Chapter XIV

14//

Ilang minuto din kaming nagkwentuhan at nagtawanan, kinwento nila ang mga karanasan nila dito.

"Bipolar disorder." Sagot ni dustin nang tanungin ko siya kung ano ang dahilan kung bakit siya nandito.

Kung ganon ay parehas pala sila ni stephanie.

"Hindi madaling magkaroon ng ganoong sakit. hindi madali." Nakaramdam ako ng awa sakanila.

Walang madaling sakit, hindi madaling nandito ka. ngunit nang dahil sakanila, atleast may masasayang ala-ala ako dito.

Biglang may kumatok sa pinto, nagpresinta akong ako na ang magbubukas.

"Z-zack.." Agad bumungad sa 'kin ang nakangusong si zack. Tinignan ko ang orasan at napagtantong 7pm na.

"Steph, dustin..uhm..kailangan ko na kasing bumalik. bukas ulit!" Paalam ko sakanila.

"Sige aezyl! Magluto ka ulit ah! Bye!" Kinawayan ko sila bago lumabas ng pinto.

"Let's go." Tumango ako sakanya at sumunod na. habang naglalakad ay naalala ko ang ginawa ko kanina.

Nakagat ko ang labi ko..shit! Nakakahiya.

Nang nasa elevator kami ay bigla siyang humarap sa 'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

kumalabog ang puso ko. wtfreak.

"Bakit ka nakashorts?" Uminit ang aking pisngi. ano bang pakialam niya don. I can wear all my clothes..pero sa tingin ko ay may mali sakanya.

"Ah? Ano..uhm..ano...mainit! Oo ayon mainit!" Kinagat ko ang labi ko at pinaypayan ang sarili. kunwaring naiinitan.

"Mainit, huh." Sarkastikong sabi niya at tumango tango.

Nang bumukas ang elevator ay una siyang lumabas. Ngumuso ako. pakiramdam ko ay mali nanaman ako. hay buhay.

Una siyang pumasok sa kwarto ko kaya sumunod na ko at sinarado ang pinto. kita ko ang pagkuha niya ng kung ano sa may drawer. Tsaka ko lang iyon napagtanto na remote iyon ng aircon.

Bigla na lang lumamig. shit! Ang lamig.

"Hindi na mainit. Now, wear a pajama." Aniya at binato sa 'kin ang pajama ko.

"What the heck is wrong with you?!"

"What the heck is wrong with you? Magsusuot ka ng shorts at gagala-gala ka dito?"

"Hindi ako gumagala! Nandon lang naman ako sa kwarto ni stephanie!"

"With dustin. Lalaki iyon aezyl."

"So what?!" Nagtiim bagang siya at sarkastikong tumawa.

"So what?" Ngayon ramdam ko na ang pagkairita niya.

Huminga ako ng malalim. shit, bakit ba ko nakikipagsigawan sa doctor ko?

"Hindi ka ba natatakot mabastos aezyl?" Kunot noo niyang tanong.

"Natatakot. But i can wear all the thing i want to wear. that's none of their businesses. if they can't respect me, then they don't deserve to be respected."

Napaawang ang bibig niya. "Damn." Bulong niya pa. "Fine! pero please naman, dito lang. Dito lang sa harap ko." Aniya at hininaaan na ang aircon.

wala pa din akong takas, damn.

Natulog na lang ako.