CHAPTER 2

Italya ang pinaka paboritong pagtambayan ng pangkat payo kapag nag ba bonding silang anim.

Umaga, nagsiligo at nag si-ayos na ang lahat dahil malapit ng mag stop over sa italy ang cruise ship, nag ready na ng sangkatutak na damit at hinanda na lahat ng credit cards para sa pang shopping ng nga souvenirs.

"Dapat pala dinala yung iba nating babaeng kaibigan" nakangusong sabi ni Ken at Jaymar habang dinudungaw ang port ng italy

"Baka sumama yung mga yon sa inyo" pambabara ni Nathan sa dalawang isip bata nilang kaibigan na inaalala mga babaeng mahalaga sa kanila

"Oo nga pre alam niyo naman na busy sa kanya kanyang trabaho ang mga babaeng yon" saad ni john habang nag aayos ng damit.

Narealize din ng dalawa ang rason ng mga kaibigan at nanahimik na lamang at nakangusong tumingin sa karagatan.

"At saka man dapat di niyo na pino problema yon 'cause they're not here pwede kayong lumandi" sabi ng utak playboy na si jacob kaya nakatanggap ng sangkatutak na batok sa mga kaibigan.

"Ulol baka makapang babae ako dito alam mong malawak din impluwensiya nila dito sa italy lalo na at nandito ang main branch ng hospital na pag mamay-ari at pinag tatrabahuhan nila" sabi ni ken habang hine headlock si jacob.

"Malalaman nila pag may ginawa tayong kalokohan dito." sabi naman ni John.

"Di ka lang makapang babae dito kasi nandito si Paolyn eh, ayieeeee sumbong kita ha!" asar ni Jaymar kay Jacob kaya't medyo namutla ito.

"Ito naman di mabiro, joke lang pre!" sagot agad ni Jacob at parang nagmamakaawa ang boses nito.

"Wag ka na kasi magsalita Jacob" segunda naman ni Kenneth na sinangayunan naman ng iba habang tumatawa.

"Oo nga" sabay sabay na sagot nilang lahat habang naghahagikgikan at ang pinaka malakas na boses ay kay nathan na natrauma na dahil nagalit sila yasmin sa kanya ng kunsintihin niya ang kalokohan nila jaymar dati.

Habang naghaharutan ang mga abnormal ay di nila namalayan na nasa port na sila.

"Hoy mga isip bata nandito na tayo" sabi ni Lei na kakapasok lang sa kwarto at nadatnan ang hitsura nilang lima

0.0

Nagsilingunan ang mga naghahaharutan pero pinagpatuloy pa din nila ang pag heheadbat sa isa't-isa

Napabuntong hininga na lang si Lei sa kakulitan ng kanyang mga kaibigan na hindi na talaga magbabago kahit kailan -.-

"Woy, tara na tama na yan masisira damit niyo may party tayong pupuntahan sa Venice mamaya mag ayos na kayo" Biglang eksena ni erika habang kumakain ng chichirya.

"Kami ready na eh ikaw? Mukha kang matutulog sa bahay" pang aalaska ni John sa kanya

Nakita ng lahat kung paano namula ang pisngi ni erika sa pinaghalong hiya at inis kay John.

"Atleast ako matutulog lang eh ikaw? Mukha kang pupunta sa party ng mga pariwara" ganting bigkas ni Erika sabay walkout ng malupit.

"Abat! Ang babaeng yon talaga!!" Napipikong sambit ni John sabay takbo palabas para habulin si Erika

Naiwan namang nakatunganga ang iba habang pino proseso sa isip nila ang nangyari kani kanina lang

"Mukhang may nabubuo~" pasayaw na sabi ni Lei sa paligid sabay nae-nae

"Anong nabubuo?" Feeling slow na sambit ni Jaymar pero nangising aso naman

"Parang tenge!"

"Enebe kressh"

Sabay na pabebeng saad nila ken at jacob habang si Nathan ay tawa lang ng tawa sa kanilang lahat

Hindi nila alam ay nakikinig sa kanila si gail sa labas ng naiwang nakabukas na pinto habang tinititigan si Nathan sa masaya at maayos nitong kalagayan ngunit hindi naman din mapalagay ang kanyang kalooban lalo na't sa venice ang venue ng party na imbitado ang lahat ng guest ng CONSIGLIO CRUISE SHIP.

Hindi niya alam ang gagawin kapag napahamak ang isa sa mga kaibigan niya, dumiretso siya sa kanyang kwarto at hinanda ang kanyang gamit para sa pagbaba ng ship.

Samantala, habang pababa si paolyn at geinny sa cruise ship ay may narinig silang mga pag sabog sa kanilang paligid

BOOM!

BOOM!

BOOGSHHH!

"Ano yun?!" Kinakabahang sabi ni geinny ng biglang may mga lalaking hinatak sila at nilagyan ng panyo sa kanilang mga bibig at nawalan sila ng malay at binitbit sa isang itim na van na nakaparada malapit sa cruise ship.

Narinig nila nathan ang pagsabog at sabay sabay na tumakbo palabas ng cruise ship para makita kung anong nangyari

"WHAT THE HELL HAPPENED HERE?!!" sigaw ni nathan habang tinitingnan ang nangyaring pagsabog sa port.

"Sir! Sir! Sir!" Tumatakbong sigaw ng isang attendant ng cruise ship

Naglingunan ang magkakaibigan kasama sila cindy na kakababa lang sa kaawa-awang nilalang na gulo gulo ang buhok at madungis na ang mukha.

"Ano yun?" Kalmadong tanong ni Jacob sa lalaki.

