Older

"Sa tulay lang ng Camugao, bakit mo natanong?" tanong ko kay Paul.

"Malapit lang ba 'yon dito?" tanong niya pa.

Tumango ako bilang tugon at muli siyang nagtanong.

"Puwede mo ba akong samahan?" nahihiya niyang tanong.

Tumingin ako sa aking relo bago siya sagutin. Maaga pa naman, puwede pa kami sigurong dumaan sa tulay. Nilingon ko siya at tsaka sumagot.

"Puwede naman, para saan ba?"

"Kailangan mo pa ba 'yon malaman?" tanong niya sa akin.

"Ah gano'n? Bahala ka, hindi kita sasamahan 'pag hindi mo sinabi sa 'kin ang dahilan," panunukso ko.

"Edi huwag," sagot niya at akmang aalis nang hawakan ko ang kaniyang kamay at pigilan siya sa pag-alis.

"Ito naman hindi mabiro," mahina kong sabi.

"Hindi na, ayos lang," sabi niya at pinilit na kumawala.

Umiling ako bago siya hilahin at ikulong sa aking bisig, "isa pang tanggi mo, hahalikan kita," banta ko.