Say

Asher's POV

Hindi ko alam ang gagawin o maramdaman pagkatapos kong mabasa ang mga mensaheng galing kay Nixon. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko, na kinakabahan ako, na natatakot ako na paano kung may masamang mangyari. Napapaisip ako kung pupunta pa ba ako lalo na at gabi na.

Huminga ako ng malamim at nag-isip-isip. Para akong wala sa sariling paikot-ikot sa kwarto, nakakrus ang braso at hinahabol ang hininga. Mabilis ang tibok ng puso, maraming laman ang isipan sa anumang maaring mangyari.

Ilang minutong pag-iisip, walang pag-aalinlangang kinuha ko ang aking jacket at naghanda para lumabas. Hindi na ako nagpaalam kila Cavs at patago akong lumabas ng bahay.

Malamig ang simoy ng hangin sa labas. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang naglalakad, nagpapakawala ng malalalim na hininga; kinakabahan. Lumunok ako nang malalim na ako sa may tulay.