Today is Saturday. I'm busy pulling out my clothes from my closet. I groaned when I still couldn't decide what to wear. I feel so stressed thinking about what should I wear on our first date.
With my messy clothes on the floor together with their hangers attached to them. I lied down on my bed floppily. I waited for my best friend to answer my call. I played with my hair while lying, waiting for her to answer. I bring a few strands of my hair on my protruding lips. Making it like a mustache.
"Se, what's wrong?"
I closed my eyes emphatically as conscience crept inside of me. Kahit pinakikinggan ko lang ang boses ni Fe, halatang galing pa siya sa mahabang tulog.
"Uh... wala naman. Hehe." I chuckled awkwardly.
To be honest, I felt sort of uncomfortable about asking her to come to our house to help me in choosing what to wear. This is my first time to ask her about it. I have never been on a date before!
"Umayos ka nga, Kreanaseah?! May problema ka ba? Gusto mo puntahan kita sa bahay niyo?" she startles.
Napapikit ako habang pinakikinggan ang nag papanic niyang boses.
"K-kasi-"
"I'll be there in ten minutes. Love you." she ended the call.
I run my fingers to my hair and yelled 'yay' in the excitement in my room. I looked at the time on my phone. Geez, it's still 8 o'clock pa pala ng umaga!? Ganoon ba ako ka excited sa first date namin na kahit na lunch time ang usapan, breakfast time palang naghahanda na ako?
I heard a couple of knock on my door. I stood up and went there to open it. My lips parted and my eyes dilated in shock as soon as I opened the door.
Fe, Vico, and my sister are the persons behind the couple of knocks I heard. Their eyes are dilated also, looking at me from head to toe. Like they're looking at something in me or scanning something from me. They individually gasped and held their foreheads like they got so stressed about me.
"Seah, naman! Pinag-alala mo kami. Akala namin napa'no ka na." si Ate na parang nabunutan ng tinik.
"Akala ko ano ng nangyari sa'yo!" si Fe na masama akong tinignan.
"You worried... me," Vico said huskily and rolls his eyes at me.
Bumaba na kami pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Dumiretso kami sa silid-kainan para mag-agahan. Pinagalitan pa ako ni Ate dahil pinag-alala ko raw sila. Ang aga ko kasi tumawag kay Fe. Di nila alam magpapatulong lang naman sana ako sa pagpili ng damit na maisusuot.
Pagkatapos naming kumain, hinila ko si Fe papunta sa itaas. Sa kuwarto ko. Busy din kasi 'yung dalawa naming kapatid sa pag co-contact sa mga kaibigan nila. Mag si-swimming na naman daw sila dito sa amin.
"Fe, may date ako ngayon-" I said once I closed the door.
She cuts me off by shaking my shoulder as she shrieks. Nang kumalma na siya, saka pa lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ikuwento sa kanya lahat. Tumili na naman siya pagkatapos. Pero hindi na gaya nung una na ang tagal natapos. Pinulot ko ang damit ko at inayos 'yon sa kanyang hanger bago ibinalik sa loob ng closet ko.
"Se, ma-li-late ka niyan! Ako na nito. Maligo ka na." sabi niya nang mapansin ang ginagawa ko.
"Huwag mo nang ayusin. Ako na ang bahala nito pagkauwi ko mamaya. Magpapatulong na lang din ako kay Manang Wela." sabi ko at pumulot pa sana ng damit para ayusin pero hinila na ako ni Fe at itinulak papasok sa banyo.
I shouted thanks to the bathroom after she shut the door. I took a deep breath and started to take a shower. I don't know how many minutes or more like hours I've spend taking a bath. But I'm sure that this is my first time to take a bath that took so long.
Siguro nga sobrang tagal ko at marami akong oras na iginugol sa pagliligo. Dahil paglabas ko ng banyo, wala na ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Nakaupo si Fe sa study chair ko habang nag-i-scroll sa phone niya.
"Ang tagal ko ba?" hindi ko mapigilang hindi magtanong kahit na parang alam ko din naman ang sagot.
"Hindi naman, Se. Mga isang oras at kalahati lang naman ang tagal mo," she said playfully before standing up.
"Ikaw nag-ayos nun lahat, Fe?" I asked her, about my clothes.
"Huwag mo ng problemahin pa 'yon. Hali ka na." she tapped my vanity chair.
