Chapter XXIV

24//

"Dali!" Tumakbo lang kami ng tumakbo, wala nang pakialam kung saan kami pumupunta.

huminto kami sa tapat ng isang fastfood "Dito na lang tayo kumain, baka makita pa tayo sa iba." Ani dustin at una nang pumasok. sumunod naman ako.

"Wala akong money.." bulong ko kay stephanie. ngumisi siya at may kinuha sa bulsa. limang libo--limang libo?!

"Tadaaa! Hindi ko naman kayo dadalhin dito kung wala akong pera 'no, hmp." Aniya at inunahan ako sa paglalakad.

Hindi gaanong matao, dahil mamahalin ang mga tinda. nakita ko si dustin na nakaupo na sa upuan, umupo ako sa tapat niya habang si stephanie naman ay umoorder. hindi man lang tinanong kung anong gusto ko, hmp.

Lumingon ako kay dustin na ngayon ay nakatingin sa 'kin. pinagtaasan ko siya ng kilay. umirap ako nang kumindat siya.

"Sungit nito! Nagpapacute lang ako, e." sigaw niya. ngumiwi ako.

"Hindi ka cute."

"Sama mo ah!" Inirapan ko ulit. "Iritado ka ata ngayon mareng aezyl?" Sarap mong batukan. "Ah! Alam ko na!" Pinitik niya ang daliri niya. "Wala kasi si doc zack 'no?" Sige ipaalala mo pa.

"Can you shut your mouth?" Pagalit na bulong ko dahil nagsisimula na siyang magingay.

"I can't.." halakhak niya. pag ito sinapak ko, tulog 'to.

Buti naman ay dumating na si steph. "Ihahatid na lang daw dito. So ano na? Saan tayo pupunta pagkatapos nito?" Aniya at umupo sa tabi ni dustin.

Nagkibit balikat ako. "P-pwede pa ba tayong bumalik?" kailangan.

"Syempre! Ihanda mo nga lang ang tainga mo sa mga sermon." Ani dustin at humalakhak. Binatukan siya ni steph.

"Pwede naman pala kayong tumakas e, bakit hindi na lang kayo umalis don?" nagkatinginan silang dalawa.

"Kahit naman gustong gusto na naming umuwi, gusto din naming gumaling." Ngumiti si steph. "At saka, pag umuwi ka ipapadala ka ulit doon, so nonsense ang pagtakas 'di ba?" Ngumisi siya.

tumango-tango ako. Sabagay.

"Puntahan kaya natin ang daddy mo, stephanie?" Si dustin. lumiwanag ang mukha ni steph.

"Oo nga 'no, miss ko na din sila, e." Aniya.

"P-pwede kayong umuwi?" Tanong ko.

"Nasa ospital si daddy." Malungkot na ani steph. napaawang ang bibig ko. Biglang dumating ang order. tahimik lang kaming kumain.

napaisip tuloy ako kung saan ba itong lugar na to, malapit lang kaya ito sa 'min? Impossible, hindi pamilyar ang lugar at wala akong kilalang mukha.

nang matapos kaming kumain ay nagpahinga kami ng onti at lumabas na.

"Grabe! Busog ako don ah!" Sigaw ni dustin. hinila nila ako sa sakayan, nang may dumating na taxi ay sumakay na kami. ang sabi nila ay pupunta daw kami ng ospital kung nasaan ang daddy niya.

Pagkadating namin ay bumungad sa 'kin ang malaking ospital. "let's go." Ani stephanie na excited na excited.

Nang makapasok kami ay bumungad sa 'min ang mga tao, may nagmamadali, may pasyente, may nurses, at mga doctor. Hinila nila ako patungong elevator.

Pinindot ni steph ang 10th floor.

"Nandoon kaya si mommy?" Bulong niya sakanyang sarili.

"Malamang.." sagot ni dustin. bumuntong hininga silang dalawa. ako naman ay hindi alam kung anong nangyayari.

Nang bumukas ang elevator ay lumabas na kami. sinundan ko lang sila hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kwarto. Huminga ng malalim si steph bago kumatok.

Bumukas iyon at tumambad sa 'min ang isang hindi katandaang babae, maganda ito at nakamake up pa. nanlaki ang mata niya nang makita kami.

"Magandang umaga po.." Ani ko at yumuko. ganoon din ang ginawa ni dustin.

"Mommy..." Si steph. Tumango sa 'min ang mommy niya at bumaling kay stephanie. hinila niya ito palabas, parang galit.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagalit na bulong ng mommy niya at sinulyapan kami. lumayo kami ng onti ni dustin ngunit sapat pa din iyon para marinig namin sila.