Raven

Note: This story is originally named Raven but I changed it since it's not allowed to use a story title here with same title as the other story. Enjoy reading!

- - -

So you're still thinking of me

Just like I know you should

I can not give you everything, you know I wish I could

I'm so high at the moment

I'm so caught up in this

Yeah, we're just young, dumb and broke

But we still got love to give

Nakatitig lang ako sa text mo buong maghapon.

Aprilyn: 0910898****

Received: 12/22/**

Time: 8:40am

Good morning, babe. It's almost Christmas time! What's your plan? Should we go out of town? Go to the beach? Or just see a movie? Hope to see you soon. I love you 💖

Even with all these drugs I took, there's still this warm hand that caress my heart.

These fruit designed pillows on my bed are not helping either.

I took another sip of my daily dose of happiness and turn off my phone to shrug those thoughts away.

While we're young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb

Young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb broke high school kids

Yadadadadadadada

Yadadadadadada

Yadadadadadadada

Young dumb broke high school kids

I turn the volume of the speaker up and got lost with the music.

This is lit.

We have so much in common

We argue all the time

You always say I'm wrong

I'm pretty sure I'm right

The moment I close my eyes, memories flooded like pouring rain.

Bittersweet memories.

Nakaub-ob ang ulo ko sa desk kagaya ng dati. Nakakaantok ang subject namin kaya matutulog na lang ako. Hindi na ako sinisita ng mga teacher dahil nakakapagod na daw kaya hinahayaan nalang nila ako.

"Uhm, excuse me."

"Kuya..."

Narinig kong binati na ng klase ang teacher namin.

I don't care. Sanay naman na siya saakin. All teachers treat me like a ghost.

Nagsimula na ang klase at medyo papunta na ako sa malalim na tulog. Humihina na ang mga naririnig ko at parang hinihele na ako palayo sa malay tao.

Biglang may kumalabit saakin.

"Uy..."

Isang kalabit pa.

Hanggang sa nasundan ng isa pa.

Medyo may urgency na ang pagkalabit.

Asar akong napataas ng ulo para makita ang kung sinong pabibo na nanggising saakin.

Isang mainit na ngiti ang sumalubong. Napataas lang ang kilay ko sa babaeng kaharap.

"Bakit ka natutulog sa klase? Napuyat ka ba kahapon? Baka pagalitan ka ni Sir Belmonte."

May bangs ito na medyo nakatakip na sa mga mata. Maliit ang ilong, mapupungay na mata at may kaputian ang balat.

Plain.

"I'm Aprilyn Polly Sanchez, by the way. Nice to meet you." ngumiti ulit ang babae at lumabas ang dalawa nitong dimples na kakaiba. Nasa pagitan kasi iyon ng pisngi at mga mata nito. Parang sa pusa.

"So?" I replied with my pokerface.

This girl must be nuts for disturbing my sleep.

"So let's be friends. Bago lang kasi ako dito. I transferred yesterday." sagot nito na tila hindi alintana ang pambubuska ko.

I hate this girl.

"Shut up, okay?" sabi ko at saka muling bumalik sa pag-ub-ob sa desk.

"Okay." she said cheerfully.

She just boiled my blood even more.

What's fun about commitment?

When we have our life to live

Yeah, we're just young dumb and broke

But we still got love to give

"Raven Night Lim." someone whispered

Here we go again.

"Raven. Night. Lim."

Medyo pumipitik na ang ugat ko sa asar.

"Raven. Night. Raven. Night." she chants like she's so damn amused by it. "Nice name. Nakakafascinate."

Hindi ko siya pinansin kagaya ng mga nakaraang araw. Since that day after she transferred, she's annoying the sht out of me.

"Raven. Night. Raven. Night. So manly." she chuckled. "Hey." she poked me

Hindi ko siya pinansin.

"Right. Hey. Right." she keeps on poking me. Annoying. And what the hell is right?

Asar ko siyang hinarap. "What the fck?"

"Good afternoon, Right!" masigla niyang bati saakin.

"Right? What the fuck? Are you nuts or something?"

"No, I'm not nuts. I'm Aprilyn Polly Sanchez." she smiled like an idiot.

"Shut your freaking mouth."

"Then make me." panghahamon nito.

"What?" natawa ako sa sinabi nito. "Stop watching too much rom-com dramas. Noone is kissing you here."