Umupo na ako sa vanity chair ko. Si Fe naman abala pa sa pag pa-plug ng hair blower sa socket. Patutuyuin niya raw muna ang buhok ko. Nakasuot lang ako ng kulay puting bathrobe. Kinalas ko na ang tuwalyang nakapulupot sa buhok ko para hindi na mahirapan pa si Fe mamaya.
Marami kaming napag-usapan habang pinapatuyo niya ang buhok ko. Ang dami niyang sumbong sa akin tungkol sa mga naging girlfriend ng Kuya niya. Lapitin naman talaga ng mga babae ang Kuya niya. Kaya nang mag sumbong siya sa akin ay hindi na ako nagulat pa.
After she blows dried my hair, she tied it into a high ponytail. The next thing she did is she took out makeup from my vanity table's drawer. Hindi pa iyon natatanggalan ng cover at mga price. Hindi naman kasi ako mahilig mag make-up. Si Ate lang. Sa tuwing bumibili kasi siya ng kanya ay bumilibili din siya ng para sa akin. Ni hindi ko nga alam kung paano gamitin ang make-up, e.
"Mag mi-make-up pa ako?" I startle when I realize what she was doing.
"Ano ka ba? Minimal lang," she explained and continued to uncap the moisturizer.
"Uh... hindi kaya mahahalata ni Klaus na pinaghahandaan ko 'to ng masyado, Fe? Nakakahiya naman." I protruded my lips.
"Seah, trust me." ikinulong niya ang magkabilang pisngi ko sa mainit niyang palad.
Unlike me, Fe knows how to use make-ups. Hindi ko nga makalimutan noong grade 7 kami. Uso kasi ang lip tint no'n kaya bumili din siya mula sa iba't-ibang brands. Nasa comfort room kami no'n nang pagkatapos niyang lagyan ang labi niya ay ang akin na naman ang isinunod niya. Nasuka ako kasi nalasahan ko ang mapait nitong lasa.
Minimal make-up nga lang ang ginawa ni Fe sa akin. Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin ay hindi mahahalatang may make-up ako. Habang sinsuri ko ang mukha ko sa salamin, si Fe naman ay binuksan ang closet ko.
She took out my black and white checkered spaghetti strap bodycon dress from my closet. Nakasabit pa ang pangalan ng brand sa dress na 'yon, wala na ang price. Ito 'yung natanggap kong regalo last year sa Christmas party ni Ate at ng mga barkada niya. Hindi naman talaga ako sasali sana sa party nilang 'yon. Pero dahil may nan-trip sa akin sa mga barkada niya at isinali ang pangalan ko sa exchange of gifts ay napilitan ako.
I was so disappointed upon receiving this gift. It's none of my taste. Hindi ko din alam kung kanino galing dahil may rules. Tanging ang nakabunot lang sa'yo ang nakakaalam na ikaw ang nabunot niya. Sa bahay namin ang venue ng party na 'yon. Kanya-kanya kami ng diskarte. Si Auliver ang nabunot ko noon kaya habang abala sila sa backyard namin sa pag si-swimming ay sinamantala ko na ang paglagay ng regalo ko sa kotseng dala niya.
Itong gift namang 'to ay madiskarte din ang nag bigay. Pagkatapos na ng party ko pa 'to napansin. Nasa sahig lang kasi ito sa loob ng kuwarto ko malapit sa pintuan. Nakalagay siya sa isang designer paper bag. May card pa nga sa loob. At hindi ko makalimutan ang nakasulat doon.
I wish you wear this on one of the special days in your life! Merry Christmas! :)
-Love (,) u
P.S mas magandang basahin pag walang comma.
Iyon nga ang isinuot kong damit. I partnered it with my white sketchers.
"May problema ba, Fe?" I asked her when I noticed she's staring at my dress for so long.
Napakurap siya at agad na umiling.
"Wala naman. May naalala lang. Pero imposible 'yon." she smiled at me assuringly.
Bumaba na kami. I groaned when I forgot that my sister's friends are here. Nasa sala kasi sila kung saan ang dulo ng hagdanan. Maingay sila pero agad din namang tumahimik nang mapansin kaming dalawa ni Fe.
"Hala! Ikaw ba iyan, Seah?"
"Ang ganda mo, Se."
"Uy, kapatid ko 'yan."
"Wala na. Hugis-puso na ang mga mata ni Auliver!"
"Ganda!"
My cheeks flushed with their compliments. Hindi ako sanay na makatanggap ng sunod-sunod na pagpuri kaya nahihiya ako. Ibinuka ko ang bibig ko para sana magpasalamat nang biglang magsalita si Vico.
