Chapter one

"break time!" sigaw ng aming coach

Nandito ako ngayon sa Hall namin kung saan kami nag t-training para sa chess tournament sa darating na linggo

"Lavein pwede ba kitang makausap sandali lang?"

"Ah yes coach"

Sinundan ko si coach Basty papunta sa kanyang office. Actually, Mapeh teacher din si coach at the same time coach din sa chess kaya may sarili syang opisina dito sa loob nang hall.

Ang hall namin ay malaki para lang ito sa mga chess players. Hindi kasi pwede na mag sama ang chess players at table tennis players dito sa hall kasi hindi raw kami makapag focus.

Pumasok na kami sa loob, kung saan ang opisina ni coach B.

"u-hm ano po yun coach?" medyo kinakabahan ako kasi mukhang seryoso talaga ang pag uusapan namin

"Laveign alam kung magaling ka" huminto sya saglit "pero kailangan mong mag focus, kung mag momove ka ng pawn or whatever you need to think of it kung ano ang magiging kinalalabasan"

Nakayuko ako ngayon at parang nahihiya " s-sory po coach B"

Paghingi ko ng patawad

"No no no, you dont need to be sorry nag ti-training pa naman tayo mag iimprove ka pa. Ang akin lang naman ay focus ka sa laro napapansin ko kasi kanina parang hindi mo alam kung alin at saan ka mag move"

"may iniisip lang coach" I reasoned out

"okay I understand pero sana sa darating na tournament makapag focus ka na." he smiled at me to assure that its okay "pwede kanang makapag break yun lang yo'ng sasabihin ko para maaware ka"

"yes po coach B, mauuna napo ako coach thank you po" pagpapaalam ko

Nandito ako ngayon sa classroom namin nagbabasa ng mga articles about sa chess.

Hindi na ako kumain kasi nawalan na ako nang gana. Iniisip parin ang sinabi ni coach B

"Uy! gurl bat hindi ka kumain kanina? Naghintay pa naman ako sa canteen tapos nandito kalang pala?" sabi ni Bianca

"wala akong gana"

"bakit? Anong problema? sabihin mo sakin, ano? may sumontok ba sayo? Hali ka su----"

"alam mo ang daldal mo" irita kong sabi

"baskit ba kasi? Anong problema mo?"

"wala"

"sabihin mo na kasi! nubayan"

"wala nga" medyo naiirita na ako sakanyang kadaldalan hindi talaga ako tatatantanan nito pag hindi ako nagsasabi ng totoo

"anong wala!? hoy! kilala na kita, oy. Alam ko kung may problema ka o wala sa tagal nating magkaibigan para na nga kitang kapatid eh not by blood but by heart oh diba! english yon wag kang an---"

"tumahimik ka nga. Ang lakas lakas ng boses mo akala mo naman bingi ako" pambabara ko sakanya

"ano b----"

"wag kanang mag salita ako nalang, alam ko kung saan nanaman yan aabot" sinabi ko nalang sa kanya kung bakit aka nawalan nang gana alam ko'ng hindi ito magpapatalo kapag hindi nya nalalaman

"eh bakit naman kasi hindi ka nag focus?"

"nag focus ako" I reasoned out.

"weee bakit ka pinagalitan ni coach B kung nag focus ka" sabay pamewang pa nya.

"nag focus ako konti lang, okay? At tsaka hindi ako pinagalitan, kinausap lang kinausap." pag dadahilan ko naman. Nag focus naman talaga ako ah konti nga lang ganon na rin yun.

Napaface palm nalang si Bianca dahil sa kawalan siguro ng masabi, ewan ko.

Hindi na kami nag uusap pa ni Bianca dahil dumating narin yung English prof namin. Bumalik naman sya sa kanyang upuan which is katabi ko

Habang may dinidiscuss yung prof namin hindi ako mapakali dahil nabalitaan ko mag que-quiz daw kami ngayon.

Bumulong ako kay Bianca sabay sabi "penge papel" yan lang problema ko kaya hindi ako mapakali.

Bawal kasi kami manghingi ng papel pag mag s-start na yung quiz namin kaya habanag na d-discuss payung prof namin manghingi na ako.

Tumingin sya saglit sakin at tsaka bumulong din ng "yokonga"

"isa lang naman eh!" medyo napalakas yata boses ko kaya tumingin sakin yung prof namin at tsaka mga classmates kong chismosa including Bianca.