Tumawa lang ito nang mahina, "I know. Sasabihin ko ba iyon kung alam kong gagawin mo talaga?"

"Annoying." I grunt, "How did you know my name and what the hell is right?"

"I took a peek on your ID. Oh. Right is short for Raven and Night. You know R plus Ight. Right." proud na proud na pagmamalaki nito.

"Stop calling me that, weirdo."

"Nope. I decided already." aniya saka ako binato ng maliit na unan na may watermelon na design.

"The heck?" napatitig ako sa unan habang siya naman ay naglakad papuntang black board para magsolve ng kung anong shitty math problem.

Binato ko ang unan sa upuan niya at muling natulog.

- - -

Natutulog ako as usual nang may maramdaman akong nag ipit ng kung ano sa pagitan ng ulo ko at desk.

Malambot.

Inis ko siyang hinarap, si Aprilyn. Sino pa ba?

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko. Vacant naman namin eh. Walang teacher kaya ayos lang.

"Ikaw." tinuro pa nito ang leeg ko, "Hindi ka ba nangangawit? Magkakastiff neck ka sa ginagawa mo."

Napatingin ako sa unan na banana design. Ito yung unan na gamit pag nagtatravel. Curve tapos nilalagay sa leeg pero unlike the usual, saging ang design nito.

I look like a fcking minion. With a fucking banana around my neck.

Napatingin ako sa gilid ng upuan ko na may iba ibang design ng unan na maliliit. Dala ito ni Aprilyn araw araw kasi baka daw kaya ko tinatapon dahil hindi ko nagustuhan ang design.

Sa lahat yata ng fruit design na unan  na dinala niya eh pwede na sigurong gumawa ng fruit salad.

Para hindi na siya magkalat pa, I decided to use the damn banana and get back to sleep.

I saw her smiled before closing my eyes.

Damn. Lunatic.

While we're young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb

As expected, the damn supplying of pillows stopped. But there's something wrong.

Lately, noone pokes me to wake up anymore.

No more chanting of 'Right'. No more pillows. No more preaching of do's and don'ts.

It's been three days.

It became unusual.

Today is the fourth, I look at her empty seat next to me. I overheard one of our classmate, "Bakit ang tagal yatang absent ni April?"

Sumagot naman yung isang lalake. I don't know their names, hindi naman kami close. Actually, wala naman akong kaclose dito sa klase.

"May sakit daw eh."

"Lagnat?" usisa nung babae

"Ewan." sabi nung lalake

"Kapitbahay niyo siya diba? Bakit ewan?"

"Basta sabi nung mama niya may sakit daw. Baka trangkaso kasi ilang araw na rin."

"Siguro."

Mga bobo naman nito mag usap. Nakakabobo tuloy makinig. Napatingin nalang ako sa mga unan na tinambak ko sa likuran ng room

Nagmistulang design iyon sa bookshelf.

Natapos ang TLE subject. Paglabas nung teacher, sumabay ako.

Gotta go for a smoke. Parang mas naging boring sa classroom. Ewan ko ba.

Dumiretso ako sa soccerfield ng school at doon umupo para tumambay.

Nagsindi ako ng sigarilyo at bumuga ng usok na pabilog pero heart ang kinalabasan, "The fuck?"

"Cutie."

Nagulat ako nang may magsalitang malambing na boses.

"Aprilyn?"

"Right, Right." tumawa ito na parang may naisip na nakakatuwang joke, "Redundancy."

"Wait, bakit nandito ka?" tinaasan ko siya ng kilay (in a manly way), "Are you following me?"

"Uy, ang assuming ha?" natatawa nitong sagot, "Nauna kaya ako. Finders keepers." parang bata nitong chant.

"Is that it?" napatango ako, "Bakit ka absent? All these times andito ka? You're not so goodie goody, I guess."

"Absent naman talaga ako nung mga nakaraang araw. Tinatamad lang ako pumasok ngayon kaya tumambay ako dito." sabi nito sabay bumuntong hininga.

"Who cares?"

"Right---"

"Raven! Tsk."

"Raven, whatsoever, I have a question."

"So what?" masungit kong tanong.

"Ah basta! Sagutin mo." pinalo niya ako sa braso at nagpatuloy, "Nag isip isip ako since Tuesday until now, ano kayang magandang course?"

