Chapter 03 Mr. A?

Bella's  P.O.V

"I'm s-shocked..." sabi ni Tita Kaye habang lumolobo ang bibig at binibigyan kaming apat ng curious na tingin...

"M-mom..."

"What Kyla??" Kunwari'y inosente sa tanong nya sa anak..

Bumuntong hininga lang si Kyla at umiling..

"T-tita..." tumikhim ako nago nagsalita ulit...

Pumunta naman lahat ng atensyon sa akin, nag aabang ng sasabihin ko...

"It's my fault anyway, i offended Kyla, well..." tumingin ako sa nakatungong kaibigan bago bumaling kay Tita...

"I'm just concerned t-that's why." Tapos nagkibit balikat para itago ang sobrang kaba..

'Anong klaseng paliwanag yan?!'

Ramdam ko ang masakit na pagkurot ni Rick-Rick sa tagiliran ko...

Napangiwi ako dun at bumaling sa katabi at binigyan ng matalim na tingin..

"Let's moved on to this topic..I'm so stressed, this is so stressful!!" Habang hilot hilot ni Tita ang sintido...

Hindi ako bingi nang marinig kong pagkadiinan ni Tita ang salitang moved on na ikinatingin naming lahat kay Kyla na nagbababa ulit ng tingin...

Lihim akong napabuntong hininga at tiningnan si Tita na nagtitipa na ngayon sa cellphone nito...

Maya maya ay tumingin sa akin ng nagtatanong...

Nagtaka ako..

"Uhmm..A-anything..." hindi ko madugtungan ang sasabihin kay Tita na ngayo'y nakatingin pa rin sa akin...

Nilapag nito ang cellphone sa lamesa tapos pinagsiklop ang mga kamay at tumingin sa akin...

Bumuntong hininga si Tita bago nagsalita...

"Your father and mother..." panimula ni Tita...

Umiwas ako ng tingin sa lahat...

"T-tita.."

"They go and arrived early in Davao, right?"  Tanong ni Tita...

Tumango nalang ako..

"Tell me, do they even say goodbye to you before leaving?" Tanong ulit ni Tita...

May bahid ng pagtataray at pagsusungit iyon..

Para akong tangang umiling nalang..

Bumuntong hininga si Tita..

"This is life..." sabi ni Tita na ikina angat ko ng tingin sa kanya habang pagak na tumatawa at iminumwestra ang mga kamay sa hangin na parang wala sa sarili..

Napaisip ako..

'Yeah..This is life.'

"-----but your life looks too miserable than us--" sabi ni Tita..

Nahihiya akong nagbaba ng tingin at naramdamang bigla ang pag iinit ng mata..

"Don't be offended Bella.." parang na-gui-guilt na sabi ni Tita...

Gusto ng tumulo ng luha ko pero pinigil ko iyon kahit gusto na nitong pumatak...

Nagawa ko iyong pigilan sa pamamagitan ng pagkurap kurap at pagkakalma sa sarili...

Malalim akong bumuntong hininga..

Tama si Tita...Hindi dapat ako masaktan, dahil totoo naman...

"You know what Bella? Your Mom and Dad had been successful when they built the company..Definitely, they had a little problem before but they can easily solved that...They do not go in any places just to solve big problems..I don't know why your Mom and Dad's company had a many big problems few years now and they solving it anywhere..." kuwento ni Tita habang nakatingin sa malayo at iwinawagayway pa rin ang nga kamay sa ere...

Nagkaroon ako bigla ng interest sa sinasabi nya kaya nag angat ako ng tingin at pinakinggan pa ang susunod na lalabas sa bibig ni Tita...

Tumingin sya sa akin..

"Alam mo ba ang love stroy ng Mom and Dad mo?" Natatawang tanong ni Tita sa akin..

Umiling ako..

Hindi ko naman talaga alam ang love story nina Mom and Dad, palagi nalang silang busy kaya kahit madalang o minsan..

Hindi kami nakakapagkwentuhan...

"Your Lolo Robertson and Bruno was bestfriends back then, they both got a scholarship on college...Well, they were not as rich before as now.." pagak na tumawa si Tita... "But not that poor huh? When they attend first class in college, your Lolo Bruno meet a preety girl. As he said. He courted her immediately huh. I don't know the exactly story how he courted your Lola but tomorrow i got a news on tsismis that your Lola accepts Lolo to be his boyfriend..That fast really? But, your Lolo Robertson...Got inlove too with your Lola Belles when they both accidentally stock in room because of something i didn't know..." mahabang kuwento ni Tita...

