Loose

"Sherwin, dahan-dahan lang…" Sabi ni Nixon habang patuloy pa rin itong nakain nang mabilis. Saglit na nilingin ni Sherwin si Nixon tsaka ngumiti.

"Ang sarap kasi kuya Nixon eh, tapos ka na pong kumain?" Tumango ito tsaka lumingon sa akin at bahagya akong nginitian.

"Tapos ka na kumain?" Tanong niya sa akin. Tanging ngiti at tango lamang ang aking naitugon sa kaniya.

"May pasok ka pa mamaya?" Muli niyang tanong sa akin.

"Meron pa, bakit?" 

"Papasama sana ako sa school ko?" Saad niya at munti akong nginitian?

"Ang laki-laki mo na magpapasama ka pa rin sa school?" 

"Magpapasama naman talaga ako sa iyo…" Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at tsaka kinuha ang isang pirasong papel sa kaniyang bag at ibinigay ito sa akin. "Eh sa iisang school lang naman tayo eh, kaya papasama ako sa iyo ah? Tour mo 'ko, Baby."

Tinitigan ko siya nang masama, "Ang kulit mo rin talaga ano?"