Natawa ako, "Ang babaw mo ah. Nag absent ang goodie goody na gaya mo dahil lang diyan?"

"Stop calling me that. Ikaw ba, anong balak mo after senior high school? Grade 12 na kaya tayo."

"Ewan. Bahala na. Nakakatamad na kayang mag aral."

"Hindi ka naman nag aaral eh."

"Pero pumapasa ako." nakasmirk kong sagot.

"Yabang." irap nito.

"Ikaw, ano bang balak mo?"

"Uy! Interesado." siniko siko ako ni Aprilyn sa tagiliran.

"Tsk. Nevermind."

"Eto na nga. Sungit." biglang bawi nito, "Gusto ko maging architect."

Napalingon ako sa kanya nang may mapang asar na ngiti, "Weh? Magaling ka ba magdrawing?"

"Oo naman!"

"Tsk. I doubt it. Syempre sasabihin mo yan to assure yourself."

"Hoy! Grabe ka!" naglabas ito ng isang sketchpad sa bag at binigay saakin.

"Look! Ito ang dream house ko!" proud niyang ipinakita ang sketch ng isang bahay. Modern ang disenyo nito at mukhang made of glass mostly ang structure.

May mga design din kada kwarto, mula sala hanggang banyo. Napakamaingat ng pagkakadesign na para bang pinag isipan ng mabuti.

Tumingin ako sa mga mata niyang puno ng expectations, "Hmm.. Not bad."

"I told you!" tili niya.

Young, young dumb and broke

Young dumb broke high school kids

Yadadadadadadada

Yadadadadadada

Yadadadadadadada

Young dumb broke high school kids

After several weeks, absent ulit ng ilang araw si Aprilyn. Nagtext siya saakin, tinatamad daw siya pumasok. Pakitake down notes daw ng assignments tsaka pagawa ng excuse letters. Ang kapal talaga ng mukha.

Hindi ako nagsusulat ng para saakin tapos susulatan ko siya? Ano siya? Chicks?

Nagulat ang president ng klase namin at first honor din nang lapitan ko siya.

Balita ko sa mga tropa ko sa ibang section may gusto daw to sakin eh.

Pwede na din. Siguro from the rate of 0-10.

9.5 ang rating niya.

Not bad, right?

"Ano nga palang pangalan mo?" sabi ko habang tinatapik siya ng notebook ko na walang laman.

"H-ha?" nauutal nitong tanong.

Akala ko ba matalino to? Pangalan lang tinatanong ko eh?

"Your freaking name?"

"Ah... Kirsten. Kirsten Castillo." kumurap kurap pa ito pagkatapos magsalita. Talk about another weirdo.

Nilapag ko ang notebook kong walang laman sa desk niya, "Can you jet down all the assignments?"

"The.. What?"

"Assignments. Paki-answer na rin. Thanks."

"O-kay."

Easy. Nginitian ko ito bago lumabas ng room.

Napasimangot ako nang maalala ang babaeng iyon. Bakit ba kasi ang hilig umabsent? Daig pa ako eh.

Tsk. Aabsent absent tapos grade conscious naman.

I ditched my english subject. Boring naman kasi.

Habang kasama ko sa yosi break ang ilang tambay dito sa soccer field, napatingin ako kay Uriel, barkada ko na nasa College Department na. Dito rin nag aaral sa Clarkson University, "Uriel."

"Oh? Bakit Raven?"

"Pagawa naman ng excuse letter oh?"

Biglang tumawa sila Jiggs, Silver, Karaj at Yujin.

"Kailan ka pa nangailangan ng excuse letter ha? Sabog ka na naman no?" sabi ni Yujin.

"Gago ka, Yoj. Gawan niyo nalang kasi ako." binatukan ko siya, "Dami mo pang sinasabi eh."

"Gawan mo na, Uriel. Mas magaling ka sa grammar eh." sabi ni Yoj

"I agree. Pulpol sa english yang si Yoj eh. Magaling lang sa kwentahan."

"Oo na. Ano bang sakit ilalagay ko?" tanong ni Uriel.

"TB." sabi ni Jiggs sabay hagalpak nila ng tawa.

"Gago!" binato niya ito ng yosi pack. "Pwede yan kung para sayo yung excuse letter."

"Hahahaha. Mga gago, seryoso na." sabi ni uriel, "Ano ba lalagay ko, Koya Raven."

