CHAPTER 4

KINAUMAGAHAN, Sa isang tahimik na lugar ay may babae na nakaupo at tinatangkang makawala sa pagkakatali sa kanya, pasalamat ang babae ng makawala ay wala pa din ang mga lalaki na kumuha sa kanya at kung mas papalarin ay mukhang wala pang bantay sa labas at hindi pa naka lock ang pinto.

"Mga tanga-tanga" kabadong iling ng babae at dali daling tumayo upang makatakas sa lugar na iyon tumakbo siya nang tumakbo kahit na di niya alam kung anong mga lugar na ang nadadaanan niya hanggang sa makalabas ay napagalaman niya na sa isang malawak na kagubatan siya ipinunta, dire-diretso lang siyang tumakbo walang lingunan at walang oras para magpahinga.

Makaraan ang sampung minuto ay may nakita siyang malawak na batis at doon ay namahinga siya sa likod ng isang malaking bato at uminom na rin ng tubig upang mapawi ang kanyang uhaw na nararamdaman.

Pagkatapos magpahinga ng ilang minuto ay nagsimula na naman siyang tumakbo paalis sa lugar kung saan siya ay kinulong.

Sa isang banda ay di nakatulog ang magkakaibigan maliban kay cindy at erika sa sobrang pag aalala kay Nathan.

"You say na bumagsak siya dahil sa sobrang pagod kahapon?" Sabi ni Lei sa kasama nilang doctor sa hotel habang kumakain

"Yes, it's just a fatigue ,just let him rest for a while" kalmadong sabi ng Chinese-Filipino na lalaki

"So you're saying that he will be okay soon?" Sabi naman ni Selena habang inaayos ang mga kagamitan niya at nakita niya ang pagtango ng ulo ng lalaki

"Saan punta mo selena?" Sabi ni John na kakapasok lang sa dining area ng lugar.

"I need to get our supplies on the nearest grocery store" matapang na sabi ni selena habang binabalot ang sarili ng makapal na jacket.

"Can we come?" Sabi naman nila Ken at Jaymar na kakababa lang.

"Us too" nagulat sila ng may buntis at lalaki na galing sa isang kwarto sa baba ng hotel

"No, you're pregnant and pregnant women just stay in home with their husband" sabi ni Jacob ng may awtoridad sa kanyang boses

"But I'm craving for mangoes" mahinang sabi ng babae na nakapag palambot sa puso ng limang kalalakihan

"Stay here for the sake of your baby, I'll get your mangoes, ok?" sabi naman ni Ken habang binabalot ang sarili ng jacket.

"Nag jacket ka pa eh kapal naman ng balat mo." sabi bigla ni Jacob.

"Inggit ka pre? Wala ka kasing mas-kel" natatawang sabi ni Ken.

"Abnormal! May maskel ako!!!" Sigaw ni Jacob na nagpahagikgik sa mga nakakaintindi ng kanilang asaran.

"Hala! pre saan banda? Hala di ko makita" tinusok tusok ni Ken ang braso ni Jacob na lalong nagpapikon sa lalaki at humagalpak na sa tawa ang lahat ng nakakagets ng pangyayari.

"Oh tama na yan,let's go" nakangiting sabi ni Selena at dumiretso sa pinto ng fire exit at binuksan ng tahimik iyon at nagsilabasan sila ng matiwasay ngunit may kabang nararamdaman at ang mga naiwan ay nagsibalik sa mga kwarto at nilock ang pinto

Ang hindi alam ng lahat ay sumunod ang mag asawang pinangakuan ng magkakaibigan ng mangga para sa kanilang anak at sumunod sa kanila.

Samantala, habang naglalakad ang magkakaibigan pati na si Selena ay walang nagsasalita sa kanila, napagalaman nilang wala pa ding lunas ang epidemyang ito kaya't nag iingat silang wag makagat ng kahit na sino, at malakas ang pandinig ng mga ito

Nakikita nila kung saan nag tatambakan ang mga ito at dali daling naglakad papasok sa isang pintuan na pinapangunahan ni selena at sinara nila ito upang walang makapasok na holocaust,

"Anong meron sa lugar na ito selena?" Nagtatakang sabi ni Ken

"Eto ang hidden place ng may-ari nito dito niya tinatago ang lahat ng mga armas"sabi ni Selena at binuksan ang ilaw na nagpamangha sa mag kakaibigan dahil sa sobrang daming armas na kanilang nakikita mapa baril,katana at iba't ibang klase ng kutsilyo at itak.

"Kung sino man may-ari nito?" Sabi ni Lei

"Napaka swerte niya!" Sabay sabay na sabi ng magkakaibigan na nagpatawa kay selena

"Kunin niyo na ang gusto niyong kunin aakyat lang ako sa taas at kukuha ng mga pangangailangan natin." sabi ni Selena at umakyat na sa taas

"Wag mo kalimutan yung mangga nung buntis ha!" may kalakasan na sabi ni Ken dahil nasa may kalayuan na ito at nagtitingin-tingin.

