Chapter IX

9//

Ngumiti ako ng mapait.

"'Wag mong iisipin na baliw ka dahil lang nandito ka, nandito ka para magpagaling aezyl....and i'll help you." Nakangiting aniya.

Tama siya. hindi ako baliw, at kung iisipin ko 'yon ay tuluyan na kong mababaliw.

"Pwedeng magtanong?" Naalala ko nanaman ang kapatid ko. siya na lang ang natitira sa 'kin, di ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanya.

Tumango siya.

"Is my sister okay?" Napawi ang ngiti niya. agad akong kinabahan dahil sa naging reaksyon niya. lumunok muna siya ng ilang beses bago sumagot.

"Y-yes, she's okay." Sabi niya at nagiwas ng tingin. pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik doon. atleast alam kong okay siya ay okay na din ako.

Nagkwentuhan at nagtawanan kami nang ilang minuto. sana ay di na matapos ang kaligayahan na 'to.

"What's your favorite food?" Tanong niya.

"Hm...wala naman akong paboritong pagkain pero sarap na sarap ako sa sinigang na hipon." Maligayang sabi ko.

Ang mama ko at tita ko ang laging nagluluto non para sa 'kin. Bigla ko tuloy silang namiss.

"I hope i'm allow to eat shrimps too." Ngumuso siya.

"May allergy ka sa hipon?" tanong ko. Mas lalo pa siyang ngumuso.

"9 y.o. ako nung nalaman ko na may allergy ako don, i just want to die sa sobrang kati ng katawan ko. pagkatapos non ay hindi na ko umulit." Natatawang aniya.

"i'm lucky." nakangising sabi ko.

"Yes, you are lucky." Ngiti niya.

"Doctor zack." Sabay kaming napalingon sa harapan at nakita ko ang walang reaksyong mukha ni prossy.

"Prossy..why?" Si zack.

"P-pinapatawag tayo ni doc steve, m-may mahalaga dawng sasabihin." kinagat niya ang labi niya.

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa 'kin mamaya? look i'm busy-" pinutol ko ang sasabihin ni zack.

"N-no, sumama ka na i'm okay here." Nagiwas ako ng tingin.

"Ihahatid na lang kita sa kwarto-" sinamaan ko siya ng tingin. Napangisi siya at umiling-iling.

"Okay then. take care, aezyl." Aniya at ginulo ang buhok ko bago lumakad.

Narinig ko pa ang tikhim ni prossy bago sila makalayo.

aezyl..why are you blushing? huminga ako ng malalim.

"Falling?" Nakangising sabi ng isang babae na bigla na lang sumulpot sa harap ko.

kumunot ang noo ko, ngumisi siya at umupo sa tabi ko, siya iyong babae kanina na pinapakain ng nurse. iyong umirap sa 'kin.

"I'm stephanie, isang taon na 'ko dito ngunit wala pa ding nababago sa 'kin." Ngumiti siya ng mapait.

nilahad niya ang kamay niya. "you can call me steph."

"Aezyl." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

Ang tagal niya na pala dito 'no? tapos ako ilang araw pa lang ay naiiyak na.

"i guess you're new here, nice meeting you aezyl. Welcome to hell." Ngumisi siya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"lahat kami dito ay tinuturing ang lugar na ito bilang impyerno, yung iba ay lumaki na dito at kinalimutan na ng pamilya. I have bipolar disorder." Nangilid ang luha niya ngunit nagagawa niya pa ding ngumiti.

"Ang bobo lang nila." Sabi niya at tumawa.  "Nandito tayo para magpagaling pero lalo lang tayong nadedepress dahil sa lugar na ito."

Yumuko ako. sobrang miserable ng buhay nila dito.

"Care to tell your story? I'm not judgemental, besides parehas lang naman tayong nakakulong sa lugar na 'to."

Huminga ako ng malalim. "Sure." Kinwento ko sakanya lahat ng natatandaan ko at lahat ng pangyayari dito sa lugar na 'to

"See? We're miserable." Sabi niya. ngumiti ako.

"Sanay na ko." Sabi ko sabay tawa. Tumawa din siya.

"well, same." Tumawa kami parehas. mukha kaming mga baliw sa kakatawa namin. Ang gaan gaan niya kasama. i don't  know na makakakilala ako ng mga kaibigan dito.

"Pero naisip mo ba minsan kung sarili mo lang ba talaga ang nasasaktan mo?" Namutla ako sa tanong niya.

"Minsan ba natatakot kang baka ang mga tao sa paligid mo ay maari mong masaktan?"

"Kanina ko pa kayo pinagmamasdang dalawa. you look good together, but you can't be together." Kumunot ang noo ko.

"H-huh?"

Tumingin siya sa harap. Napatingin din ako at nakita ko si zack at ang mga doctor na naguusap malapit sa glass door.

"Hindi ka ba natatakot na maari mo siyang masaktan?" Nangilid ang luha ko.