Simula

Simula

Mabilis kong kinuha ang grapon. May mga putik-putik pa ito. Ngunit nahinto ako nang may malaglag sa aking paanan na isang papel.

Kinuha ko ito sa lapag.

Sabi niya may tatlong buhay ang isang tao.

At ang babaeng mahal ko? Dalawang beses pa lang siyang isinilang sa mundo.

At ako? Tatlong beses nang isinilang sa mundo.

Noong una, alam kong hindi normal ang takbo ng buhay naming dalawa.

But still I fell in love with you dahil buang ka at may sapak ang ulo mo.

Natatandaan mo pa ba noong napunta tayo sa nakaraang mundo? Binigyan tayo ng misyon pero nagsinungaling siya.

Nakabalik naman tayo sa tunay nating panahon pero bigla ka namang nawala?

Ah, oo nga pala. Namatay ka nga pala dahil iniligtas mo 'ko. Mamamatay na rin naman ako no'n dahil mahina na ako pero bakit mo pa rin ginawa? 

Ayan tuloy ang nangyari sa atin.

Nawala ka sa akin.

Pero may isa ka pa namang buhay, hindi ba?

Ang tagal ko nang naghihintay sa'yo tumatanda na kaya ako.

Pwede bang bumalik ka na? Kaunting oras na lang ang natitira sa buhay ko.

Nasaan ka na?

Ang sulat sa papel na ito ay isinulat ilang dekada na ang lumipas.

Ang tagal niyang naghintay sa akin. Sobrang tagal. Ang tagal kong dumating. Sobrang tagal.