"hoy gaga ka, isa lang eh" bumulong ulit ako pero mahina na baka marining ulit ako.

"A.YO.KO" diniin nya talaga. Ang damot neto ngayon nga lang ako nanghingi ayaw pa mamibigay.

"Sige ayaw mo ko bigyan, susumbong kita kay tita na yung baon mo binibigay mo palagi sa crush mong kano" pang bla-blackmail ko naman.

Napa evil laugh nalang ako ng mahina.

Padabog nyang kinuha yung papel nya sa kanyang bag at kumuha ng isa sabay bigay sakin. Napangisi naman ako dahil sa tagumpay.

"Miss Smith why are you smiling like that? So creepy!" nawala yung ngisi saking labi dahil sa prof namin. Aba gago to ah hindi kaya creepy.

"po? Hindi po ah" hindi naman talaga creepy ah bwesit to kala mo maganda wala namang kilay.

Tinaasan nya lang ako ng kilay akala mo naman may kilay, pwe.

Natapos din yung quiz namin nakaraos din naman kahit papaano. Nag study naman ako kagabi kaya hindi ako masyadong kinakabahan sadyang wala lang talaga akong papel.

Nagbingat ako ng kamay at paa dahil sa wakas natapos din yung klase namin makakapag pahinga nadin sa wakas sakting 5pm natapos yung klase namin, nakapag lunch nadin kami ni Bianca kanina.

Sabay kaming lumabas ng classroom ni Bianca at sabay din kaming uuwi dahil magkapit bahay lang naman kami kaya kami close kasi sya yung childhood bestfriend ko.

Nag lalakad lang kami ni Bianca dito sa quadrangle sa loob ng campus. Marami naring mga studyante ang lumalabas dahil uwian na.

"Hoy hintay!" napa lingon naman kami ni Bianca sa sumigaw. Si Jake lang pala close din namin to. actually sabay-sabay talaga kaming tatlo uuwi dahil kapitbahay lang din kami pag lunch din minsan kasabay namin si Jake pero minsan sa mga kaibigan nya namang lalaki.

Hingal na hingal syang lumapit samin dahil tumatakbo talaga sya papunta samin.

"bakit di nyo ako hinintay?" pagsasalita naman nya.

Napakamot naman kaming dalawa ni Bianca sa ulo dahil nakalimutan namin. Tumawa lang si Jake at umakbay saming dalawa. Nasa gitna kasi sya namin.

"musta klase nyo?" tanong ni Jake saming dalawa habang naglalakad kami palabas ng campus.

"ayon ang iba dyan walang papel" pagpaparinig naman ni Bianca.

"damot mo naman" pag sasalita ko sabay tingin sa kanya.

"creepy mo naman" tumatawang sabi ni Bianca sinabunutan ko nga.

"Oy oy chill lang kayo girls alam kong gwapo ako pero mahiya naman kayu sakin" isa pa tong Jake nato kung hindi ko lang talaga to kaibigan sinuntok ko na din ito.

"gwapo nga pinagpalit naman sa malapit" pangbabara ko sakanyan.

"foul yun ah!" sabay hawak sa kanyang dibdib na parang nasasaktan, oa.

Nag lalakad lang kaming tatlo pauwi habang nag uusap. Malapit lang naman sa Standard University yung bahay namin kaya nilalakat lang namin.

"oy! Alam nyo ba may bagong studyante daw,  bukas daw sya papasok" sabi ni Jake,

Sabay naman kaming napalingon ni Bianca sa kanya na nakakunot ang noo.

"galing daw Indonesia" pagpapatuloy nya naman.

"lalaki ba?" unang tanong ni Bianca landi talaga.

"oo daw" sabi naman ni Jake.

Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa  nag uusap about sa bagong studyante daw.

Nandito na kami ngayon sa village namin, unang bahay ang sakin kaya una akong papasok tapos ka  Bianca naman mga dalawang bahay tapos sa kanila na. Kay Jake naman mga apat pang bahay bago sakanila.

"una na ko, geh bye" paalam ko sakanila at pumasok na ako sa gate namin.

Hindi lang nila ako pinansin dahil busy kakatanong si Bianca sa transferee si Jake naman busy din kakasagot.

Na curious din ako gwapo kaya?

  

            ~~~~~~~~~Next~~~~~~~~