"Lagnat. Trangkaso. Basta kung alin yung mas kapanipaniwala."

"Trangkaso nalang, Uriel. Mas convincing yun." suggestion ni Yujin

Maam and Sir,

I would like to excuse my son, Raven Night Ferrer Lim for this day. He can't attend classes for the reason of having flu. He'll be attending as soon as he fully recovered his health.

Hoping for your consideration,

Belinda Lim.

"Ano, bro? Ayos na ba?" tanong ni Uriel matapos basahin ang sulat.

"Sounds great. Kaso may kaunting dapat baguhin."

"Wow. Ang choosy talaga nitong si Raven." palatak ni Silver

"Gago ka kasi Uriel. Dapat Sincerely Yours nilagay mo sa huli para cliché na cliché." banat pa ni Karaj

"Ulol niyo Silver, Karandol!"

Tumawa si Uriel, "Mga gago talaga to. Ano ba'ng mali?"

"Hindi kasi para sakin yan. Ibahin mo yung pangalan."

Natahimik sila sa kakaasaran.

"Eh para kanino?" sabay sabay na tanong ng mga ugok.

"Aprilyn Polly H. Sanchez."

Jump and we think - do it all in the name of love

Love

Run into sin, do it all in the name of fun

Fun

Whoa-oa-oa

Sabay kaming naglalakad ni Aprilyn papuntang room.

"Uy, thank you nga pala sa notes saka excuse letter ha?" ngiting ngiti nitong sabi saakin.

"Gago ka ba? Pinagawa ko naman iyon sa iba. Bakit ka nagti-thank you?"

"Maski pa. Nag effort ka parin mangblackmail sa kanila. Counted yun no."

"Ewan ko sayo. Bakit ka ba dikit ng dikit saakin?"

Napatingin ito saakin bigla, "Uy hindi naman tayo magkadikit. Ikaw ah. Nag iimagine ka ng kung ano ano."

Napasimangot ako sa pamimilosopo niya. "I mean, pati ba naman pagpasok sa school sumasabay ka."

"Ikaw kaya ang dumaan sa bahay. Eh pareho naman tayong papasok sa school edi sumabay nalang ako. May motor ka pa naman so mas convenient."

"You're a pain in the ass."

"Inano ko ba pwet mo?" saka ito tumawa na parang hindi awkward ang sinabi nito.

Baliw talaga.

Nasa upuan na kami ng room nang mapansin kong nakatitig siya sa likod ng room habang nakangiti.

"What are you goofing at?" asik ko

"Yung pillows. Did you bring it to your home?" nakangiti nitong tanong.

Napalingon ako sa bookshelf na ngayon ay wala ng mga fruit pillows.

Saan iyon napunta?

Inilabas ko ang banana pillow at nilagay sa batok ko at natulog.

"Look. You even brought the banana." she said looking so pleased.

"Yeah. Whatever. Shut up now, will you?"

"Yes, sire!"

"Good."

- - -

Naunang umuwi si Aprilyn dahil may pupuntahan pa daw ito kasama ang mga kapatid.

Nagsindi siya ng yosi at doon dumaan sa likod na gate ng school. Napadaan siya sa gymnasium at may napansin. Dadaanan lang sana niya ito pero may nakakuha ng atensiyon niya.

Mga estudyante lang naman ito na nasa freshman year sa college. Natutulog sa bleacher ng gym. Nothing unusual except sa mga gamit na unan.

Na may disenyong prutas.

'Those are mine.' bulong niya sa sarili. 'Aprilyn gave me those.'

Pumasok siya sa loob at marahang tinapik ang mga mukha nito gamit ang paa niya.

"Wake up, dumbasses."

Umungol lang ang mga ito at bumaling patalikod.

"Hey, fckers. Get up." medyo nilakasan niya ang sipa kay nagising ang mag ito.

"What the fck is your problem, kiddo?"

"Those pillows are mine." nginuso niya ang mga unan na gamit ng mga ito.

Tumawa ang ilan at hinagis sa sahig ang mga unan at pinagtatapakan.

"Are these yours?" sabi pa nito habang pinag iigihan ang pagtapak sa mga unan.

Nang madumi na ito, hinagis sa kanya ang mga unan.

Napapapikit nalang siya kada matatamaan siya sa mukha nang mga unan.