"Y-yung yung mga kasama niyo po!!! Yung mga kumakanta!! Kinuha po ng mga lalaki at sinakay sa itim na van!" Nanginginig na sumbong ng kaawa awang lalaki na binigyan naman ng tubig at pamunas ni cindy at erika.

"ANO?!!!" sabay sabay na sigaw ng pangkat payo na kinakabahan na sa nangyayari.

"Alam mo ba kung saan dinala?!" Natatarantang sabi ni Jacob habang hawak ang balikat ng lalaki.

"N-nakita ko pong dumaan sila kung s-saan dumadaan a-ang mga k-kargamentong galing f-florence" nauutal na sabi ng lalaki sa sobrang takot at kaba.

"We need to contact mitch for the coordinates nila paolyn" kalmado at seryosong saad ni jacob habang nagtitipa ng mensahe para kay mitch.

"I'll tell this to yasmin lalo na't mga kaibigan niya yon" naglalakad palayo na sabi ni ken habang nagtitipa din sa kanyang cellphone.

"No! Ano sasabihin nila Yasmin satin? Pinaubaya nila mga kaibigan nila sa atin tapos mawawala na lang bigla?!" Kinakabahang sabi ni John sa kanila kaya napalingon si ken at nababa ang telepono.

"They need to know! Lalo na si Micky ,Mitch at Yasmin para makatulong sila sa atin!" Matalinong sabi ni Lei habang pinapatahan ang kinakabahang si Cindy.

"For now we need to go to venice and finish that party appointment at para mahanap na natin sila paolyn" seryosong sabi ng kadadating lang na si Gail

"She's right we need to get out of here first" sabi naman ni Jaymar na nagsisimula ng utusan ang kanyang mga tauhan na maghanda ng masasakyan habang ang iba ay nakaupo lamang sa gilid at si gail naman ay bumalik sa taas para kunin ang mga gamit nito

Nang dumating na ang sasakyan ay nag kanya kanyang pasok ang lahat, nakatulala lamang at wala sa kanilang mga sariling umupo dahil sa nangyari at namahinga habang papunta sa lugar na hindi nila alam ay may malaking kaguluhan ng nangyayari.

*after 1 hour

Natutulog na ang lahat maliban kay Nathan na nag dadrive sa tahimik na daan papuntang Venice, ng nagpa gas siya sa malapit na gasolinahan ay nakapag tanong tanong na siya kung saan may malapit na kainan

Nang mahanap ng kainan ay ginising niya na ang mga kasamang tulog na tulog sa sobrang nangyaring problema pagbaba pa lang nila ng cruise ship. Nag order sila ng hindi kabigatang pagkain at nag usap usap tungkol sa mga problema na natatanggap nila.

"Ano? Tatawagan ko na ba?" Pambabasag sa katahimikan ni Ken.

"Gusto mo ba talagang magalit sila sa atin?" Nauurat na sabi ni John.

"Syempre kaibigan nila yon, kaibigan natin yon may karapatan silang malaman ang nangyari sa kanila." seryosong sabi ni Lei

Tahimik namang nakikinig lamang sila Jaymar, Jacob, Ken at Nathan sa nagtatalong si Lei at John habang kumakain.

"Wait somone is missing" nagtatakang sabi ni Cindy na kakagaling lang sa counter.

"Huh? Sino naman?" Takang sabi ni jacob.

"S-si gail wala siya" narealize ng magtotropa ang sinabi ni Erika.

"WHAT?!" Sabay sabay na sabi ng anim na lalaki lalong lalo na si Jonathan.

"We're too distracted sa pagkawala nila paolyn at hindi na natin napansin ang pagkawala ni gail" naiistress na sabi ni Jaymar habang hinihilot ang kaniyang sentido.

"We really need to contact Mitch now." madiin at seryosong sabi ni Lei habang nagtitipa sa cellphone niya.

"We need to contact mitch kahit si mitch lang para mahanap sila Gail" seryosong sabi ni Cindy.

"Paano sila Geinny?" Nalulungkot na sabi ni Erika sa pag aalala sa kaniyang kaibigan.

"Kaya nga we need to contact Mitch to help us para maka pag plano siya ng paraan para mahanap silang tatlo." Kunot-noong sabi ni Jacob kakaisip kung ayos lang ba sila Paolyn.

"We will find them." seryosong sabi ni Nathan

Nagpaplano ang magbabarkada kung paano masusuhulan si mitch na wag sabihin ang pagkawala ng mga kaibigan nila kayla Yasmin.

Hindi nila alam na may dalawang babaeng pinapanood ang magbabarkada ng namomroblema sa mga nangyayari sa kanila.

"Ang tanga tanga nila" ngising aso ng isang babae habang nakatayo sa isang gusali at pinapa kinggan ang diskusyon ng mag ka-kaibigan.

"Di nila alam napagkakaisahan na sila" umiiling na sabi ng isang babae at niyaya nitong umalis na ang isa papaalis sa kanilang pwesto kanina.

Sa kabilang banda may babaeng nakahiga sa mesa at nakagapos at may panyo sa bibig may di kahabaang buhok at umiiyak.

"Ano na? Gawin na ba natin?" sabi ng lalaking may hospital mask sa kasama nito.

"Mamaya na wala pa si bossing" kalmadong sabi ng isa habang pinagmamasdan ang babaeng nakahiga.

"Iwanan muna natin siya dito antayin natin si Boss" yaya ng lalaki sa kaniyang kasamahan at nagsimula ng lumakad palayo sa babaeng nakagapos sa mesa.

'Lord, please help me' piping dasal ng babae habang unti unting pumipikit ang kanyang mga mata sa usok na pinakawalan ng mga lalaking lumabas sa kwarto na kinasasadlakan niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN:

Next chapter ang umpisa ng kalbaryo

Enjoy Reading :)