Chapter 28

Chapter 28

"Nathannnnn!!! Wahhhh! Na miss kitaa! huhuhu, Ang tagal mong nawala dito sa Office natin! Ang lungkot ko tuloy! Wala akong kasama dito, buti nalang talaga bumalik kana!" Pag dra-drama ni Mia kinabukasan.

Napa iling nalang ako dito sa babae talagang ito, dahil kahit naman naging Assistant ako ni Mr.Soyu ng ilang weeks ay sya parin naman ang kasabay ko minsan mag Lunch. At minsan panga ay dito ako naka tambay kapag napapadaan.

"Mia, Wag kang OA. Nag lunch nga tayo Wednesday sa Canteen eh, Sabay 'din tayong umuwi kahapon. Paano mo'ko na miss dyan?" Loko ko sa kaibigan habang binababa ang laptop at bag sa desk ko.

Napa-pout naman siya sakin bago tanggalin ang nakalingkis nyang dalawang braso sa kaliwa kong braso. "Eh, kahit naba! Ang lungkot ko kaya dito, dahil mag isa lang ako! Ikaw ang sama-sama na ng ugali mo. kasama-sama mo dyan kay Mr.Park, Nag mana kana sakanya!"

Sa sinabing nyang iyon ay napahinto ako sa pag open ng LapTop ko. Naalala ko kasi ang kahapong eksena namin ni Mr.Soyu sa kanyang opisina.

Dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako lubos na makapaniwala na nasagot ko ng ganoo'n si Mr.Soyu! Ano kayang nakain ko, that time sa tanghalian namin para magkaroon ako ng ganoong dami ng tapang sa katawan?

Hayst. Bahala na nga! Tapos naman na! Wala na akong magagawa, Hindi naman na kami nakapag usap kahapon about doon dahil agka balik ko sa Office niya ay wala na siya, dahil may Board Meeting daw si Mr.Soyu sabi ni Ms.Kim sakin ng makasalubong ko ito sa hallway papuntang Meeting Room.

Kaya ang ginawa ko nalang kahapon ay nag linis-linis sa Office at ng matapos ay kinuha kona ang mga gamit ko at umuwi, Eh, Saktong pa-uwi narin si Mia, kaya ayon. Nag sabay nalang kami pauwi.

Noong gabi naman hindi kona naisip ang bagay na iyon, dahil mas nag focus ako sa sequent ng ending ng storya ko dahil kagabi ko pinublish ang epilogue ng akdang sinusulat ko, kaya ngayon ko lang naalala ang lahat!

Tsk. Bala na kung nagalit ang bakulaw nayon sakin. Wala akong paki dahil kasalanan niya naman! Ptch.

"Hoy Nathan Ramirez Castillon! Kinakausap kita! Ikaw talaga nag iba kana! Dimo na ako pinapansin ngayon grabe ka!" Hampas ni Mia na ikina tanggal ng pagka space out ko. Tiningnan ko siya ng inis. "Mia ano ba! Tumigil ka nga at mag trabaho nalang tayo! Wag kang mag-isip ng kung ano dyan, dahil ako parin to." Sabi ko pa sakanya na ikinairap niya nalang bago tumungo sa table niya at sundin ang sinabi ko. Pero later on,

"Mr.Park humanda ka sa'kin, Ang kapal ng mukha mong impluwensyahan ang kaibigan ko ng ka demonyohan mo, huhu, lagot ka talaga sa'kin kapag naghirap ka. Ako unang babangas sa'yo."

"Mia," Sita ko dahil naririnig ko ang pag bulong niya ng kung ano-anong kutya tungkol kay Mr.Soyu. Para syang mang kukulam.

"Ano!? Wala na nga akong ginagawa pinapagalitan mopa ako! Grabe kana Nathan ah! Paka Bad mona talaga! Bad Dog! Bad Dog!" Ngawa ni Mia habang pinag babato ako ng mga papel na kanina ay pinipirmahan niya.

Napatawa ako habang nakasalag sa mga pinag babato niya. "Hoy Mia! Ano ba! Stop this. Bata kaba!? Sabi ko ako parin to, diba?" Tawa-Tawa kopa na mas lalong ikinaasar ng kaibigan kaya pinag patuloy niya lang ang pag babato ng mga papeles.

Hay, Siguro ay mas ok nang kasama si Mia kesa kay Mr.Soyu pagkatapos ng nangyari saming away. Hindi ko kasi alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa lalaking iyon, once na magkita kami. Malamang galit talaga iyon sakin ang lalaking kutong lupang iyon at nag babalak nakong tanggalin nun sa masakit na paraan sa mga oras na ito, dahil sinagot ko siya mukha sa mukha, 'na mukhang ako lang ata ang nakagawa.

