Ikalawang Kabanata
WITH a throbbing heart; nanginginig akong tumayo para umatras palayo sa nilalang na unti-unting bumabangon mula sa kaniyang pagkakahimlay. Eyes piercing and wind getting colder and colder.
Sa kakaurong ko'y naramdaman ko na lang na ang likuran ko ay nakadantay na sa likuran ng nag-iisang punong nakatayo sa burol. Para akong tinakasan ng lakas sa kaalamang iyon. I am cornered!
"S-Sino ka?" I could feel the cold sweats formed on my skin. Halos 'di ako makatayo ng maayos dahil sa panlalata ng aking mga tuhod.
H-He can't be ... kanina lang ay naroon pa rin siya sa hukay, pero saglit ko lamang ipinikit ang mga mata ko ay nasa harapan ko na siya.
I'm terrified, not only with the fact that his odd dog-like ears on top of his head and his tails are creeping me out, but also ... he just stood up from death! Who wouldn't be creeping out!
"Anong 'sino ka'? Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong ng bagay na iyan sa 'yo?" Pinagtaasan ako nito ng isang kilay.
Bukod pa roon ay napansin ko ang unti-unting pag-iiba ng hugis n'ong itim sa gitna ng kaniyang mga mata. Ang mga mata niya'y kulay ginto kaya hindi mahirap matukoy iyon; kaagad na mapapansin.
I tried grasping for something ... for air! Hindi ko na magawang huminga ng maayos dahil pakiramdam ko'y 'pag narinig niya ang bawat kalabit ng aking paghinga ay maiirita siya ... tatapusin niya ako ng walang pag-aalinlangan.
Nanatili akong tahimik at hindi na magawang ipikit ang aking mga mata. I can't let my guards down! Kung pipikit ako, baka hindi ko na ulit magawang dumilat pa dahil nawalan na ako ng buhay.
Ang mataas na nilalang ay itinagilid ang kaniyang ulo.
"Sandali ... isa ka bang tao?" His ears perked up. Nakahalukipkip siyang lumapit pang lalo sa akin. Napakat kaagad ang aking likuran sa puno nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at nagsimulang suminghot-singhot.
"Amoy tao ka, mortal! Tao ka!" marahas niyang saad. "Ginambala ng isang taong tulad mo ang pagtulog ko? At ang hindi katanggap-tanggap ay nagawa mo pang hawakan ang aking tainga!" akusa niya sa akin na alam kong tunay naman.
"T-Tinitingnan lang naman kung totoo..." Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang mas lalong tumalim ang mga mata niya.
Kahit sino namang lumapit sa nakahimlay na katawan na gaya ng kaniya kanina ay mabubuhay ang kulikuti at susubukan siyang hawakan. It just happened that I'm one of those curious people! And who wouldn't be? Hindi siya normal na nilalang, kahit pa sa'n ko anggulong tingnan!
Matagal niya akong tinitigan. Ang mga mata n'ya ay mapagbanta.
Pagkatapos ng ilang sandali ay suminghap siya na para bang may napagtanto siya.
"Siguro ay narito ka upang nakawin sa akin ang perlas!" biglang sabi nito.
"A-Anong perlas?" tanong ko na mas lalo pa yatang nagpaigting ng kaniyan poot.
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kulay sa buo kong katawan nang itinaas niya ang kaniyang kamay para may hilahin sa kawalan. Parang may binunot siya sa hangin.
With that, a magic circle flashed around his wrist and in a matter of second, may matalim nang espeda ang ngayon ay hawak niya.
Ramdam ko ang pag-iipong bigla ng malamig na hangin sa iisang puwesto at lahat 'yon ay naroon sa kinatatayuan niya na siyang nasa 'king tapat.
May kakaibang awra sa kaniyang paligid. Malakas. Nakakapanindig-balahibo. Pakiramdam ko ay nakakakita ako ng kulay bughaw na puwersang nakapalibot sa kaniya.
"Kay kapal din naman ng pagmumukha mo para sumalakay at sirain ang mahimbing kong paghimlay ay 'di hamak na mortal ka lamang!"
Impit akong napatili nang itinapat nito sa akin ang dulo ng espadang hawak niya, isang kibot lang ay siguradong babaon ang talim niyon sa leeg ko. Maiigi akong nagsumiksik sa katawan ng puno sa 'king likuran at tahimik nang nagsimulang manalangin.
"H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo," nanginginig na sabi ko at mas tumingala nang lalo pa nitong itinutok sa akin ang espada niya.
Ang kaniyang mapuputi, mababalahibo, at mahahabang buntot ay tila naging matutulis na bagay na nagkulong sa akin sa pagitan ng nilalang sa 'king harapan at sa malapad na puno. Hindi ako makatatakas o makalalayo man lang sa ganitong lagay.
Itinaas na niya ang hawak na espada at mukhang bubuwelo ito sa paggapi sa akin. I tried closing my eyes, kahit ayaw ko man. Hindi ko alam na sa kabila ng takot ko ay hindi ko pa rin magawang maiyak o maluha man lang.