Natuwa ako sa unang kuwento ni Tita tungkol kay Lolo Bruno and kay Lola Belles but at the same time my happiness immediately cleared and i feel sad for Lolo Robertson when he appeared in story..

Na-curious tuloy ako lalo...

"Ayokong sabihing pinalano ni Lolo Robertson mo na sadyang mai-stock doon o ano..Kasi nga, nung kinuwento sa akin yun ni Mars eh ang sabi bago palang raw si Lolo mo na-inlove nung NA-STOCK na sila roon ni Lola Belles sa room...So, hindi ko masasabi na...Nag tatraydor si Lolo Robertson mo sa ex-bestfriend nya na ngayon. So, hindi na rin namin alam ang iba pang kuwento...Nabitin tuloy kayo dahil yun lang ang alam ko" At nagkibit balikat si Tita..

Naningkit ang mata ko tapos pinasadahan ng tingin ang mga katabi ko...

Nakanganga lang ang mga ito kay Tita...

Bumalik nalang ulit ang atensyon ko kay Tita na bubuka na ang bibig para sa pagpapatuloy ng kuwento ni Lola Basyang-----este sa love story kuno nina Mommy and Daddy..

"And hindi ko rin naman na alam kung bakit napapunta pa rin si Lola Belles mo kay Lolo Bruno, so...nang magsama sila at magpakasal...Nabuo si Dad mo, habang kay Lolo Robertson mo naman eh nakapang asawa and nabuo naman ang Mom mo..." kuwento ni Tita

"Malupit nga siguro ang tadhana at nagkrus ang mga anak ng mag ex-bestfriend... Hanggang sa, marami nang humadlang...Pero sa kabila nun...Nagkatuluyan rin ang Mom and Dad mo, infareness huh? Ang ganda ng love story nila...At ikaw at ang Kuya mo ang naging bunga nun.." kuwento pa ni Tita...

Nagkunwari itong may isinarang libro gaya ng sa Lola Basyang na palabas sa T.V...

"So mga apo..Kumain muna tayo at tsaka nalang ulit natin itutuloy ito kapag natapos na tayong kumain" natawa kaming lahat kay Tita ng gayahin nya yung boses ni Lola Basyang..

'Tapos ano? Uungot kami at sasabihing "Lola!!"..'

'Parang tanga..'

"Grabe...Ang ganda naman ng lab storey nila." Sabi bigla ni Rick-Rick..

"And, hindi talaga ako makapaniwala na ganun talaga kalupit ang tadhana.." usal naman ni Stella...

Natawa si Tita tapos tumingin sa akin...

Binigyan ko sya ng matamis na ngiti..

"Salamat Tita ha? Actually, wala po talagang ikinukuwento sa akin sina Mom and Dad tungkol sa mga yan and thanked you for telling me---us..So..." napakamot ako sa batok dahil sa hindi madugtungan ang sasabihin...

Narinig kong natawa si Tita..

"It's okay honey---but wait..." dumilim bigla ang awra ni Tita tapos tumingin sa katabi, kay Kyla...

Mukhang alam ko na ang sasabihin ny----

"Based sa kinuwento mo sweetie sa akin kanina, and sa kuwento ninyo kanina." Baling sa amin ni Tita matapos pumunta ang tingin kay Kyla..."I'm sorry darling, but i think Kyla need an apology from you.." sabi ni Tita at tumingin sa akin...

Ngumiti ako...

"Yeah actually, that's the best and right thing to do.." sabi ko at tumingin kay Kyla na ngayon ay nakatingin na sa akin...

Walang anumang ekspresyon ang mukha nito kundi blangko...

Ngumiti ako sa kanya...

"I-I'm really sorry Kyla" sincere kong tawad...

Ilang segundong tumahimik at maya maya ay nagsalita rin si Kyla...

"I-It's okay anyway...Apology accepted." Mahinang sabi ni Kyla...

Nginitian ko sya ng makita sa mukha nito ang hiya...

Pilit lang nya akong sinuklian ng ngiti...

'Atleast napatawad nya na ako'

__________________

"Sa susunod kasi ateng..Be careful na sa mga aketcheng werds mo, minsan kasi sa una at pangalawa nakakatuwa pero kapag sumobra na nakaka-offey.." malanding sabi ni Rick-Rick...

Natawa ako sa mga words nya at pabirong umirap...

Pagkatapos kasi kaming pakaiinin ng tanghalian nina Tita eh nagpasya na kaming umuwi nalang at huwag ng tuluyang umattend ng mga susunod pang subject namin ngayong araw..Kaya heto kami, nagkwekwentuhan sa daan... 

