Capítulo Nueve

"Sa tingin ko nga ay magandang ideya ang sinabi mo binibining Kallyra." Ang nakangiting sang-ayon sa kaniya ng butihing ginang. "Ako na lamang ang kakausap sa iba, ilalahad ko ang iyong mga ideya. Ang ginawa mong pag-sasaayos sa aking mga talaan ng kita at gastusin ay naging mas maganda ang pasok sa akin ng kita, napakahusay mo sa larangang ito, at hindi ko mapigilang hindi ka purihin, napakasuwerte kong ako ang iyong nilapitan" tanging ngiti lamang ang isinukli niya dito.

Naipaliwanag na niya dito ang ilang pagbabago sa kaniyang plano. Ngayon ang kailangan niyang gawin ay ang kausapin ang matabang intsik.

Ang sabi ng ginang ay naroon ito sa kulungan kasama ang ilang mga tsino at rebeldeng indiyo. Hindi niya ipinaalam sa Ginang ang pagbisita niya sa matabang intsik. Tanging si Diego lamang ang nakakaalam ng kaniyang pinaplano.

Hindi ito nagdalawang isip na tanggapin ang kaniyang alok ditong magtrabaho para sa kaniya. Meron siyang mahalagang misyong iniaatang dito bago sila maghiwalay kahapon.

Sabay pa silang lumingon ng Ginang ng marinig ang matinis at malamyos na tinig ng isang babae, nagtatawag ito sa labas ng malaking bahay ng Ginang. Kasunod ay ang mga yapak ng tagasilbi at sumungaw sa malaking bintana.

"Nasa labas ho si binibining Mariya." Ang sabi nito sa kanila. Lumawak ang ngiti ng ginang.

"Papasukin mo nanang Pasing." Utos ng ginang na agad namang sinunod ng matanda. Tumayo ang ginang upang salubungin ang bisita.

Pumasok si Mariya suot ang makulay nitong baro't saya, may hawak itong telang supot at abanikong yari sa buli na may makukulay ding disenyo, larawan ng isang tunay na binibining pilipina ang dalaga, maging ang buhok nito ay masinop na nakapusod, hindi tulad ng sa kaniyang nakatirintas sa kaniyang likod. Binati ito ng senyora.

"Mi mama cocinó puding y me pidió que trajera algo para ti y también quiere saludar a Don Serio." Magandang umaga rin ho Donya Julianna, nagluto si ina ng puding at inutusan akong dalhan kayo, pinakakamusta din ni ama si Don Serio. Ang mahinhing wika ng dalaga.

"Tu mamá y tu papá son muy dulces, entren." Napakamaalalahanin talaga ng iyong ina at ama, halika tumuloy ka. Sumunod naman ang dalaga, nawala ang ngiti nito ng sulyapan siya. "Nakilala mo na si binibining Kallyra kahapon hindi ba?

Nanggaling siya ng Pranses, pilipno ang kaniyang ina dito siya pinanganak subalit ng magkolehiyo ay tumira sa bansa ng kaniyang ama sa Pranseya.

Dalubhasa siya sa larangan ng kalakalan, at napakatalinong dalaga tulad din ng yumao mong kapatid na si binibining Katrina."

Ngumiti ng tipid ang dalaga na sa tingin niya ay pilit lamang. "Ya me lo dijiste ayer donya Juliana." Sinabi nyo nga kahapon sa hapagkainan Donya Juliana. Ang tamad na sabi nito na tingin niya'y siya lamang ang nakakahalata.

Natawa ng malakas ang ginang, hindi niya maiwasang hindi mangiwi sa tunog ng tawa nitong parang sa pabo.

"Ipagpaumanhin mo Iha, hindi ko lang talagang mapigilan magkwento ang aking bibig dahil labis akong natutuwa, sa tingin ko ay paganda ng paganda ang takbo ng aking negosyo kahit ilang araw ko pa lang nakilala si binibining Kallyra, napakasuwerte kong ako ang kaniyang nilapitan at sa akin siya nag-alok ng kaniyang serbisyo, at nalaman kong naging magkaibigan sila ng aking anak sa Batanggas."