Pero lumipas ang ilang sandali ay wala akong naramdamang sakit sa 'king katawan. I tried feeling myself but nothing hurts. Nang magmulat ulit ako ng mga mata ay napatili na lamang ako noong makita ko ang taong-aso na kanina'y nakatayo sa harapan ko, ngayon ay nakikipaglaban na sa isang nilalang na hindi ko rin matukoy kung ano.
Gulat kong pinanood kung paano siya makipaglaban. Kung umakto ay parang isang beterano pagdating sa pakikipaglaban. Ang bilis ng bawat paggalaw ng nilalang na may taingang-aso, halos hindi ko masundan ng tingin ang pagkilos nito dahil sa sobrang bilis...
I know ... it's like ... he's familiar ... I already know him... somewhere...
One final slash and the tailed creature finished off the another odd creature in front of him. Ang katawan niyon ay parang sa tao, pero ang ulo nito't mga kamay at paa ay parang sa kabayo.
"T-T-Tik ... tikbalang ba 'yan?" Ramdam ko ang pagtataasan ng mga balahibo ko habang tinititigan ang unti-unting nagbabalik sa normal na mga mata n'ong taong-aso sa harapan ko.
Doon pa lang ay may nagliwanag nang parte sa 'king utak.
My hunch is right...
Kumukha niya ... kamukhang-kamukha niya ang taong-aso na inilarawan sa itim na librong ipinabasa sa akin ni Isaiya noon.
"W-Wao..." wala sa sariling sambit ko habang tinititigan ang mukhang tikbalang na pinatay niya.
Unti-unti ay parang abong sumasabay sa hangin ang labi nito hanggang sa wala nang maiwang bakas sa lupa na kahit na ano man. Hindi ko nga rin sigurado kung doon ba ako namamangha o sa katotohanang ... siya. He actually happened. He is real!
Ilang ulit akong kumurap. Still digesting to myself that a fictitious creature like him actually exists, and that it's actually standing right in front of me.
Kaagad na lumingon sa akin ang nilalang na may mga buntot. Ang sama, sama, ng tinging ibinabato niya.
"Ikaw ang may kasalanan nito!" muli ay sigaw niya sa akin. Halos mapasiksik na naman ako sa puno dahil sa gulat na sinigawan ako nito.
"A-Ano ang kasalanan ko sa 'yo?" nanlalaki ang mga matang tanong ko
All I did is touch his ... ear! Wala na!
"Paano mo nasira ang sagradong harang sa burol na 'to? Ngayon, marami pang mabababang uri ng nilalang na gaya n'yon ang magtatangkang pumatay sa akin," nagngingitngit na sabi niya.
Umiling ako ng makailang beses. Wala! Wala talaga akong alam!
Kalauna'y pinakalma niya ang nagngangalit na sarili. Alam ko't nasabi ko dahil ramdam ko ang pagbagal ng kaniyang hininga na kanina'y mabilis at marahas.
"Pero nakabuti na rin ang paggising mo sa 'kin. Tingin ko nga ay napasobra ako sa pagtulog," sambit niya.
Nag-inat ito at halinhinang binali ng pakanan at pakaliwa ang kaniyang leeg. Rinig na rinig ko ang nagtutunugang buto mula roon. Unti-unti ay tumalikod siya sa akin na hanggang ngayon ay nakapakat pa rin ang likuran sa puno.
"Hoy, mortal. Kung ayaw mong makatay katulad ng pangahas na nilalang na 'yon ay umalis ka na," marahas na sabi niya bago pumormang nakatapat sa kaniya ang espadang kaniyang dala. Sa isang iglap ay parang alikabok na nawala iyon. Its dazzling azure ember-like flew along with the passing air.
Nakapaa siyang humakbang pabalik kung saan ko siya nakita kanina at tinitigan ang kaniyang himlayan. Doon ko lang siya napagmasdan ng maayos dahil bahagya na itong nakatalikod ngayon mula sa paningin ko.
Ang itim niyang roba ay mahahaba ang mga manggas, sumobra na ang haba kaysa kaniyang mga braso. Ang laylayan niyon ay abot hanggang sa balakang niya. Ang suot niya namang itim ring pang-ibaba ay sakto ang haba hanggang sa itaas ng kaniyang sakong. Para siyang nabuhay sa sinaunang panahon ng mga Hapon.
"P-Paaalisin mo na 'ko? Hindi mo 'ko kakainin?" tanong ko.
I'm almost seemed relieve, but I can't let my guards down, still. Paano na ako kapag bigla na lang itong magpasya na kainin ako?
Nakataas ang isang kilay nito nang muli akong lingunin.
"Puwede ba? Hindi ako kumakain ng karne ng isang taong gaya mo!" lintaya nito na para bang diring-diri siya. "At isa pa, kung kumakain man ako ay hindi rin naman kita pagtitiyagaan. Mukha ka namang hindi masarap," asiwang dagdag pa nito at muling tinitigan ang may kalalimang hukay sa itaas ng burol.
