Chapter Eight

HINDI NA maipinta ang mukha ni Miss Yannie habang titig na titig sa monitor na konektado sa camera ng photographer. Nakakailang shots na sila ngayong araw ngunit tila walang makaabot sa hinahanap ng boss niya. Kaninang umaga ay hindi na sila pinadaan ng office at pinadiretso na sa rancho ng mga ito sa Quezon para maayusan si Anton at makapagsimula na sila, mabuti na lang at hindi gaanong mabigat ang traffic kaya walang gaanong naging aberya sa kalsada. Tahimik lang rin ang binata habang biyahe, siya naman ay kinalimutan na ang hiya at itinulog ang kahabaan ng biyahe nila. Ginising na lang siya ni Anton nang makarating na sila sa Villa Arevalo, isang 200-hectare piece of land sa timog na bahagi ng CALABARZON.

"Erin, I'm sorry, but what the hell is wrong with him?" hindi na napigilan pang bulalas ni Miss Yannie.

Nakagat ni Erin ang dulo ng daliri habang kinulimbat ang isip ng maaring isagot sa boss niyang pihikan. Kung siya ang tatanungin ay okay naman ang mga kuha kay Anton. He's hot, in a rugged kinda way. Lalo na't pinasuotan ito ng leather pants at binuyangyang ang matipuno nitong dibdib para sa mga kalahi ni Eba na katulad niya. Ang ambush photoshoot na shinu-shoot nila ngayong araw ay para sa isa sa mga lifestyle brochures lang ng magazine line ng kumpanya pero may pakiramdam siyang mas bebenta ito kaysa sa main magazine na ilalabas nila ngayong buwan dahil sa tindi ng karisma ng modelo nila sa cover, walang iba kundi si Anton. I'm not even biased, Anton is like a natural model!

"Eh, Miss Yannie. Hindi pa kasi nag-aalmusal iyang si Anton. Break muna tayo?" nakangising palusot niya sa supervisor niya na napilitan ring pumayag. Nilapitan ni Erin si Anton na kasalukuyang nagsusuot ng tshirt. "Hey," bati niya nang nakangiti.

"Hey," sagot nito.

"Okay ka lang? Hindi ka pa gutom?"

"I'm alright. Nagustuhan ba nila yung shots? Can we go?"

Kahit diretso ang ekspresyon ng binata ay ramdam na ramdam ni Erin na alanganin ito sa tapat ng camera. She can't blame him, Anton is clearly not the type who loves the limelight. Kaya agad na sinundot siya ng kanyang konsensya dahil napilitan itong maging modelo nang isang araw dahil sa kanya.

"Just a bit more and I think we're good to go, pihikan lang talaga si Miss Yannie. Pasensiya ka na ha, naabala ka tuloy ngayon."

"It's fine. Hindi lang ako sanay nang maraming mata ang nakatingin sa akin."

It's adorable how he looked so embarrassed, parang gusto siyang bigla na lang yakapin ni Erin at sabihing Aw, okay lang yan. Ang pogi-pogi mo kaya! It's also refreshing to see how unassuming he is with his looks. Naku, kung ibang lalaki siguro iyan, baka abot langit na ang confidence.

Ginagap ni Erin ang kamay ni Anton at sinalubong ang mga mata nito, "Ganito nalang. Papalitan ko yung isang tagahawak ng reflector para kahit papaano may kasama ka doon sa gitna. Okay ba 'yon?"

"You'll do that?" nabahiran ng kislap ang mga mata ng binata mula sa sinabi ni Erin.

"Oo naman, lakas mo sa'kin eh."

Anton smiled. Parang nanigas ang mga panga ni Erin nang makita ang full-blown smile ng isang Anton Avila, tinago niya ang pagkabigla sa pasimpleng pagtikhim at pagkurap-kurap para kahit paano'y magising ang tila nagshort-circuit niyang utak. 'Eto naman kasing lalaking 'to, bigla na lang ngumingiti nang hindi nagpapasabi. Hello, may sakit kaya ako sa puso.

Naputol ang munting moment nilang iyon nang tawagin na silang muli ni Miss Yannie. Nilapitan na si Anton ng mga wardrobe assistants habang siya ay nahanap ang mga paa palapit sa isa sa mga production assistants, "Greg, ako na muna diyan." aniya na tukoy sa hawak nitong foldable reflector.

"Naku, Erin, salamat ha. Yosing-yosi na ko kanina pa eh."