"Bellamy...Kelan nga pala ang outing natin sa Masasa Beach Island?" Tanong ni Stella...

Napangiwi ako sa binanggit nyang pangalan...

'I hate calling me "Bellamy" as my fucking real name!'

Binigyan ko si Stella ng matalim na tingin...

"As i said...Don't call me Bellamy or else i will call you too..But by your second name, Chin-i" nang-iinis na sabi ko...

Nag usok naman ang ilong ng gaga tapos binigyan rin ako ng matalim na tingin...

"Hahahhahahahah.." biglang tumawa ng malakas si Rick-Rick maya maya ng matahimik kaming dalawa...

"Ang wi-wierd talaga ng mga magulang nyo 'no? Biruin mo nga naman ang pangalan mo ay Bellamy De Los Gatos" natatawang sabi ni Rick habang nakatingin sa akin, tinaasan ko nalang sya ng kilay at inirapan...Bumaling naman sya kay Stella kapagkuwan..."and you lukaret is Stella Chin-i Santos? What the hell?" Tumawa ulit ng malakas si Rick...

Nakahawak pa sa tiyan ang gago na parang mauutas na...

Pilya ko syang nginisian maya maya...

"Bakit Ricky Smith? Hindi rin ba weird ang mga magulang mo?" Natatawang sabi ko...

Narinig kong tumawa rin si Stella

"Koreks..Kasi di bagay sayo bishy, meshedo keng gerly" nang iinis na sabi rin naman ni Stella...

Nagtawanan nalang kaming tatlo habang nagkanya kanya na ng larga sa mga tinitirhan...

"Ingat ka Rick!!"

"Ingat sa daan!"

Ng makarating na kami sa kanya kanyang bahay...

Syempre, halos magkapit bahay na kaming tatlo kaya si Rick-Rick nalang ang mag iisang uuwi at maglalakad ng malayo pauwing bahay nya kaya nagpaalam na kami sa kanya bago siya umalis...

Inaalok na rin namin syang ihatid sya ng extra driver ni Mommy and Daddy kaso tumanggi lang naman sya at sinabing "okay lang ako 'no" kaya mag isa nalang syang umuwi kahit katirikan ng araw....

"Manang Zenaida!!" Tawag ko sa katulong namin sa bahay...

Maya maya ay nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag mula sa loob patungo dito sa kinaroroonan ko, sa labas ng pinto...

Nagbukas rin iyon kapagkuwan at iniluwa nun si Manang Zenaida...

"Aba'y nasan si Berting?" Bungad ni Manang nang mabuksan ang pinto at makita ako dito sa labas...

Nagkibit balikat ako at binalewalang lumabas si Manang para siguro hanapin ang Manong Bert...

Pagkasalampak ko ng upo sa sofa, sa may sala...

Nakaramdam agad ako ng matinding pagod-----

Napaisip ako bigla...

'Halos magkakapitbahay na nga kami nina Kyla, napagod pa ako? What the hell???'

Inisip ko nalang na baka stress lang ito at umidlip na....

___________________

"Iha..." mahinang tawag at tapik ni Manang ang nagpagising sa akin...

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako...

"Nakapananghalian kana ba? Maaga ka kasing umuwi eh.." sabi ni Manang...

Umayos ako ng upo sa sofa...

"O-opo Manang kina Tita Kaye kami nananghalian" sabi ko..

Nangunot ang noo ni Manang...

"Kami?? Aba'y pati rin ba si Kyla ay naroroon rin at ngayon din umuwi?" Tanong ni Manang..

Bumuntong hininga ako..

"Half-day po kami Manang..." i lied...

"Ahhhh..." tango tangong sang ayon ni Manang...

Tumayo ako sa pagkakaupo at nagtungo sa kuwarto ko...

Umupo muna ako sa may gilid ng kama at kinuha ang cellphone sa bag..

Mommy♡♡♡

Daddy♡♡♡

♡Kuya Mocus♡

Ladies of VNHS

Rick-Rick

........

Mr. A

Natigilan ako sa pagii-scroll ng notification ng messages nang makita ang Mr. A?

Napaisip ako...

Mr. A?

Allyson

Abe

Anton

.......

'Sinong A?'

Na-curious tuloy ako kaya kinilick ko yung notification message nung Mr. A...

Mr. A:

Meet u soon...

Nagtaka ako ng mabasa ang message nung Mr. A..

Wala sa sariling napako ang tingin ko sa bintana..

Nangunot ang noo ko at nagtaka ng makakita roon ng isang bulto ng hindi ko malaman kung lalaki ba o babae?

Binalewala ko nalang yun at inisip na baka nagkataon lang...