Scent POV
Masayang kasama si Brendalyn sa pamamasyal.Sobrang madaldal ito, pero may kwenta naman ang pinagsasabi.
"Naku Scent alam mo bang marami akong ka chat na foreigner. May Amerikano, Australyano, Hapon, Koreano, Thailander, Aprikano... Basta ang dami nila."Inisa -isa pa nito gamit ang daliri."Pero alam mo ang pinakagusto kong kachat sa kanila, walang iba kundi si Daniel. "Kinikilig pang kwento n'ya. Akala mo ay humigop ng maasim na sabaw at kulang na lang magsabi ng 'asim-kilig'.
"Sino naman si Daniel at taga saan? Naku mag iingat ka sa mga 'yan. Mamaya nyan scam pala 'yan" Kinurot ko s'ya sa braso."Huwag magpapaloko lalo na sa online dating na yan okay? "
"Naku si Daniel isa syang haft-haft. Basta Scent ipapakilala ko s'ya sayo balang araw.Saka promise di s'ya manloloko. Pinadalhan n'ya na nga ako ng gift."
"Hay naku ang gulo mo.Tara na nga at ituloy na natin ang pamamasyal. Alam mo Brenda, nakatipid talaga ako ngayon sa pamamasyal ."
"Eh kasi naman hindi ka na nagbayad ng tour guide. Kasi ako sapat na diba? "Natatawang sabi n'ya sabay ikot na parang Miss Universe contestant. "Well, maiba nga ako. Nasaan ba ang boyfriend mo? Haft-haft din ba s'ya? "Nagsimula nang magtanong si Brenda, syempre umiwas ako.
Plastik na ngiti ang isinukli ko sa tanong n'ya. Sa dami ba naman kasi ng pwedeng itanong bakit about boyfriend pa. Kaya nga ako nandito para makalimot.. para makamove on! Makamove on sa taong lihim kong minamahal pero hindi naman ako mahal dahil may iba na s'yang mahal. Kailan ko ba makakamit ang inaasam ko na sana pag gising ko kinaumagahan, wala na yung feelings ko for Zion and handa na akong tumingin sa iba. Sa ibang lalaki na mahal ako at mahal ko rin.
"Bakit ka natigilan dyan? Don't tell me broken hearted ka? "
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Intregerang palaka ka talaga, Bren, "sabay tawa ko pa,tawa ng kaplastikan. "Hindi ako broken hearted. Paano ako mabo- broken hearted eh single ako saka wala talaga akong boyfriend. "
"Naku hindi reason yan.Malay mo may natitipuhan ka tapos di ka naman pala gusto."
Sapol! Anong alam n'ya about me? May source ba s'ya? Sino? Hindi naman ako nagkwento sa kanya. O baka naman manghuhula ang Brenda na to. O baka naman talaga nagkataon lang at ganun din ang nararamdaman nito.Pwede din naman siguro! "Hay naku umuwi na tayo at mukhang uulan na. "Pag iiba ko ng topic.Mas okay nang umiwas kaysa ganito naman na nasasapol ako.
"Sayang naman marami pa sana tayong papasyalan. Pero dahil nga uulan, sige uwi na tayo. "
No choice talaga s'ya dahil ako at ako pa rin naman ang masusunod sa aming dalawa. "Pasensya ka na Bren ah. Basta may follow up pa itong pamamasyal natin. "Salitang hindi paasa para sa taong hindi marunong magpaasa. Pero ang katulad ko ay nawawalan na ng pag asa na makakilala ng taong magiging rason para mapalitan sa puso ko ang katulad ni Zion.
"Ano nga bang meron ka Zion na hindi ko makita sa iba? Bakit ikaw, bakit puro pangalan mo pa rin ang iniisip ko? "Napaupo na lamang ako sa ilalim ng malagong puno at saka ko lang narealized na malakas kong nasambit ang mga salitang iyon.
Tiningnan ko si Brenda.Ang mga mata nito ay tila nagtatanong na nakatingin sa akin. "Oy Brenda, practice lang yon. Mag aaudition kasi ako. "Pero mukhang hindi convincing ang paliwanag ko kaya hinabaan ko pa ang explanation.
"Naku Scent lokohin mo yung lolo ng lolo mo pero ako hindi. Alam kong based sa experience kaya nasabi mo yan. "