35//
Tell me
"Aezyl, hija.." malungkot ang kanyang mga mata na ngumiti sa 'kin. Tumayo s'ya galing sa pagkakaupo sa bench at niyakap ako. Nangilid ang aking luha, I missed her, kahit na hindi masyadong maganda ang trato n'ya sa 'kin noon ay sobrang namiss ko s'ya. "Mas lalo kang gumanda.." hinaplos n'ya ang aking pisngi.
"tita.." pumatak ang aking luha. "Why are you here?" is she here to tell me what really happened?
"Si aziyl.." Kita ko ang nagbabadyang luha sakanyang mata. Kumalabog agad ang aking puso nang marinig ang pangalan ng aking kapatid.
"Bakit? Anong nangyari sakanya?" nabasag ang aking boses. Nagkunwari akong walang ideya, kahit ang daming pumapasok na posibilidad sa aking utak.
"She's.." Tibok na lang ng aking puso ang aking naririnig sa sobrang bilis nito. "Gone.." napaawang ang aking bibig kasabay nang pag-guho ng aking mundo. Nanginig na ang aking tuhod ngunit nanatili akong nakatayo.
"W-why? S-saan ba s'ya nagpunta?" Pumiyok ang aking boses. Humagulgol si tita at hindi na sinagot ang aking tanong. "nasaan ba s'ya tita?! Okay lang s'ya ' di ba? Okay lang ang kapatid ko 'di ba?" kinagat ko ang aking labi. Sunod-sunod na pumatak ang aking luha. Sobrang bigat, sobrang sakit. Nandito na ang sagot sa tanong ko.Tell me this is not happening! Please!
"Aezyl..sana ay mapatawad mo 'ko.." bulong n'ya. Umiling-iling ako habang pumapatak ang luha. "Kung sana ay binantayan kita noon, kung sana ay maaga kitang dinala dito, kung sana ay nilayo ko na ang kapatid mo galing sa 'yo ay hindi mangyayari 'to. Napakawalang-kwenta kong tiyahin!"
Hindi na 'ko makahinga sa sobrang bigat ng aking dibdib. Hell, kung panaginip 'to ay gisingin n'yo na 'ko. Hindi ko na kaya sa sakit. Sobrang sakit..ang sakit sakit.
Tinalikuran ko s'ya at tumakbo papuntang loob. Kingina hindi ko maisip! Hindi ko maisip na pinapatay ang sarili kong kapatid! Hindi ko maisip.
Napasandal ako sa dingding at napaupo.
"Ate! Ate gising na! Luto ka na breakfast ko ate, gutom na 'ko, e." Nagising ako sa boses ng aking kapatid. Nakanguso s'ya habang hawak ang t'yan. Halos matawa ako sa itsura n'ya.
"Eto na po, boss." Humagikgik s'ya at sinundan ako palabas. Binuksan ko ang ref at ang nakita lang ay itlog. Tulog pa din sila ate yasmin at hula ko ay pumasok na sa trabaho si tita. "Itlog muna ang ulam mo aziyl, a. Tipid muna." Ngumiti ako. Tumango s'ya at ngumiti din.
'Yan ang gusto ko sakanya, pag sinabi kong tipid muna kami ay maiintindihan n'ya. Mana ata sa 'kin 'to.
Nakapangalumbaba s'yang nanood sa pagluluto ko. Pinisil ko ang kanyang matataba at mapupulang pisngi.
"Ate.."
"hmm? Maluluto na 'to.." sabi ko nang hindi tumitingin sakanya. Nang maluto ito ay nilagay ko na ito sa plato.
"Gusto ko, pag nagmahal ka ng lalaki 'yung hindi katulad ni papa." Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko at gulat napatingin sakanya. Paano n'ya nalaman? Kailan man hindi ko sinasabi sakanya nag tungkol kay papa! "Gusto ko 'yung aalagaan ka, 'yung iintindihin ka, 'yung mamahalin ka ng totoo, 'yung hindi ka lolokohin, 'yung hindi ka iiwan. Hanapin mo 'yoong ganong lalaki ate! Wag kang gumaya kay mama." Nangilid ang aking luha at hinawakan ang kanyang dalawang pisngi.
"A-ano bang pinagsasabi mo d'yan? At saka p-paano mo nalaman ang tungkol kay papa?" pumatak ang aking luha sa pisngi. Ngumiti lang s'ya nang natamis at sinimulan ang pagkain, nang hindi sinasagot ang aking tanong.
Tumayo ulit ako at mabagal na naglakad . Tulala at parang wala sa isip na naglalakad ako. Aziyl…why are you doing this to me? Why?
Huminto ako sa paglalakad nang makarating ako sa tapat ng pintuan kung saan naganap ang gabing 'yon. Kung saan ako dinala nila elfin. Padarag kong sinipa ang pinto kaya naglikha ng ingay. Agad kong naaninag sila elfin at isang nurse at si madame.
"Tell me..tell me everything you know."