"OMGGG bhie classmate natin dave, Ano gagawin ko? Ampotsa kinakabahan ako" sabi ko kay farhana.
"Ampopo mo molly akala mo naman mapapansin ka HAHAHAHA montanga bes ano ba iniisip mo? Crushback ka niya? Taas ng pangarap mo oi!"
"Gago to ah! La lang pake", gagi di ako makapaniwala classmate kami well pinag usapan nga naman namin yon.
"gaga chatmate kami!", Oo chatmate kami as in nag chachat kami araw araw. Siya pa nga nag suggest na same class kami, maingit kayo nachachat ko crush ko HAHAHAHA.
"luh chatmate lang kayo pero di ka gusto non, taas talaga ng pangarap mo di ko ma reach!"
"ulol di supportive", tingnan mo nga naman tong bestfriend ko di supportive. Saan ba pwede i benta ganitong kaibigan?
"ewan ko sayo molly basta ako uuwi na kami ni mama, may gagawin pa kami eh, babye marupok labyo!!"
"TANGINA MO DI AKO MARUPOK!" sigaw ko sa kanya.
Babalik na sana ako sa main gate para kunin yung naiwan kong libro at para maka uwi na. Pero gagi nakita ko yung crush ko nung elementary naka tingin siya sakin. Kanina pa ba siya nakikinig sa usapan namin ni Farhana? Sana hindi kundi nakakahiya!
Bahala na nga si batman kailangan ko ng umuwi.
"hi kuya guard kukunin ko lang sana yung pinaiwan kong libro"
"oh siya iha eto" sabay abot sa mga libro.
"salamat kuya guard, aalis na ako bye!" pamamaalam ko.
"sige iha mag ingat ka pauwi!" sigaw niya pabalik.
Sumakay ako ng tricycle pauwi at hinanda ang gamit para bukas, back to school na bes dapat bonga tayo tomorrow! Binili ko talaga lahat ng mga Magagandang stationary para atleast magiging maganda notes ko, kahit alam kong di talaga ako magsusulat. yung tipong nag susulat kapa tapos next slide agad, atat ka ghorl? joke lang
"MA SAN MO NILAGAY YUNG BAGONG BILI NA BAG?" pa tanong kong sigaw kay mama.
"NASA GILID NG SOFA NAK". pa sagot niyang sigaw.
"ah sige nakita ko na ma thanks!" sagot ko pa.
Maingat kong inayos ang aking kagamitan, mahirap na baka may mawala.
Oh alas 8 na pala, "ma matutulog na ako". alas otso pagbasa kapatid hindi alas eight.
"MOLLY KAYE KUMAIN KA MUNA!"
"WAG NA MA BUSOG PA AKO" at tumakbo ako papasok sa kwarto ko.
Excited akong humiga saking kama ,pano ba naman isipin mo yun magig9ing classmate mo crush mo tehee. tapos classmate ko pa si farhana ulet HAHAHAHAH may ma kokopyahan ako ng answers.
ilang minuto ang nagdaan naka tulog ako dahil sa paglalayag ng aking imahinasyon.