Joker

— Brylle's Point of View —

Tahimik kaming naglalakad ngayon ni Paul, ang lamig ng pakikitungo niya sa akin, hindi man siya mag salita ay halata sa kinikilos niya. Bakante ang kaniyang emosyon, at wala ring bahid ng kung ano man sa kaniyang mata. May nagawa ba ako?

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

Tumango lamang siya bilang tugon at tsaka inunahan na akong mag lakad. Tumabi ito kay Jammy na hindi kalayuan sa akin. 

"Paul," tawag ko sa kaniya, ngunit hindi niya ito tinugunan.

"Paul," muli kong tawag ngunit hindi na niya ako sinagot.

Umiling na lamang ako at hindi na nagsalita... hindi ko rin naman gustong magpumilit pa. 

Nakarating kami sa isang magarbong Filipino restaurant. Ilang minuto lamang ay inihain ang kanin, at ang mga dishes na inorder naming lahat.