Nagpatuloy pa sa pagkukwento ang ginang, muli ay pinalagpas niya na lamang sa kabilang tenga ang mga kwento nitong paulit-ulit at nagpanggap na lamang na nakikinig.

Sa tingin niya ay ganoon din ang ginagawa ng bisitang dalaga at halatang pilit ang mga ngiti at kunwaring tumatango-tango upang makita lang na ito ay talagang nakikinig.

Hindi mapigilan ni Kallyra ang mapangiti, ngayon ay alam na niya kung kanino nagmana ng kadaldalan si Lucas.

Wala pang isang oras ay agad na ding nagpaalam si Mariya, dahil wala doon ang totoong sadya. Nang makaalis ang dalaga ay ito naman ang naging topic ng kwento ng matanda.

Nalaman niyang mayroong itong kapatid na babae na matalino at masayahin, kabaligtaran daw ni Mariya, lumaki daw na magkaibigan ang dalawa, ang anak nitong si Lucas mula pa pagkabata, nalaman rin niyang nakatakda na sana itong ipakasal at naudlot lamang ng dumating galing sa espaniya ang kapatid nitong si Katrina, naging magkasintahan sina Lucas at Katrina.

Hindi maintindihan ni Kallyra ang nararamdaman kung bakit para siyang naiinggit sa babaeng pumanaw na. Paulit-ulit ikinuwento ng Ginang kung gaano kamahal ng anak nito ang dalaga.

Bumalik sa kaniyang isipan ang sinabi ng anak nito sa kaniya noong naroon sila sa may puno ng akasya.

"May mahal na ako Senyorita, sa kaniya lang tumitibok ang puso ko. Hindi ko na magagawa pang bigyan ka ng puwang sa puso ko."

Kumunot ang kaniyang noo sa pagkirot ng kaniyang dibdib, parang tinusok ng karayom, ipinilig niya ang kaniyang ulo upang maiwaksi ang nakakalitong pakiramdam.

Parang gusto na rin niyang takpan ang kaniyang tenga upang hindi na marinig ang mga paulit-ulit na kwento ng madaldal na ginang maging ang parang sa pabo nitong tawa.

Nang hindi na siya makatiis ay magalang siyang nagpaalam dito at sinabing meron siyang mahalagang taong kailangang kausapin ukol sa negosyo ng ginang. Agad naman itong pumayag.

Umupa siya ng kalesang maghahatid sa kaniya patungo sa kaniyang binabalak puntahan.

Sa kabila ng problema ay hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Lucas, naroon sila sa loob ng silid kung saan nagaganap ang kanilang pagpupulong ng mga itinalagang lider ng kaniyang ina sa kanilang mga negosyo mula sa iba't-iabang rehiyon.

Sa halip na ang kaniyang ina ay siya ang dumalo. Nasa-isip ang masayang kwentuhan nila ni Lyra kagabi, pakiramdam niya ay tumatalon-talon ang kaniyang puso sa tuwing naiisip ang dalaga.

"Hindi na maganda ang mga nangyayari." Ang galit na tinig ni Ginoong Fausto ang bumasag sa kaniyang pananaginip ng gising. "Kung patuloy ang mga nangyayaring nakawan at pagsusunog ng mga kamalig ay siguradong babagsak ang kalakalan dito sa pilipinas at kapag nangyari iyon ay magsisimula na tayong angkatin ang lahat ng produkto sa ibang bansa! Mas lalaki ang kakailanganin para sa kapital at mapapamahal ang mga bilihin." May bahid din ng panlulumo ang matanda.

Napatitig siya dito, halos kaedad lamang ito ng kaniyang ama subalit mas mukha na itong matanda. May pilat ito sa pisngi dahil sa aksidenteng pagkakahulog nito sa kabayo ay nahiwa nag mukha nito sa matalas na bato.