Pinulot niya ang mga ito at ipinatong sa bleachers sa likod niya.

Tumawa ang mga college thugs, "What a pushover."

Ngumisi ako sa kanila, "Pushover?" sabi ko bago sumuntok sa isa. Yung nagsalita.

"What the?!" utas nito sabay hawak sa dumudugong labi.

Nagsisugod ang iba at pinaligiran siya.

He can keep up when it comes to strength but he's outnumbered.

Fck that.

Marami na siyang tama. Malalakas ang suntok nang mga ito. He can take 5 or six but damn it. There's 12 of them.

Nagulat nalang siya nang may humatak sa kanya paatras at biglang magpaulan ng suntok sa mga 1st year college.

Nag inat inat pa ito ng braso bago siya nilingon.

"Getting rusty, Raven?" sabi ni Zackred, isang 4th year college business major, kakilala niya ito dahil minsan na silang nagkajam sa Cheers.

"Tsk. Fck you, Zackred."

"We got this, Raven. You're pretty beaten up." pinigilan siya ni Siam, kakilala din niya. Nasa circle of friends  ito nila Uriel.

"Beaten up my ass." sagot ko at akmang tatayo ulit.

May humila saakin paupo. "Let's just watch, Raven my man." si Mhyco pala.

"What are you doing here, Mhyco?" tanong ko dahil hindi naman ito nag aaral dito sa Clarkson University.

"Chillin." simple nitong tugon. Sa Campus Royalle kasi ito nag aaral. Kung elite school itong CU, mas lalo na ang CamRo. Exclusive iyon sa mga artista, anak ng politiko, modelo o ano pang mga VIP (paimportanteng tao) at nakakahilo ang tuition fee doon.

"You're not gonna help, Mhyco?" tanong naman ni Benjie. Barkada din ni Zackred.

"Nah. I'll pass." sabi nito habang naggegesture pa ng ayaw.

Nang makita ng mga first year students sila Zack ay nagsipag atras ang mga ito.

"No fun." utas ni Mhyco nang makita kung paano bahagan ng buntot ang mga freshman na iyon.

"Let's get going, then." sabi ni Benjamin.

"Sama ka samin, Raven. We'll go bar hopping." aya ni Zack bago lumabas.

"Next time nalang. Salamat nga pala sa back up."

"Anytime, weaksht." pang aasar pa nito bago umalis kasama sila Siam, Uriel, Mhyco, at Benjie.

Napatingin siya sa mga dugyot na unan at kinuha ang mga ito para pagpagin ang dumi.

Damn pillows.

I'm so high at the moment

I'm so caught up in this

Yeah, we're just young, dumb and broke

But we still got love to give

"Class, malapit na ang Senior High JS Prom. Make sure to find your partners, okay?"

"Yes maam."

"Okay. Class dismissed."

Patingin tingin ako sa paligid, absent na naman ba si Aprilyn? Bakit walang pasabi? Kainis naman oh. Lagi nalang absent.

"Uhm... Raven."

Napalingon ako sa tumawag. Napakunot ang noo ko, "Class President." sabi ko. Ano nga pala ang pangalan nito?

"Kirsten. Kirsten Castillo." pagpapakilala nito. Again.

"Ah yeah. Kirsten. What's the matter?" tanong ko habang nakapamulsa.

"Uhm. About the prom. Are you going to attend?"

Napangisi ako. I know where this is going, "I haven't decided yet but I probably won't attend."

"Ganun ba?" bagsak ang balikat na tumalikod ito.

Aprilyn: 0910898****

Received: 02/03/**

Time: 5:05pm

Hoy! Raven! Gala tayo. G ka?

Pagkabasa ko noon ay napangiti ako. Absent pero pag gagala present. Ayos din tong si goodie goody eh.

Me: 0948061****

Sent: 02/03/**

Time: 5:07pm

G. Pasaan ba?

Ilang segundo lang nang magreply ito.

Aprilyn: 0910898****

Received: 02/03/**

Time: 5:07pm

Bahala na. Hahaha sunduin mo ako sa kanto malapit samin. Doon sa may tindahan ni Tiya Bingka ha? See yah!

Me: 0948061****

Sent: 02/03/**

Time: 5:08pm

Ok

Ibinulsa ko na ang phone ko at dumiretso sa parking lot ng school, kinuha ang motor ko at umuwi para magbihis.

