Ionic

Wala na siyang ibang magagawa, kundi ang ayusin ang kaniyang kuwarto. Kakatapos lang ni Leros sa pag aayos ng kaniyang kuwarto ng biglang pumasok si Callum. Hinubad nito ang kaniyang damit at itinira ang kaniyang panloob.

"Callum mag damit ka nga, pag biglang pumasok si nanay mamaya kung ano ang isipin niya sinasabi ko-" hindi natapos ni Leros ang kaniyang sinasabi ng bigla siyang hinila ni Callum sa kaniyang tabi.

Niyakap siya nito ng mahigpit at rinig na rinig na niya ang hininga nito, "huwag kang maingay, inaantok na ako," sambit ni Callum at ipinikit ang kaniyang mata.

Nagulat si Leros sa kasunod na binulong ng binata sa kaniya, "Leros, gusto kita."

Hindi alam ni Leros kung ano ang kaniyang itutugon sa mga sinabi ni Callum. Ilang segundong napuno ng katahimikan ang kuwarto, ng biglang nag tanong si Callum, "wala ka bang isasagot?"