Out of Time

Halos mapuno ang buong arena sa dagsaan ng maraming mga tao. Everyone was excited. May nanunulak pa sa sobrang tuwa. May ibang nagtitimping tumili. Mayroon pa sa tabi kong nagwawagayway ng kaniyang towel. They also brought their lightsticks and other devices that make the gloomy arena come alive with excitement. Habang ako ay naghihintay na lang na lumiwanag ang malaking stage sa harapan ko. Masyadong maingay subalit hindi ko sila masisisi kung masyado silang humahanga sa idolo nila.

Class A standing. I bought the most costly ticket so that I could see his debut performance up close. Here‚ in this huge arena na isa sa mga pinapangarap ng bawat artists. Nagdaan pa ang ilang sandali ay bumukas din ang mga malalaking ilaw sa itaas. Naaninagan ko ang pinakadulo ng mga bleachers. So many people are cheering him on, and so many eyes and ears have come to love him. Ang layo na rin pala ng narating niya.