Nakasoot ako ng navy blue hoodie at brown na shorts. Medyo malamig na naman ang panahon.

Nandito ako ngayon sa tindahan malapit kina Aprilyn.

"Yo, Right!" masiglang bungad nito saakin.

"Ang tagal mo ah." reklamo ko.

"Sorry. Tumakas ako eh. Hahaha" eskandalosa itong tumawa.

Nag soot na ako ng helmet at hinagis sa kanya ang isa.

"Wear that." sinunod niya naman ako, "Tara."

"Okay." sumakay ito sa likod at yumakap saakin.

"Luh. Chansing." biro ko

"Oo naman. Jusko opportunity na ito no." sabi ni Aprilyn at tumawa ng malakas.

"Wala talaga sa vocabulary mo ang maawkward no?" tanong ko habang iniistart ang engine.

"Yeah. That's too old school." sabi nito at hinigpitan pa ang yakap saakin.

"I agree." nakangiti kong sagot.

Buti nalang nakatalikod ako sa kanya.

She could have seen me smiling like a fool.

"WOOOOOHH!!!" sigaw nito habang nakaunat na parang pakpak ang mga braso. "THIS IS LIFE!"

"Hoy, ang ingay mo. Nakakahiya." sita ko sa kanya.

"Eh bakit ba?"

"Okay lang sana kung umaandar yung motor. Eh andito kaya tayo sa gitna ng traffic. Ang daming tao oh?"

"Sus. Hindi naman nila tayo kilala. We're wearing helmet, remember? WOOOOOH!" sigaw ulit nito, "EM A POWER RANGER! POWER RANGER PINK!" tinuro pa nito ang pink na helmet to emphasize her point.

Napafacepalm nalang ako and thank my helmet fot saving me from this embarrassing moment of my life.

After getting off the traffic jam, we bought pizza and soda. Nandito kami ngayon sa fountain sa luneta. Tambay. Dito daw gusto niya eh.

"Bakit lagi kang absent ha?" sermon ko sa kanya.

"Bakit lagi kang tulog?" balik tanong niya.

"Nakakaantok eh. Wait. Binabalik mo lang yung tanong."

"Hahaha. Nakakatamad kasi." sabi nito at medyo tense na napainom nalang ng softdrinks.

Hindi ko na inusisa. Baka may problema lang sa pamilya.

"Right---"

"Raven nga sabi eh." pagtatama ko

"Balita ko malapit na prom ah?" she said out of the blue.

"Oh?"

"Wala lang. Last year kasi hindi ako nakasali eh." nakasimangot nitong tugon.

"Hulaan ko kung bakit."

"Sige nga. Bakit?"

"Absent ka." biro ko

Tumawa siya, "Malamang. Ang funny mo Koya Raven ah. Hihihi."

Pinalo ko siya sa braso. "Tigilan mo nga yang hihihi. Ang sagwa."

"Hihi."

"Stop."

"Hihihi."

"It's getting creepy. Okay?"

Tumigil naman si Aprilyn sa awa ng Diyos.

"Aprilyn."

"Po?"

"Aprilyn."

"Poo?"

"Aprilyyyn."

"Pooooo?"

Nagkatinginan kami at sabay tumawa.

"Luh." sabi niya bigla.

"Bakit?"

"Ang pogi mo pala."

"Ulol." napasimangot ako.

Tumawa siya at kinurot ako sa pisngi. "You're blushing. What the fck?! Raven is freakin blushing!" pang aasar pa niya.

Habang ako binubulabog ng mga paru-paro ang sikmura.

Nakakapanibago.

"Aattend ka ba ng prom?" tanong ko bigla.

"Uy. Change topic!"

"Aprilyn."

"Depende. Wala pa kasi akong partner. Ikaw ba?"

"Wala pa rin eh. Tayo nalang."

Natigilan ito at ngumiti.

"Okay. Tayo nalang."

Sinundot ako nito bigla sa tagiliran at nakangisi ng nakakaloko.

"Yiee! tayo na." tukso nito

Ngumisi ako at sinakyan ang pang aasar niya. "Gusto mo ba?"

Natigilan si Aprilyn. Parang natakot. Natakot din ako nang makita ang takot sa mga mata niya.

"Kidding! Hahahahaha!" I laughed my fears away. "You should've seen you face. Epic!"