"Susunod kami selena!" Sabay sabay naman na sabi ng apat at nagsikuhaan na ng mga armas at bala, kinuhaan din nila si Nathan at sabay sabay na umakyat sa taas.

Ngunit halos lumuwa ang mga mata nila ng makita ang kaawa-awang buntis na pinangakuan nila ng mangga na umiiyak at humihingi ng tulong habang ang kanyang asawa ay pinagtatanggol ang kanyang misis sa mga gustong sumugod na holocaust, sabay-sabay silang nagtakbuhan palabas kasama si selena at hinatak papasok ang babae at sinarado ang pinto.Nakita nila kung paano pinagkakagat ng mga holocaust ang asawa ng babae.

"Why did you follow?!" Frustrated na sabi ni Selena sa babae

"He forced me, b-because h-he, w-we t-thought t-that you wouldn't c-comeback" umiiyak na sabi ng babae

"You are pregnant for Christ' sake!!" sabi ng nabwibwisit ng si jacob.

Lahat sila ay nanahimik at ang naririnig na lamang ay ang sinok ng buntis ng bigla itong umaray at halos mataranta ang lahat ng makita ang dugong dumadaloy sa bintin ng babae

"M-my b-baby, p-please h-help m-me" nagmamakaawang sabi ng babae at hinawakan ang kamay ng katabing si selena at napatakbo ang lahat upang kunin ang mga inutos ni selena.

Pagkakuha ng mga ito ay ginawa na ni selena ang kaniyang makakaya para paanakin ang babae ngunit may isa pa silang problema nag wawala na naman ang mga holocaust dahil narinig ng mga ito ang boses ng sumisigaw na babae

"Fuck! Mga papansin!" Sabi ni jaymar habang nakabantay sa pinto.

"Wala na bang ibibilis yan selena?!" Sigaw ni john na nakasandal na sa pinto.

"Push! 1,2,3 Push! I can see the head please push even more!!" Natatarantang sabi ni selena lalo na't nakikita na niya ang ulo ng bata

"AHHHHHHHH!!!" Isang mahabang sigaw ang pinakawalan ng babae at pag iyak ng isang bata ang nangibabaw sa buong grocery store nagsilapit ang mag kakaibigan at tiningnan ang bata, ang di nila alam ay nasira na ang pinto ng grocery store at nagsipasok na ang mga holocaust naglingunan sila at nahintakutan.

Kinuha nila ang kanilang mga armas at pinagbabaril ang mga holocaust hindi pa sana nila mapapansin na nakuha ng isang holocaust ang baby kung di sumigaw ang ina nito nakita nila kung paano kakagatin sana ng holocaust ang bata ng may humarang braso at yon ang nakagat nito nagulantang silang lima sa babaeng humarang nito.

"Gail?!!"

Nagulat ang magkakaibigan ng makita nila ang pag agos ng dugo sa braso ni gail ng sinipa niya sa mukha ang holocaust at sinalo ang batang muntikan ng mahulog.

Pinunit niya ang parte ng kanyang suot na damit at mabilis na tinali ng mahigpit sa taas ng kinagatan ng holocaust at inayos ang pagkakahawak sa baby na hawak ng holocaust kanina at naglakad palapit kayla Lei at inabot ang bata.

"Tumakbo na kayo iligtas niyo ang mga sarili niyo!" Sabi ni gail habang pinapatong ang bata sa mga bisig ni Ken.

Habang sila Jaymar ay patuloy pa rin sa pag papaputok ng baril sa mga holocaust.

"Gail" sabay sabay na sabi nila maliban kay selena na tahimik lamang na tinititigan ang magkakaibigan.

"Sige na para sa kaligtasan niyo at nung bata! please" nagmamakaawang sabi ni gail para umalis sila.

"Mangako ka gail susunod ka sa amin" sabi naman ni John.

"Oo! Oo!! Susunod ako please umalis na kayo!" Sigaw ni gail kaya nagtakbuhan na sila ng dumami na ang mga sumusugod na holocaust papasok ng grocery at habang tumatakbo pababa nakita nila kung paano dumating ang isang sasakyan at lumabas ang mga armadong kalalakihan upang lagyan ng busal ang bibig at takpan ang ulo nito at sinakay sa itim na van si Gail.

Kahit nasaktan sa nangyari sa kaibigan ay tumakbo sila na bitbit ang sanggol pati na ang mga armas at kagamitan na kanilang nakuha.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN:

Sino kaya ang nasa likod ng pag kuha kay Gail?

Mahahanap pa kaya siya?

Stay tuned

Enjoy! :)