34//
Tita
Nang dumating ang panaghalian ay may pamilyar na nurse na pumasok sa kwarto para ihatid ang pagkain ko, ang hula ko ay siya 'yong nagbabantay kaila stephanie at dustin. Ngumiti s'ya sa 'kin.
"Nurse pia?" sabi ko nang maalala ang kanyang pangalan. Nakangiti s'yang tumango.
"Good afternoon aezyl, akala ko kasama mo sila stephanie.." napaawang ang aking bibig.
"Alam n'yo po ba kung nasaan sila nagpunta? Kanina ko pa po sila hinahanap, e." kinagat ko ang labi ko.
"Naku! Hindi nga, e. kanina pa sila umalis, nagmamadali ata. Hindi ko naman napigilan at baka sumama lang sa libing ng lolo ni doctor lawckson. Hay naku talagang mga bata!" Medyo may katandaan na din s'ya. Tumango-tango ako.
"Gano'n po ba? Sige po salamat!" Ngumiti s'ya sa 'kin at lumabas na. Napatingin ako sa pagkain na dinala n'ya. Hinayaan ko na lang 'yon sa lamesa at nahiga. Wala akong gana sa lahat, sobrang bigat ng dibdib ko at mabilis ang tibok ng puso sa kaba.
Handa na 'kong matulog nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal no'n si nurse elfin. Tumayo ako.
"Bakit?" Tanong ko. Ngumiti s'ya ngunit hindi ko kayang suklian. Naalala ko nanaman yoong gabing dinala nila ako kung saan para malaman ang totoo. Sa hindi malamang dahilan mas lalo lang akong kinabahan.
"I heard about...you and prossy..huh." aniya at tinaas ang kilay. Ang kanyang buhok na hanggang baywang ay dumadagdag sakanyang kagandahan.
"Misunderstanding lang.." ngumisi s'ya.
"So you already knew the truth?" kumunot ang aking noo.
"Truth? Liars." Nagtiim-bagang ako. "Hindi ako naniniwala."
Tumawa s'ya kaya nakaramdam ako nang asar sakanya.
"Hindi ka naniniwala? O ayaw mong tanggapin?" Galit ko s'yang nilingon.
"Kahit kaya kong tanggapin, hindi pa din ako maniniwala! Elfin, kapatid ko 'yon! Kapatid ko 'yung tinutukoy n'yo! I can't to that to my sister! Naiintindihan mo ba 'ko? I can't do that!" Galit na sigaw ko. Sumeryoso s'ya at tumikhim.
"Ayon na nga, e. kapatid mo 'yon! At s'ya ang kasama mo sa buong buhay mo! Aezyl makinig ka sa 'kin, hindi na si prossy ang nagsasabi sa 'yo nito, ako na..ako! I don't have any reason to lie to you!" kumalabog ang aking dibdib.
"No..no! you're lying! liars!" Napaluhod ako sa sahig. Hindi ko magagawa 'yon..hindi.
"Naniniwala ka..hindi mo lang kayang tanggapin..." Tinakpan ko ang tainga ko. Ayoko nang marinig lahat ng sasabihin n'yo! Ayoko na! Ayoko nang makarinig ng mga kasinungalingan!
Lumapit s'ya sa 'kin at lumuhod sa harapan ko. "I'm sorry aezyl," aniya at niyakap ako . Humagulgol ako sa sakit na nararamdaman. Paano pag ginawa ko nga? Paano kung totoo? Anong nang mangyayari sa 'kin?
"If you really want to know, if you really want to confirm..lumabas ka..at malalaman mo ang totoo." Napalingon ako sakanya, nagtataka. "trust me." Ngumiti s'ya. Lumunok ako at nagmamadaling lumabas. Alam kong ayokong malaman dahil natatakot ako kung ano ba talaga ang nangyari, pero mayroon sa loob ko na gusto ko nang malaman..sana kayanin ko. Sana kayanin ko kung ano man 'yon.
Halos takbuhin ko na papuntang elevator. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Please..please. nang bumukas ang elevator ay tinakbo ko na ang palabas at nang makalabas ay napabagal ang aking lakad sa nakita.
"Tita.."