadating ko lang"

May binigay siya saakin na folder.

"Ano 'to?"

"Dahil bago palang ako dito at diba ikaw naman top student kaya pwede mo akong itutor"Sagot niya.

"Teka limang piso lang utang ko sayo ah"

"Wag ka mag alala ako ang magbabayad sayo"Ani niya.

"Sure yan ah?"

Binigay ko sakanya ang isang ensaymada na pinabaon saakin ni nanay.

"Ang sarap naman neto,Saan mo 'to binibili?"Tanong niya.

"Ahh kami may gawa niyan nagbebenta kase kami ng tinapay"

"Ayus ah,Sige mauna na ako hintayin kita sa garden mamaya"Ani niya.

Ilang oras na paghihintay ay dumating naden si lita.

"Bennieee!"Sigaw niya.

"Palagi ka nalang nasigaw"

"Kase ba naman habang naglalakad ako papasok e nakasalubong ko si felix tapos nginitian niya ako,Feeling ko tuloy maaga na ako ikakasal"Ani niya.

"Nginitian kalang gusto kana agad pakasalan?"

"Ah basta!"Sagot niya.

Pumasok na kami sa room.

"Hala bennie nandiyan na si dennis?Hindi na naten makakatabi si felix?Waaahh!"Ani ni Lita.

"Ano kaba para ka namang mamamatay,Ayus lang yon!"

Ilang sandali pa ay dumating na si felix,Nakayuko ako pero naririnig ko na nagsasalita siya.

"Tumabi ka diyan!Ako nakaupo diyan"Ani ni Felix.

"Absent lang ako kahapon pero dito ako nakaupo"Sagot ni dennis.

Ilang sandali pa ay ginising ako ni dennis.

"Bennie!Bennie diba ako naman talaga katabi mo,Sabihin mo nga sakanya!"Ani ni dennis.

"Uhmm felix Pede ba lumipat ka nalang sa may likuran namen?"

Tumango nalamang siya.

"Pasalamat ka!"Bulong niya sabay tumungo siya sa likod.

Habang nagkaklase ay kalabit ng kalabit saakin mula sa likod si felix.

"Ano bayon?"

Tumawa lamang siya nang biglang tinawag ako ni sir.

"Bennie anong ginagawa niyo diyan?Diba ayoko ng naghaharutan sa klase ko?"Ani ni sir.

"Pero sir~"

"No excuses!Labas!"Ani niya.

Kaya naman tumayo na ako para lumabas kasabay nito ay tumayo den si Felix.

"Felix saan ka pupunta?"Tanong ni sir.

"Lalabas den sir"Sagot niya.

"Hysst!Sige na lumabas na kayo at nagugulo ang klase!"Ani niya.

Pagkalabas namen ay umupo ako sa may sahig at tumabi siya saakin.

Hinawakan niya bigla ang aking hita.

"Huy ano ba ginagawa mo?"

"Baket?Anong masama parehas naman tayong lalake?Pwera nalang kung may malisya sayo"Pabiro niyang sabi.

"Tumigil ka nga,Ikaw ang dahilan ba't ako napalabas e"

"Sus mas okay nga dito sa labas e"Ani niya.

Pagsapit ng uwian ay katulad ng dati ay hinihintay ko si audrey sa may garden.

"Bennie mauna na ako ah"Pagpapaalam ni Lita.

"Sige byee"

Ilang sandali pa ay dumating na si audrey na may dalang madaming laruan.

"Saan mo nakuha yan ha?"

"Binigay saken ni Tito gwapo"Sagot niya.

"Tito gwapo?Sino yon?"

"Ako"Sagot ni Felix habang papalapit saamin.

"Tito gwapo!"Ani naman ni audrey.

"Tara na nga uwi na tayo"

Pagkadating namen sa bahay ay naabutan namen na nagluluto si nanay.

"Oh nandiyan napala mga anak ko,Sino itong gwapo nato?"Tanong niya.

"Nay siya po si Tito gwapo yung nanlibre po saakin ng ice cream tas binilhan niya din po ako ng mga laruan"Sagot ni audrey.

"Ay salamat ha alam mo dito kana kumain tutal kakaluto ko palang naman"Pagaaya ni nanay.

"Ay nako Nay hindi na po pupunta papo kami sa bahay nila Felix kase tuturuan ko pa po siya"

"Nako nak si Felix ang pasagutin mo"Ani ni nanay.

"Ahhmm mukang masarap po yung niluto niyo kaya...Sige po!"Sagot niya.

"Huh?"

"Tara na kumain na tayo"

Pagkatapos namen kumain ay nagpahinga muna kami.

"Baka gabihin tayo nito"

"Edi sa bahay ka matulog"Pabiro niyang sabi.

"Utot mo!"

"Mukang matalik talaga kayong magkaibigan ng anak ko no?"Tanong ni nanay.

"Ahh opo"Sagot ni Felix.

"Nay alis napo kami"

"Sige magingat kayo ha,,Bantayan mo yang anak ko,Felix"Ani ni nanay.

Ilang oras pa ay nakadating na kami sa bahay ni Felix at napaka ganda nito.

"Ang laki pala ng bahay niyo"

Pumasok na kami at sumalubong saamin ang mga katulong nila.

"Sir buti naman po nakauwi na kayo"Ani ng isang katulong

"Nasaan sina papa?"Tanong ni Felix.

"Ahh umalis po sila ni madam baka po sa makalawa pa ang uwi"Sagot nito.

"Siya nga pala eto si Bennie bago niyong amo"Ani ni Felix.

"Huh?Ay hindi po!Tutor lang po ako neto"

"Sige na akyat na kami ha"Pagpapaalam niya.

Pagkaakyat namin ay sobrang lawak ng second floor nila.

"Fan din pala yung mama mo ni audrey hepburn?"

"Ahh oo kaya nga lahat ng damit at gamit ni audrey binibili den ni mama"Sagot niya.

"Ahhh kami den si mama super fan den siya kaya nga tingnan mo pinangalan niya sa bunso namen"

Pumasok na kami sa kwarto niya at sinimulan ko na ang pag tutor sakanya,,,Ilang oras pa ay natapos na ang aming pagtuturo.

"Hala anong oras na pala"

"Dito kana matulog dahil marami daw pa gala gala dito tuwing gabi alam mo naman sa probinsya"Sagot ni Felix.

"Ano kase~"

"Sus wala namang malisya,Humiga kana para maaga ka makauwi bukas"Ani niya.

Pagkahiga ko ay bigla siyang naghubad ng damit.

"Huy anong ginagawa mo?"

"Baket?Sanay akong nakahubad matulog e"Sagot niya.

Kaya naman tumalikod nalamang ako nang biglang yumakap siya saakin.

"Anobayan bumitaw ka ngaaa!"

"Ganto talaga ako sa mga kaibigan ko"Sagot niya.

"Baket madami ka na ba nakatulog dito?"

"Oo,Tapos lahat naman sila wala lang,Ikaw lang yung naiilang siguro may gusto ka saken no?"Pabiro niyang sagot.

"Gago!"

Hinayaan ko nalang na nakayakap siya saakin at natulog na kami.