Lies

Asher's POV

Habang papunta ako sa trabaho, sumabay nga sa akin si Nixon at tingin ko ay baka nga hintayin pa niya kong makatapos. 

"Nixon, ayaw mo ba talagang umuwi?" Tanong ko sa kaniya, ngunit hindi ko siya nilingon.

"Nixon…" muli kong tawag dahilan para mapalingon na ako. Laking gulat ko nang makita na may suot pala itong ear buds kaya hindi ako marinig.

Mabuti na lamang ay lumingon siya… kung kailan nakalingon na ako. Bahagya siyang ngumiti tsaka isinuot ang isang ear bud sa aking tainga. "Narinig kita…" ani nito, "hindi ko lang sinagot. Obvious na naman kasi 'di ba?" Dagdag niya.

Umiling ako bago siya sagutin. "Kahit na. Hindi naman puwedeng makikiramdam lang ako 'di ba? Malay mo, sasabay ka lang pala hanggang sa restaurant tapos aalis na. Puwede mo naman kasing sagutin na lang 'di ba?"