That night, I decided to hid these butterflies inside me. Fearing it might drive her away.

While we're young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb

February 14

Nasa harap ako ng bahay nila Aprilyn, wearing white suit, waxed hair, rose in my suit's pocket, shiny black shoes, and these trembling hands.

Pinagbuksan ako ng mama ni Aprilyn.

"Come in, Raven. Aprilyn is ready."

Bumaba si Aprilyn sa hagdan as if on cue. Slowly walking down the staircase (para dramatic). Nang makababa na ito, kumindat ito saakin.

I swoon and pretend I almost faint. (kahit na totoo naman) ang ganda niya kasi.

Nakagown siya ng navy blue. May disenyo itong mga makintab na bato na nagmistulang bituin sa madilim na tela. Her gown is as majestic as her.

"Shall we?" nilahad ko ang kamay ko at mahinhin niyang nilagay ang kamay niya sa kamay ko...

Sabay hila saakin palabas.

"Bye mom! Bye dad!"

Natigilan siya nang makita ang convertible maserati ko.

"Holy moly! Yayamanin tayo, Raven ah!"

"Let's go." pinagbuksan ko siya ng pinto.

Pagkapasok ni April sa loob ay umikot na din ako para pumasok sa driver's seat.

May pinindot ako para mag open ang roof ng kotse.

"Omg! This is lit!" sigaw ni Aprilyn at tinaas pa ang mga kamay.

Habang nagdadrive, parang nagpiplay ang Passenger Seat sa utak ko.

Napangiti ako sa naisip.

Young dumb

Young, young dumb and broke

Young dumb broke high school kids

Habang nasa gitna ng dancefloor, wala akong makita kundi siya. Kasayaw ko, kaharap ko.

Siya na nangulit, nagtiis, at bumago saakin.

Ngumiti siya saakin.

"Ganda ko no? Naku. Small thing."

Siya na nagpapangiti at nagpapatawa saakin.

"Hala siya. Natulala na sa ganda ko."

Siya na nagbigay kulay sa mundo.

"Raven Night. Yuhoo."

"Let's go somewhere else?" aya ko sa kanya.

"Omg. Are we going to do 'it'?" may pilyang ngiti na naglalaro sa labi niya.

"Sorry to disappoint you. No." natatawa ko siyang hinila palabas ng Hotel Austria. Palabas ng venue.

Dinala ko siya sa isang mataas na lugar. Tanaw ang syudad.

"Raven?"

Pumikit ako. Huminga ng malalim.

It's now or never.

"I love you, Aprilyn Polly Sanchez." yumuko ako, "At first I feared it might scare you away but I'm sorry. I can't keep it anymore. I love you and I can't just keep it in me. All these butterflies in my stomach. Tonight, I decided to free them."

I looked at her slowly... Fearing what emotion her eyes might show.

When our eyes finally met, her hands cupped my cheeks and she lean to kiss me.

"I love you too, dumbass."

I pulled her close to me and taste what I craved for months. Her lips.

"Goodness, I love this girl!" sigaw ko na para bang maririnig ako ng buong Maynila.

"Yes! Tinubuan na ng bayag kaya nakapagconfess na si Raven! Woooooh!" sigaw din ni Aprilyn.

Natawa nalang ako. "Sad but true."

We laugh our heart out, we live our life, we love like there's no tomorrow that night.

And I couldn't ask for more.

Yadadadadadadada

Yadadadadadada

Yadadadadadadada

We graduated together. We spent the summer together. We were so happy.

Until Aprilyn finally dropped the bomb she's holding since the day she met me.

"Raven, I have Leukemia."

Nabitawan ko ang kamay niya. Natakot ako. Nakita ko siyang umiyak for the first time since I met her.

Kaya pala lagi siyang absent. Kaya pala madali siyang magkapasa. Kaya pala lagi siyang tulala.

For the first time, natakot akong mahalin siya.

"Raven, ayoko pang mamatay. Tulungan mo ako."

Natakot ako dahil hindi ko siya kayang tulungan.

Natakot ako kaya bumalik ako sa mga bisyong tinalikuran ko nang makilala ko siya.

Natakot ako kaya siya naman ang tinalikuran ko.

Natakot akong maiwan kaya ako ang nang iwan sa kanya.

Young dumb broke high school kids.