Tumango ito habang siya naman ay pumwesto sa ibabang bahagi ng lente, harap mismo ng modelong kukunan. Hindi nagtagal ay lumapit na rin si Anton upang magsimula na ulit ang shoot. Sinenyasan niya itong huminga ng malalim at nagthumbs-up para pampagana.

"Okay, man, I need you to look from afar. Yup, on the left...Perfect. Do a little smize for me please...alright! Keep going!"

Kapansin-pansin namang naging mas at-ease si Anton habang sinusunod ang sinsabi ng photographer, malimit rin itong sumulyap sa gawi niya na tila ba kailangang makita siya nito para tuluyang kumalma. At noong hiningan ito ng shot na kailangang nakatingin sa baba, he didn't take his eyes off her. So did she. Naghinang lang ang mga mata nila sa loob ng halos tatlong minutong kinukunan ni Vin ang anggulong iyon ng binata.

"That's the look! That's what I wanted to see!" napakislot si Erin sa gulat nang bigla na lang sumigaw si Miss Yannie. Nilingon niya ito at hindi masukat ang tuwa sa mga mata nito habang palapit ito sa photographer. "I need you to give me more of something like that, Vin."

"I can't give you something like that." Natawa si Vin bago ibinaling ang atensyon pabalik kay Anton, "Only he can."

"Anton, right? I need you to do that again." utos ni Miss Yannie.

"What?" confused na tanong ni Anton.

"That look you just made. Like you want to kiss someone terribly." Nilingon ni Miss Yannie si Erin na nakatalungko pa rin at hawak ang reflector, "Erin, stand right there." utos pa nito. Tumayo si Erin sa may tabi na ngayon ng lente, eye-level ng modelo kaya mukha itong nakatingin sa camera. "There. Look at Erin like you wanna kiss her. Ready? Okay, shoot."

Teka...

Ramdam ni Erin ang pag-iinit ng buong mukha niya, maging ang maliliit na butil ng pawis na nagsisimula nang mabuo sa tungki ng ilong niya. Hindi siya mapakali, lalo na ngayong ilang pares ng mga mata ang nakatutok sa kanilang dalawa ni Anton. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na malaman ni Erin kung paanong titindig sa harapan ng binata. Sinubukan niyang huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili, hanggang sa tuluyang hinayaan niya ang sariling salubungin ang maiinit na tingin ni Anton. Wala sa sariling napalunok siya at napansing pigil pala niya ang paghinga. Bahagyang umawang ang mga labi ni Anton at lalong namungay ang mga mata, tila bahagyang nanlambot ang tuhod niya nang pumasok sa utak niya ang larawan nilang dalawa habang totoong hinahalikan siya nito. Ang pakiramdam ng mga labi nito sa mga labi niya, ang init ng haplos ng mga palad nito habang nakalapat sa...

Hoy, Erin!

"And cut! I think we got it! Good job, everyone!"

Aware siya sa sinigaw ni Miss Yannie bilang pagtatapos ng shoot ngunit tila parang napako pa rin siya sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Ang pagwawala ng kalooban niya ay biglang napalitan ng guilt. She suddenly felt guilty about 'seeing' Anton this way, guilty about how un-platonic he made her feel. It didn't feel wrong but it's not right either. Agad siyang binaha ng pagkahiya nang sakupin ng maamong mukha ni Andrew ang isip niya. Si Andrew, ang boyfriend niya, na napakabait, napakabango, napakaguwapo at nagiisang kapatid ng lalaking dahilan kung bakit pulang-pula pa rin ang mukha niya.

Diyos mio, Erin! Kailan ka pa naging malandi??

Ano nang gagawin niya? Hindi siya tanga para dedmahin ang atraksiyong nararamdaman kay Anton. It has been rooted ever since the night they first met, she knew that, pero paano iyon? Alam rin niya sa sarili niyang mahalaga sa kanya si Andrew at masaya siya rito. Can she like two people at once? Ang unfair naman na ientertain niya ang ganitong mga thoughts kung may boyfriend na siya. It's unfair to Andrew and to their starting relationship. What's wrong with me! What she and Andrew has is something good, something nice. Finally, she's letting herself experience and actually enjoy something nice for once in her life. Ano'ng ginagawa niya? Sinasabotahe niya para ano? Para sa isang lalaking masarap tumitig, tipid ngumiti pero lagi siyang pinakakaba?