"You know how to wear dresses pala?" he innocently asked but the sarcasm in his voice is evident.
I glared at him but he just looked away and hide his smirk by sipping in his orange juice. Iiwas na sana ako ng tingin pero tila na glue ang mga mata ko nang makitang paglapag niya ng baso niya ay ininuman din 'yon ng babaeng katabi niya sa couch. 'Yung babae sa canteen last week!
Wow, ano 'tong bahay namin? Bahay-inuman lang? At iisang baso lang kayo?
Grr, so disgusting!
Nagpaalam na ako sa kapatid ko. Gano'n din sa mga kaibigan niya bilang respeto. Ipinahatid ko muna sa driver si Fe sa bahay nila. Pinilit siya ni Vico kanina na doon muna sa bahay pero ayaw niya. Kaya inihatid ko nalang siya sa kanila. She wished me luck before stepping out of the car.
I told the driver about the address of the restaurant Klaus and I planned to eat our lunch. I thanked him before stepping out of the car. Pagpasok ko nandoon na nga si Klaus. He's wearing a black designer shirt that fits him. Hindi ko makita kung ano'ng suot niya sa baba dahil nakaupo siya habang pinapasadahan ng tingin ang restaurant.
"Hi," geez, my throat dried after greeting him when I inhaled his masculine scent.
"You look... good." he breathtakingly admired without taking his eyes off me.
My face flushed. Mas mainit kumpara noong nasa bahay palang ako.
"Oh, thanks." I took my seat.
"Let's order muna," he calls for a waiter.
Kakaalis lang ng waiter pagkatapos naming sabibin ang order namin. An awkward silence caged us.
"Kanina ka pa ba d-dito?" I asked.
"Hindi naman. Kadarating ko lang din bago ka dumating," he answered. "Uh... oo nga pala. Si Ate Shally nandoon ba sa inyo?"
"Oo,"
"Ah, hinanap kasi siya ni Kuya Maui kanina nung nag VC kami sa bahay bago ako pumunta dito," he explains.
"Kamusta na pala si... Kuya Maui doon?"
"He's fine naman daw. Iyan ang lagi niyang sagot." he sighed.
"Bakit? Hindi ba?"
"He looked fine naman. Ang dami niya nga lang mga pusa doon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman 'yon cat lover bago umalis ng bansa." he chuckled.
"Si Kuya Harth. Ano nga ulit 'yung course niya?" I asked when I remembered their eldest cousin.
"Ship Captain,"
"Ikaw? Ano'ng balak mo?"
"I think... I'll be taking pol-sci," he answered.
Hanggang sa na i-serve na ang pagkain namin ay tungkol sa kanya ang naging laman ng usapan namin. I'm interested in the topic din naman lalo na't nadadagdagan pa ang kaalaman ko tungkol sa pamilya niya.
"Si Kuya Zacharry naman law 'yung kinuha."
"Oo nga pala, kasi lawyers 'yung Tita at Tito mo diba?"
"Oo, pero hindi naman si pinilit nina Tito. Siya mismo 'yung pumili."
"Si Ate Shally mo? Ano'ng balak niya?"
"Ma sekreto 'yon, e. Kaya hindi ko pa alam." he chuckled. "Hindi ko nga maalala kung may naging boyfriend na ba 'yon."
"Really?" hindi ako makapaniwala.
Maraming nagkakagusto kay Ate Shally. Junior high school pa man sila ni Ate ay marami na siyang manliligaw. Mas lalo ngang dumami nang nag senior high school na siya. At kahit ngayong senior high school na siya ay may nagkakagusto pa ring junior high sa kanya.
"Ikaw? Ano'ng course balak mo?"
"Med siguro." I looked away.
Napa-isip ako. Gusto ko ba talaga ang med? O ginusto ko nalang 'to dahil ayaw din ni Ate?
"Wow, that means you'll be the one to inherit the Vuilltraen Medical Hospital." he smiled. "It sounds good. It suits you."
"Pero... hindi pa ako sigurado." I chuckled.
"Ang sarap siguro ma-hospital lagi."
"Huh? Bakit naman?"
"Kasi ikaw din naman 'yung doktora." he chuckled. "'Yung kunin mo huwag 'yung pediatrician, a?"
Nakinig lang ako sa kanya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Kasi hindi naman ako babalik sa pagkabata, e."
"Pero... sige. Puwede na rin." he gave me an amusing smile. "I'll be your baby anyway."