Epilogue

Napuno ang bulwagan ng tahimik na mga bulung-bulungan, pinatawag sila ni Marco para sa isang pagtitipon. Tuwing matatapos ang isang millenia, may anim na bagong miyembro silang 'isinisilang muli' upang tanggapin ang The Oath na tinatawag nila. Isa itong mabigat na responsibilidad para sa mga napiling iilan upang panatilihin ang balanse ng daigdig, at kabilang sa bagong anim na ipakikilala ay si Andrew Zachary Avila.

"Hey, man," bati ng binatang katabi ni Andrew sa umpukan nila. "I'm Leo."

"Andrew, pare," sagot niya at nakipag-kamay.

Looking around, para lang silang mga empleyado sa normal na establisimyento sa mundo. They are men in suits and hats, nothing spectacular. Pero alam niya, sa oras na pumayag siya sa pagiging bagong kasapi ng Balance Bureau, ang salitang 'simple' ay mababahiran ng panibagong kahulugan. Hindi niya alam kung paano siya napili at kung paanong proseso ang ginagawa ng sino mang namamalakad sa kanila para malaman na karapat-dapat silang sumali sa Bureau. Ngunit wala siyang pinagsisisihan. Alam niya at nararamdaman niyang, sa wakas, masaya na ang kapatid niya. Iyon lang naman ang mahalaga para sa kanya. All he wanted was to see Anton appreciate life and realize he is as worthy as anyone else.

Huling misyon ang tawag ng Bureau sa huling bagay na gusto mong makamit bago tuluyang burahin ng mga ito ang alinmang bakas nila sa mundo. Mananatili sila sa mga alaala ng mga taong mahahalaga sa kanila subalit para sa mga taong iyon ay wala na sila, patay na at hindi kailanman babalik pa. Iyon marahil ang kailangan ng mga pamilya nila upang tuluyang matanggap na may bago na silang inakong responsibilidad, bagong lugar at dahilan sa mundo na walang sinuman ang makakapagpaliwanag kundi ang Chairman—ang tinuturing nilang pinakamataas at siyang namamalakad sa kabuuan ng Bureau. Andrew heard nobody ever really met the guy, they can only hear stories from some guy who worked for a guy who knows some guy who worked for a guy who, in fact, worked with a guy who apparently heard some story about the Chairman.

"How was your last mission?" Leo asks, attempting conversation.

"It was good. I did good," simpleng sagot niya.

And he really did. He expected it to end sooner than how it turned out but they did good. Kung marriage proposal lang pala ang tuluyang makakapagtulak sa kapatid niya para umamin kay Erin, sana pala'y noon pa niya iyon ginawa. All those years, he waited. He watched over Anton as Anton watched over Erin, thinking the woman is just a means to an end. His end. It broke his heart when Alvin—Mr. V, as his patients call him—told him when Anton asked, no—begged, to let Erin have his heart. That's how much he hated living, he was willing to die for a complete stranger. That was when Andrew knew what he needed to do.

Kaya habang abala si Anton sa pag-aakalang inaayos nito ang lahat para sa planong pagbibigay ng puso nito kay Erin, ay siya ring ginawa niya. Kinausap niya maging si Dr. Alfonso, na siyang cardiologist ni Erin, na hayaan lang ang kapatid na akalaing ang lahat ay naaayon sa plano nito. Maging si Flynn, na abogado at kaibigan ng kapatid niya, ay hindi alam ang tunay na nangyayari. He needed Flynn to be as clueless as Anton to keep his own plans from failing. And it worked. Everything worked out the way he wanted them to.

"So what are we now?" tanong ulit ni Leo. Nagkibit-balikat siya dahil hindi rin niya alam ang isasagot rito. "I mean, I don't know about you but I actually died. My family buried my body." dagdag nito.

"Maybe we're ghosts," sagot naman ng isa pa nilang kasama sa maliit na grupo nila. "I'm Calebb, with two B's," pakilala nito.

"Ghosts?" tanong niya.

Gaya ni Leo ay namatay rin siya. Nakatakda siyang ilibing isang linggo matapos ng operasyon, pinalabas niyang brain cancer ang ikinamatay niya para maiwasan na lang ang maraming tanong. Tanging si Alvin ang may alam ng totoo. Nagulat pa siya noong una subalit tila alam nito ang existence ng Balance Bureau, kung bakit ay hindi na niya inabala pang tanungin. Ipinagpalagay na lang niya na sadyang dalubhasa ang butihing doktor kaya hindi na mahirap para rito ang maintindihan ang naging rason niya para gawin ang lahat ng iyon.

"In a way, yes. Ghosts. Astral Forms. Somewhere in there, I think that's what we're called now," sagot ni Calebb.

Naputol ang pag-uusap nila at parang may dumaang anghel nang biglang natahimik ang buong bulwagan. Nang lingunin ni Andrew ay nakita niya si Marco na diretsong nakatindig sa likuran ng ross room at naghahanda para magsalita.

Marco is the one who recruited him, maybe he's also the one who recruited the other guys. There are a lot of things he still doesn't know about this new role but he couldn't find it in him to leave. Pakiramdam niya'y ipinanganak talaga siya para rito, ito ang dahilan niya sa mundo.

"Gentlemen," Marco addressed the hall. "After another millenia, here we are again. And before I start this assembly, let me address the six new members of the force." Nilingon ni Marco ang gawi nila at tinanguan sila bilang pagkilala.

"Welcome to the Balance Bureau."