Chapter XXXVII

37//

Ang sabi mo okay lang siya

Ilang beses kong minura ang sarili ko, sobrang galit at pagsisi ang nararamdaman ko. Paano ko nagawa 'yon? Paano ko nasikmurang gawin iyon sa aking kapatid?

And now she's dead, parang wala na rin akong karapatang mabuhay. She's dead because of me..i can't forgive my self. Wala na s'ya...wala na. wala ng natitira sa 'kin! Wala na! Kasalanan ko lahat ng ito, bakit hindi ko napapansin ang sakit ko? Bakit?

Nagwala ako sa aking kwarto. Pinagsisipa ko lahat ng makikita ko, parang wala na 'kong kontrol sa aking sarili sa sobrang galit ko. Sinipa ko ang vase sa gilid ng aking kama. Para akong baliw-hindi baliw na talaga ako! Sino'ng magsasabi na hindi ako baliw?

Hingal na hingal akong tumigil, ngayon ay sobrang gulo na ng kwarto ko. Pumatak ang luha sa aking pisngi. I feel so empty, I feel so alone. Wala akong masandalan, gusto kong ibuhos lahat ng galit ko.

"Aziyl…I'm sorry." Bulong ko at tinakpan ang aking mukha. "I can't do this anymore! Ang sakit sakit! Ang sakit! Bakit ko nagawa 'yon sa 'yo?! Mahal na mahal kita.." humagulgol lang ako nang humagulgol.

Hindi ko na kaya.

Hinanap ko ang kutsilyo sa kung saan, nakita ko 'yon sa ilalim ng kama. Tinitigan ko 'yon at halos sumapain sa lahat ng pumapasok sa isip ko. Pumasok ako sa banyo at nilock ang pinto.

Minsan, pag hindi mo na kaya kusa ka na lang talagang susuko. Kasi ako hindi ko na kaya, sobra na, sobra sobra na. sana hindi na lang dumating ang araw na 'to, sana hindi na lang ako nabuhay pa kung ganito din naman ang mangyayari.

This pain is killing me. This is too much to handle. I can't imagine my life without aziyl, I can't imagine my life knowing that my sister is gone, and the worst is I'm the reason of it, no..should say..i did it. I killed her.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ako na ata ang pinakamalalang tao sa mundo. Tinignan ko ang kutsilyong hawak ko. Wala na s'ya, kaya wala na rin akong karapatang mabuhay pa. at ayokong mabuhay nang may dinadalang lungkot, galit sa sarili. Pakiramdam ko ay wala na 'kong karapatang sumaya, wala na 'kong karapatang ngumiti, wala na kong karapatang mabuhay.

Siguro ay binuhay lang ako para maramdaman lahat ng sakit. Siguro nga.

hiniwaan ko ang aking pulso. Agad itong nagdugo. Ngumisi ako. "Tama lang 'yan sa 'yo." Bulong ko sa sarili.

Handa na akong ulitin ulit ngunit nakarinig ako ng kalabog galing sa labas. Hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy sa pananakit ng sarili.

"AEZYL?! AEZYL BUKSAN MO 'TO! AEZYL!" Napahinto ako nang marinig ko ang boses ng taong mahal ko.

"Go away!" sigaw ko. Hindi na importante sa 'kin ngayon ang pagmamahal ko sakanya, wala na 'kong oras para don.

"AEZYL PLEASE?! PLEASE..OPEN THE DOOR!" Halos kilabutan ako sakanyang boses. Napatingin ako sa aking pulso na ayaw tumigil sa pagdudugo, puro dugo na din ang sahig at nakakaramdam na din ako ng onting hilo, pero wala akong pakialam.

"I don't need you here." Mariin na ani ko.

"OPEN THE GODD*MN DOOR!"

"JUST GO AWAY! I DON'T NEED YOU! I WON'T NEED YOU ANYMORE!" sigaw ko. Halos mapatalon ako nang sipain n'ya ang pinto kaya iyon nabuksan. Napaatras ako kasabay nang pagtutok ko sakanya ng kutsilyo kaya napahinto s'ya sa paglapit.

"Wag kang lalapit!" nangilid ang aking luha.

"Aezyl, baby please..stop.." bulong n'ya. Napatingin s'ya sa aking pulso at nagpakawala ng mga mura. Sinubukan niyang lumapit ngunit pingilan ko s'ya.

"You know, don't you?" Galit ko siyang tinignan. Pumatak ang kanyang luha. "And what..what did you say when I asked you if my sister was okay? You said yes! Liar! Napakasinungaling mo!" humagulgol ako.

"I'm sorry.." yumuko s'ya. "I promised you..that I'll tell you someday right? Please aezyl.." umiling-iling ako.

"Sabi mo okay lang s'ya..pinaniwalaan kita, e. Kasi ikaw 'yan.." nanghina ang aking tuhod. Napaluhod ako. "Wala na s'ya zack, wala na yung kapatid ko." Nabitawan ko ang kutsilyo kaya nagkaroon s'ya ng tsansang makalapit. "S'ya na lang yung natitira sa 'kin. ang sakit! Ang sakit sakit.." and everything went black.