Question

— Paul's POV —

"ARE YOU READY!!!!" Malakas na sigaw ni Jammy bago pumasok ng kotse.

"Ang lakas ng boses mo Jammy nasa daan tayo!" Hinila ni Clarisse ang kamay ni Jammy.

"Oh ano naman? Mainggit sila, kasi sila, kailangan nila ng mic para lumakas ang boses, ako kailangan ko lang ngumiti. And I, thank you!!" malakas niyang tugon kay Clarisse.

Napailing na lamang ako at pumasok na sa kotse. "Pasok na Jammy, baka matraffic tayo, kahit kailan ka talaga," ani JD at pumasok na rin sa kotse.

"Bashers ha," saad ni Jammy bago pumasok sa kotse.

Nang makapasok na kaming lahat ay si Eli ang huling nag tanong, "ano ready na ba tayong lahat?" tanong niyang may ngiti sa labi.

"Ay hindi-hindi, kaya nasa loob na tayo kasi hindi pa ready." Tumawa si Jammy.

"Okay, labas ka na pala muna," tugon ni Eli.

"Ano ka ba, syempre charot lang, tara na 'no! Go go go!!!" Sagot ni Jammy at pinaandar na ni Eli ang sasakyan.