SWOT Analysis

F A S T        F O R W A R D

    One week na rin ang nakalipas. Sa una lang magaling yung Renz Tolentino na yun. Well, matalino sya pero syempre hindi parin mawawala yung pagiging mahiyain nya. Kaya siguro hindi nya kami halos pinapansin, siguro nahihiya sya sa ganda ko? Ugh! Most of the time doon siya kina Gino. Hindi na din kami nagkausap simula nung first day.

    One week na pala ang nakalipas pero hindi parin ako nakapag pakilala. Well, I'm Mico Kzer Legaspi, Mikoy for short pero parang hindi bagay sa dalaga yung pangalan ko kaya sinasabi ko sa kanila na they should call me Micaela ( syempre ano pa ba yung maeexpect ko mula sa mga kaklase ko, syempre puro bash). I'm 17 years old from Makato, Aklan. Walking distance lang yung school namin mula sa bahay pero I have service kasi tinatamad ako maglakad. Kawawa kase yung cute kong mga paa. Enough talking about myself. Malalaman nyo din yan sa sunod.

    "We have activity. By pair ito kaya find your partner na!" Bilin ni Sir Fernandez sa amin.

    At ayon na nga. Nag uunahan nang maghanap ng pair yung mga kaklase ko akala naman nila ang dami namin ee, 18 lang naman kami.

    "So, ito na yung totality? Kami talaga ni Renz ang mag partner? Ito na yun?"  Tanong ko sa buong klase.

    "Arte lang? Gusto mo naman ee." Asar ni Sarah.

    "Ako? Gusto ko? Hindi kaya? Enebe? Sebeng hende nge ee. Teme ne keseeeeee!" Namimilipit na yung dila ko. Parang naka dama na ako nang kahihiyan sa pinagagawa nila.

    "Ayeeeeh!"  Halos mabingi na ako sa pang aasar samin ng mga kaklase ko. Pati na rin si Sir naki join na.

   Mayamaya nagbigay na si Sir Fernandez ng instruction para sa activity namin.

    "Okay, ang activity natin ay about SWOT Analysis. We will identify first your career. Kung ano ba yung gusto nyo in the future then identify your Strength, Weakness, Opportunities and Threats in the said career. Discuss that to your partner. At pagkatapos nyan, magprepresent kayo in front and I will ask you some questions after. Any questions? If none, you can start now."

    Then umupo na si Sir sa may likurang bahagi. Yung iba kong klasmate ay naghanda na para sa activity. Pero ako? Ito nakatunganga. Hindi ko kasi alam kung paano ko kakausapin si Renz. Baka kasi hindi nya ako pansinin. Ugh!

   Si Renz doon sa kabila. May binabasang kung anu ano. Wala namang dapat basahin ah? Nagpapanggap lang yata ang kumag para hindi maakward yung eksina. Pero napansin yata ito ni Sir.

    "Mikoy and Renz, bakit hindi pa kayo nagsisimula?" Tanong sa amin ni Sir.

    "I'm sorry Sir. It's because I'm waiting for her!" Sagot ni Renz sabay tingin sa akin.

    "FOOOORRR HEEEEERR?"  Sabay sabay na reaction ng mga klasmate ko. Kahit ako nagulat din sa ginamit na pronoun ni Renz. Napakamot nalang sya ng ulo at tumayo na sya at umupo sa tabi ko.

    "Eheeem! Baka mabuntis! Eheeem!" Parinig ni Joshua sa amin.

    "Eheeem! Wala yang ovary! Eheeem!"  Sagot naman ni Sarah.

    "Oyy tama na nga yan. Beyb, inaaway nila ako oh?"  Pabebe kong papansin kay Renz habang nagpapa cute.

    "Eh ano naman ngayon? Edi lumaban ka! Tanda mo na ee" Walang emosyon nyang sagot. At dahil doon nag simula na namang mang asar yung mga kaklase ko. Tawang tawa naman si Sir.

    "Kita mo na? Yan napapala ng mga malalandi!" Pang aasar ni Gino.

    "Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Halos sumakit na yung tenga ko sa sobrang ingay nila.

    "Siiiiiiir, ayaw ko na. Gagawin ko nalang 'to mag isa. Badtrip kasi yung iba dyan Sir ee. Kainis ee!" Sabi ko kay Sir. Tumayo na ako at akmang aalis nang biglang,

    "Wait lang! Wag mo naman ako iwan. Grabe naman to. Hindi ka naman mabiro." Sabi nya habang hawak yung kamay ko.

    "Ene kese ee, yen ene! Aayusin ko lang sintas ko." Sabi ko sabay pa sexing inaayos yung sintas ko.

    "Anlaswa naman! Hindi na kami makapananghalian neto mamaya."  Sabi ni Joshua with matching sumusuka kunwari.

    Di na ako naka sagot kasi kinikilig ako. Tumabi na ako kay Renz ag nag start na kami sa activity. Medyo awkward nga lang pero kailangan. Alam mo yun? Yung kaba ko na parang ipapakain ako sa lion mayamaya.