"Tapos ka na?" tanong sakin ni Paris nadatnan nya ako dito sa quadrangle nakaupo sa benchmark table habang nagd-drawing sa plate ko. "Obvious namang hindi pa diba?" inirapan ko sya.
"Isang plate lang naman gagawin natin mamaya no', tsaka Saturday naman bukas so chillnuman daw with the girls," napatigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya, sabagay pang tanggal stress. "G ako," sagot ko at nagpatuloy sa pagd-drawing.
Nagsuot lang ako ng high waist black short paired it with macbeth oversized white shirt, casual leather boots chunky heels, and my Gucci black A sling bag I let my wavy hair hanging. Pagalabas ko ng kwarto ko nakita ko si Paris na nakaupo sa Couch naming, she's wearing a Royal Blue Crochet Two Piece Outfit paired with her cream sandals, LV pouch and like my hairstyle inilugay nya lang ang blonde niyang buhok.
"Akin or iyo?" tanong niya, naguluhan ako pero agad di'ng sumagot ng ma-realize kung ano yung tinanong niya, "Iyo na, ayoko ma-expose yung BMW ko," napa-iling na lang siya sa sagot ko.
"Saan ba daw bar?"
"Metrowalk daw," she smirked after saying that.
"Lapit lang e," I complained.
"Your ex was there?" she asked that make me grin, this bitch is kinda something.
"Mamatay na nag-tanong," pilosopo ko'ng sabi at nag-cellphone na lang. "Easy," Paris said and raise her two hands.
Pagkarating namin doon ay maingay na sa loob at may live band na, pumasok naman kami sa isang VIP room na purong glass but it is soundproof kaya makakapag chikahan ng mahaba-haba.
"Ay, wow! May palibre si madame Don," biglang sumulpot si Belle.
"Ay, wow! Hindi ka kasama don," bawi ni Don sa kay Belle.
"Chillnuman nga, ano ba girls!" It was Paris. We all laugh because Paris is trying her best again to be the matured one kahit si Fay naman talaga ang pinaka-mature sa aming lima.
Lumabas si Don at Fay para mag order ng hard drinks at wine, lumabas naman ako ng VIP room na-OP kasi ako sa usapan nina Paris at Belle sa loob.
Napadpad ako sa unahan ng stage pinapanood ang live band ang tinu-tugtog nila ngayon ay 'Maybe The Night', sakto at LSS ako sa kantang yon ngayon, I actually like Ben & Ben songs, nakaka in love na mapanakit kumbaga.
Pagkatapos ng song played na yon ay bumalik na ako sa VIP room namin, ngunit bago pa ako makarating doon ay may biglang sumagi sakin at halos matumba ako dahil sa impact non, lumingon sa akin yung lalaki napatulala ako at agad na umayos ng tayo iirap sana ako pero agad siyang nagsalita, "sorry, miss, are you hurt?" Bellatrix ang pangalan ko hindi hurt! Agad umiral ang paggiging pilosopo ko mabuti na lang at hindi ko nasabi.
"medyo lang,"
His eyes soften of what I answered, para ba'ng may impact sa kanya, or ako lang ang nag-assume. "I'm so sorry talaga, miss," I just nod as my answer at nagpatuloy na papunta sa VIP room namin.
Pagdating ko doon ay nagsisimula na ang chikahan nila, it is all about random sh*ts so, I joined.
"Bijj, may mga gwapo sa kabilang VIP room, look oh!" it was Belle, tumili pa ang gaga. "accept my challenge Belle, flirt with that boy," tinuro ni Don yung lalaki na may katabi na babae and looks like they were talking happily, "What's with your trip, Don?" Fay curved her one brow to Don.
"It is a challenge, Fay," Don said calmly, napa-iling ako at lumagok ng margarita.
"Whatever girls, just...let's go!" looks like Belle is accepting Don's challenge, Don murmured 'that's my girl' to belle. "By the way, that man is Onyx Murphy, together with his friends Griffin, Lexus, Zephyr and Ari."
Pumasok si Don ng walang pasabi, of course she's with herself again after all. And, oh, so he's name is Lexus the one that nanagi kanina, he stared at me that made me froze a bit, I tried to avoid his gaze.
Napatingin naman ako kay Belle na nagsi-simula ng humarot, napa-iling ako dahil ang bilis nya maka get close, tumingin naman ako kay Griff at umiwas ng tingin tsaka dun sa Ari na nakatitig lang kina- Belle, at saglit na tumingin kay Lexus na nakatitig din pala sakin, umuna na akong lumabas ng VIP room na yun at nagpunta sa unahan ng stage para makinig sa played song ngayon.
After having some fun ay bumalik ako sa VIP room namin, "Bro your wasted!" sabi ko kay Paris na nagsasala sala na ng salin ng cocktail sa baso. "No! I can manage," she pouted at iniiwas sakin yung hawak niyang cocktail. Kinuha ko naman yung black label sa bucket at nagsalin din, hinayaan na sya.
Medyo tinatamaan na ako kaya inintay ko na lang bumalik sina Don dito sa room para maka-uwe na sa condo nya, pero gaga yata talaga ako at lumabas ng room namin at nakihalubilo sa dance floor nag-dim na din yung lights and it turns to color red.
Pagewang-gewang akong pumunta sa VIP room namin pero tangina wala na ata sila Paris, amp! Kaya wala akong choice kundi ang lumabas na ng Bar at magb-book na sana ng grab, but the guy named 'Lexus' stopped in front of me, bumaba sya sa Aston Martin niyang sasakyan at tumigil sya sa harap ko, napa-angat naman ang tingin ko sa kanya.
"W-why?" ang sarap ko'ng sampalin dahil nautal pa ako.
"Griff ask me to drive you home, is that okay? It's midnight na kasi and I guess it's dangerous, especially your a girl," he said in blank expression, I just nod I have no choice.
obvious naman na babae ako ah? Mukha na ba akong lalaki?
"You knew that I'm related to Griff, right?" I asked in the middle of silence.
"Yeah," He shortly said and continued driving.
Tangina hindi naman ako ganito kataahimik ah? Napaka tahimik naman kasi nitong gwapo na 'to, pero sabagay we don't even know each other so better shut up Bellatrix.
Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at tiningnan ko kung anong oras na, it was exactly 12 AM, nanghalumbaba na lang ako at tiningnan ang dark blue, black and violet na langit I was so amaze I want to have a stargazing while holding my future man's hand someday.
Lasing na yata talaga ako at kung ano-ano na ang iniisiip ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng condo ko, humarap ako sa kanya I'm going to bid my goodbye but he's the one who spoke first.
"Take care," His eyes were still cold, parang ako yung nilamig.
"....bye," nasabi ko na lang dahil hindi na nya hinintay ang tugon ko, sungit talaga nun, siguro that Lexus aren't compatible with saying 'goodbye's' lol.