I vein irked on my forehead, I guess. Bigla akong nainis. Dali-dali akong naglakad sa likuran niya at halos wala sa tamang pag-iisip na itinulak siya sa hukay niya.
"Walang'ya kang aso ka!" saad ko bago nakarinig ng malakas na lagapak. Doon lang yata ako natauhan.
Tinitigan ko siya at iyon ay naabutan kong napakawirdo ng puwesto niya doon sa hukay. Nakasayad sa lupa ang kaniyang mukha habang nakatukod ang mga kamay at tuhod niya. Ang puwitan niya ay bahagyang nakaangat.
Dumagundong ang puso. S-Sorry!
"Ikaw na mortal ka..." Dahan-dahan itong tumayo habang hawak ang mukha niyang napuruhan yata.
I trembled and backed away.
Nang mag-angat at magtama ang mga paningin namin ay may pangil na naman siya at ang itim sa gitna ng nga mata niya ay iba na naman ang hugis.
Sania! What have you done!
"S-Sorry! Sorry! Sorry! Sorry!"
Dali-dali akong tumakbo pababa ng burol, halos madapa ako sa pagmamadali. Hindi ko na iniisip ang mga aking pagbaba at tanging pagtakas ang mula sa galit na nilalang ang gusto kong mangyari.
But I was halted. Kahit gaano ko pa bilisan ay natigilan din ako sa pagtakbo nang may nakita akong aninong tumalon galing sa 'king likuran at sa isang iglap ay nasa harapan ko na naman 'yong nilalang na taong-aso.
My feet felt heavier than before. Seeing those eyes filled with nothing but fury ... paniguradong sa oras na 'to ay hindi niya na 'ko bubuhayin!
"Pinagbigyan na kita kanina, pero ikaw na mismo ang humiling ng kamatayan mo!" mapagbantang sinabi niya.
Dalawang kamay niya ang kaniyang iniangat sa ere. Magic circles flashed around his wrists. Sa isang kisap-mata'y dalawang espada ang kaniyang hawak-hawak. Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin habang nakaamba. Ang pagkislap ng mga mata niya ang huli kong nakita, bago ko tuluyang naiharang ang mga kamay sa aking sarili at pumikit...
Seconds passed and I didn't feel any pain.
Patay na ba ako?
"Ano ang liwanag na 'yan!" Mabilis kong binuklat ang mga talukap ko nang marinig ko ang mataas na tinig ng taong-aso. Pero imbis na siya ay isang kakaibang bagay ang bumungad sa akin.
Ang kanang palad ko ... may lumalabas na liwanag sa 'king palad!
Tinitigan ko iyong mabuti, bahagyang nalilito, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nawala na lang bigla ang takot sa 'king dibdid.
"A-Ano 'to?" pugto kong tanong. Nagparte ang aking mga labi at narinig ko ang pagsinghap ng nilalang sa 'king harapan.
"Ang sagisag ko..." mahinang aniya, I barely heard it. Umaangat ang mga paningin ko at tinitigan ko siya na paunti-unting lumalapit sa akin.
"Paano napunta sa 'yo ang sagisag ko?" tanong niya na siyang hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
Sagisag? Ano 'yon?
Tinitigan kong maigi ang aking nag-iilaw na palad.
Ano ba ang bagay na 'to? Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari! Parang nananaginip lang ako... Gusto ko nang magising!
Tuluyang nakalapit ang taong-aso sa akin. Sumara sa halos dalawang talampakan ang distansya namin sa isa't-isa. Ang kaniyang mga mata kaniya lamang ay galit, ngayon ay biglaang nagsilungkot. Pakiramdam ko'y may luhang tutulo roon.
Nagparte na aking mga labi ko nang unti-unti ay naging itim ang kanina'y puti nitong buhok. Ang kakaiba niyang mga tainga at mga buntot ay nawala rin na parang bulang sumabay sa paghipan ng malamig na hangin. Malamlam ang ginto niyang mga mata na balik na naman sa normal ang mga itim sa gitna.
N-Nagmukha siyang isang normal na tao.
Dahil sa paninigas ng katawan ko ay hindi ko na nagawang lumayo pa noong lumapit siya at unti-unting pinasadahan ang nakakakilabot na guhit na umiilaw sa 'king kanang palad. Umiilaw pa rin 'yon at tingin ko nga ay mas lalo 'yong nagliwanag noong hawakan niya ang aking kamay.
"A-Anong ginagawa mo..." Sinubukan kong tawagin ang atensiyon niya mula sa 'king palad, iwinagayway ko iyon sa harapan niya, pero sinundan niya lamang iyon ng tingin.
Bigla siyang umiling at suminghap.
"T-Tri ... ni ... dad..." narinig kong bulong niya bago ako hinila sa isang mahigpit na yakap.