Buti nalang talaga Kaninang umaga nakatangap ako ng tawag mula kay Ate Michelle. hihihi, Sinabi nya sakin kanina na papasok na daw siya ngayon at nakapag kwentuhan sakin saglit tungkol sa mga ganap dito. Kaya ako naman ay nag kwento,

Nag thank you panga siya sakin dahil ako ang pumalit sakanya habang wala siya. Sinabi niya rin na ok na ok na daw siya dahil may tumulong sakanyang mag move on at lumimot, Curious nga ako kung sino, pero staka kona sti-stikahin si Ate Michelle pag nagkita kami.

Ang aatupagin ko muna ngayon ay itong kaibigan kona hindi parin ako tinitigilan!

"Nag bago kana Nathan! Nag bago kana Nathan! Papansin ka masyado! Kalamo dyan! Pakyu! Pakyu ka! Ito pa, ito pa!"

"Mia stop! Ano ba! Ang kulit. Haha, " Tayo kona sa aking kina-uupuan habang pilit na sinasalag ang magagaang papel na binabato niya. Unti-Unti akong lumalapit sa table niya dahil mukhang kelangan gamitan ng kadena itong babaeng to para tumigil lang sa pang iistorbo.

"Wahhh! Lumaya kaa Nathan! Wahhh!" Hagis niya na talaga ng mga gamit sa table niya na nagkalat na sa sahig lahat kaya mas lalo akong natatawa.

Nasangga ko lahat ng binato niya. yung ibang ballpen hindi, pero yung bag na binato nya ay nailagan ko, na ikipinag papasalamat ko dahil mabigat ang Bag ni Mia. baka magkabukol ako kapag tumama iyon sa ulo ko.

"Huli kaa!"

"Wahhh! bitaw! hindi pako tapos! Bitaw!"

"Gaga ka magkaka bukol ako sa ginagawa mo!" Ani ko habang mahigpit na kinakapitan ang mga braso nyang pilit na kumakawala.

Napatayo narin sya sa inis at tumingin sakin ng masama. "Tsk! Wag mokong kapitan! Di tayo bati!" Tulak niya sakin ng malakas na ikina gulat ko, 'na mapipigilan ko sana ang kaso ay sakto namang may papel sa paanan ko kaya ang nangyari ay na lost balance ako dahil sa pagkakatulak.

At syempre dahil kapit ko nga ang gagang tumulak sakin na si Mia ay nasama ko sya sa pag bagsak. Pero hindi katulad ng sakin na sa tiles bumagsak, sya naman ay sa dibdib ko.

Hindi agad ako naka kilos sa pagkaka higa sa sahig dahil ang sakit ng batok at ng likod ko sa pagkakatumba.

Pagkakarinig kopa kanina ay may tumunog na buto sa likid ko kaya sobrang sakit ngayon. Habang si Mia naman ay ok na at nakapatong lang sakin habang kinakamusta ang kalagayan ko.

At sa postura namin, para kaming gagawa ng kahalayan dito sa opisina, buti nalang talaga ay kami lang dalawa ang nandito, wala ng iba-

"OMG, Nathan! Mia!? Anong nangyayari!?"

Kahit masakit ang batok ay kusang lumingon ang ulo ko sa naka bukas nang pintuan ng Office.

Tumingala ako sa saktong anino na tumatakip ng ilaw sakin. at as i expected, Si Ate Michelle ito na may bilugan ang mata at gulantang na ekpresyon sa mukha.

Pero hindi lang pala iyon, Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko sa kabilang gilid niya ang mga kasama niyang tao.

Una ay si Zedrick na namumula ang cheeks, at sa likod nya ay si Ms.Kim na ganoo'n din. habang sa gawing kanan na-naman ay si Mr.Do na patikhim-tikhim lang at patay malisya sa nakita kasama ang isang iilang board members na ganoo'n din ang ginagawa. Habang sa gitna naman, sa likod ni Ms.Michelle ay si Mr.Soyu,

Na parang papatay na ng tao ano mang oras kung makatitig, pero wag naman sana dahil sakin naka tuon ang tingin niya!

At parang sa inaasta niya ngayon ay parang nahuli niya ang asawa niyang nangangabit at nakikipag lampungan sa ibang lalaki.

Wahhh! Eh wala naman kami, eh! Ba't ganoo'n ang naiisip ko! Staka babae si Mia n-no! Pero kasi,— Ahhhhh! Basta! Hindi kona alam.

Basta ang alam kolang ngayon na kapag tumayo ako sa kinahihigaan ko ngayon patay ako. At kapag hindi pako tumayo, Mas lalong patay ako. Huhuhu, Bat hindi nalang kasi ako nahimatay e-

"Juskoo! Nahimatay si Nathan! Tulungan n'yo!! biliii. "

To Be Continue....