This shouldn't be right. Why don't I feel wrong?

Clouded in self-loathing, hindi na nga napansin ni Erin na nakapagligpit na halos ang mga kasamahan nila at handa na para makabalik sa opisina. Kailangan niyang makalayo muna kay Anton para ayusin ang sarili niya, Hindi tama ang makaramdam ng ganito sa kapatid ng boyfriend niya.

"Are you ready to go?" boses ni Anton ang narinig ni Erin sa gawing gilid niya.

Halos tumalon siya palayo rito, hindi sa gulat kundi sa abnormal na reaksiyon ng katawan niya tuwing nasa malapit ito, "A-Ah, eh, Anton, a-ano kasi, sasabay na lang ako sa van. K-Kailangan ko pa kasing dumaan sa office."

"No, it's okay. Hatid na kita."

"N-No! I mean, okay lang talaga, Naabala na kita nangg bongga ngayong araw."

He pursed his lips but eventually agreed. Mukhang may gusto pa sana itong sabihin ngunit may kung anong nakita sa mukha ni Erin kaya pinili na lang manahimik. "Alright. Mauna na 'ko." Iyon lang at tumalikod na ito at naglakad pabalik sa sasakyan nito.

Tahimik naman siyang pinanuod ni Erin, ramdam ang pagbagsak ng kung anong imaginary weight sa kanyang sikmura.

Yes, walk away, please.

"DR. ALFONSO," untag ni Anton sa kabilang linya. Tinawagan niya ang cardiologist ni Erin habang tahimik na binabaybay ang daan pauwi para makabalita. "How are we going with Erin's surgery? May schedule na ba?"

"Yes. In two weeks' time, Erin will have a new heart. I'll let her know the lab results tomorrow morning," sagot ng doktor.

Tumango-tango siya bago nagpasalamat at pinatay na ang tawag. He needed that to wound his mind back to his original plans. Sa loob kasi ng kalahating araw na nakasama niya si Erin ay nagawa nitong lituhin siya sa kung anong gusto niyang mangyari. Few hours ago, he almost jumped the space between them and kissed her senseless. It's probably one of the few times he felt as impulsive as that, at bihira sa kanya ang makaramdam ng ganoon. With Erin, there is this imaginary force that deliberately pulls him towards her. It's driving him nuts. Kaya naman nang magsabi itong hindi na sasabay ay hindi na siya nagpilit, maybe they need some space. Lalo na in two weeks ay tuluyan na niyang makakamit ang pinakarason bakit ginagawa niya lahat ng ito, walang puwang ang distractions. Especially cute and kissable distractions that look even cuter under the afternoon sun.

Tumunog ang telepono niya, si Andrew ang tumatawag, "Hey."

"Hey, man. Magkasama ba kayo ni Erin?"

"Kanina. Sumabay siya sa company van nila nang pabalik na kami after the shoot, why?"

"Oh, good. Where are you?"

"Laguna."

"Great! I'm in Nuvali. Meet me here."

"Why?"

"I'm ring shopping."

"Huh?"

"I'm buying a ring."

"What?!" Anton did not expect this rapid turn of events between Erin and his brother. Parang—No—literal na sumikdo ang dibdib niya sa gulat. "Andrew, you're not serious."

"Why not? She's amazing, I'll be an idiot to let that girl go."

True. "Gaano na ba kayo katagal ni Erin?"

"Three weeks?"

"Three weeks! Andrew, as far as I remember between the two of us, I'm the impulsive one."

"Yeah, so? Marrying Erin may sound impulsive but, man, I really am in love."

Tahimik lang si Anton sa kabilang linya, walang alam isagot sa sinabing iyon ng kuya niya. Andrew sounded happy, at sa tagal na panahong kilala niya ito parang ngayon lang niya nakita itong ganito kasaya. And isn't what he wanted when he first heard about the thing going on between Erin and his brother? It's illegal to even think that they both aren't perfect for each other. But it just didn't feel right for Anton. Para bang may sumapi sa kanya na gusto niyang dikdikin na parang pako si Andrew kung nagkataong nasa loob lang rin ito ng kotse kasama niya. Naikuyom niya ang dalawang palad habang hawak ang manibela at pinigilan ang sariling magmura. His insides were screaming What the fuck?

Unconsciously, he pressed his foot down the accelerator and wished he could somehow fly to those ring shops in Nuvali and set them on fire.