May malalagong balbas at malago at kalat kalat na kilay, halos iisang guhit na lamang iyon, matangkad ito pero mas mataas pa rin siya dahil may pagkakuba ito palaging nakayuko.

"Kailangan nating tugisin ang mga tulisan." Ani ng isa nilang tauhan.

"Mas mahalagang pagtuunan muna natin ng pansin ang pagiisip ng solusyon kung papano mababawi ang mga nawala." Ani pa ng isa, nagpatuloy ang pagtatalo at pagpapalitan ng opinyon, doon na rin si Lucas inabutan ng tanghalian, sa tantiya niya ay gabi na siyang makababalik sa bahay.

Malaki na ang perwisyong naidudulot ng mga nangyayaring nakawan at paninirang ginagawa ng mga tulisan. Isa ito sa mga malaking problemang kinakaharap ng kanilang pangangalakal.

Pinagpatuloy nila ang pagpupulong matapos ang pananghalian, ang lahat ay walang balak magsiuwi hanggat hindi nakakabuo ng maayos na plano upang masulusyonan ang problemang kinakaharap.

Samantala ay nagawa ni Kallyra na makapasok sa loob ng piitan ng Port Santiago at nakausap ang matabang tsino, umalis siya roon ng may ngiti sa labi at naghintay sa may plaza kung saan nila napagusapan ni Diego na magtagpo.

"Magandang hapon binibining Kallyra. Ipagpaumanhin ninyo at ako ay natagalan." Ang agad na bati ng binata, tumalon ito pababa ng kalesa nito at maayos na itinabi ang kabayo sa may gilid ng daan, may mga pangilan-ngilang mga taong naroon sa plaza at nagpapalipas ng maghapon, mayroong mga kadalagahan at kabinataang naguusap at nagtatawanan.

Ang mga babae ay nagtatakip ng bibig tuwing tumatawa gamit ang mga makukulay na abanikong hawak. Tingin niya parang pigil na pigil ang mga ito sa pagtawa at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng mga kabinataan. Nailing-iling sa isip si Kallyra.

"Ano nang nangyari sa inutos ko Ginoong Diego?" walang paligoy-ligoy na tanong niya.

"Nalaman kong mayroong naguutos sa kanila binibini." At isinalaysay nito ang mga natuklasan, inupahan niya ito upang maging espiya niya sa ilang mga lugar na pinangyayarihan ng panggugulo ng mga tulisan, at tama ang hinala niya, ang mga tulisang iyon ay inutusan lamang, at mayroong siyang utak ng lahat na ang nais ay pabagsakin ang mga negosyo ni Ginang Juliana. Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi. "Anong balak mong gawin binibini, isusumbong mo ba sila sa mga De la Torre?"

"Hanggat hindi sila nakakagulo sa mga plano ko ay hahayaan ko sila."

She really don't care, ang kailangan lang niya ay kumita ng pera para makaalis sa lugar na ito, masyado ng matagal ang pananatili niya dito, hindi na niya alam kung nasaan na ang Andromeda, wala pa rin siyang natatanggap na signal mula sa mga kasama. Sa isipin ay napahawak siya sa batok, nasalat niya ang nakabaong tracking device doon.

Isang kakaibang karanasan ang nangyari sa kaniya dito and it will probably create a big space in her memory, at hindi niya alam kung magagawa pa niyang makabalik sa lugar na ito oras na makabalik siya sa kalawakan.

Then she thinks of him... hindi na niya makikita pa ang madaldal at lampang si Lucas. That would be... nice. Pero bakit nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib, humigit siya ng malalim na hininga upang paluwagin ito subalit ganoon pa rin.

Marahan niyang hinaplos ang dibdib sa tapat ng kaniyang puso at mariing pumikit. Anog bang nararamdaman niya, hindi niya ito gusto.

Binigyan niya ng malaking halaga ang binata at sinabing ipagpatuloy ang pag-eespiya, sinabi niya dito kung sino ang taong kailangan nitong manmanan.

Pagkatapos ay umupa siyang muli ng ibang kalesa upang makabalik sa tahanan ng mga De la tore.