"Tao po!" Sigaw mula sa labas ng bahay namin, teka lang tinig yun ni Aleng Flording yun uh. Sya yung inutangan ni mama nong nakaran para pambaon namin. Baka maniningil na, kailangan na talaga naming bayaran yun sobra pa naman yun masakit manalita at chismosa pa.
"Aling Flor pasok po kayo" sigaw ni mama, inayos ko naman ang aking sarili at lumabas narin
"Magandang umaga po Aling Flording" bati ko rito, nakaupo ito sa sala set namin
"Walang maganda sa umaga, magbayad na kayo" mataray na sabi nito. Sabi ko na eh, hindi man lang makapag-antay wala pa naman kaming pera ngayon dahil kababayad lang ng matrikola ng ate.
"Wala pa po kasi kaming pera Aling Flor eh pwede po bang sa susunod nalang"
"Anong sasusunod Laura ilang ulit mo ng sinabi yan peru hindi ka parin nagbabayad hangang ngayon!" Sigaw nito..grabe naman syang makasigaw sa nanay ko..alam kong may karapatan syang maningil peru sana intindihin nya rin ang kalagayan namin.
"Wala po talaga kaming pera Aling Flording eh" si mama. Eh sa wala naman talaga eh
"Wala akong pakealam ang gusto ko magbayad kayo ngayon din" sigaw nito ulit. Nakakabulabog na sya sa kapit bahay namin
Ito ang mga nararanasan namin simula ng mamatay si papa, palaging inaapakan ng ibang tao. Noong buhay pa si papa palagi nga silang nanghihiram samin eh. Hindi sila sinisingil ni papa dahil na iintindihan nya sila. Peru bakit ngayong kami na parang hindi sila na gaya samin.
"Pa lalagpasin ko ito ngayon peru sa susunod na bumalik ako na hindi pa kayo nag bayad ipapabarangay ko kayo" pagbabanta nito at dinuro-duro pa si mama
Anong karapatan nyang ganyanin ang ina ko sa sarili naming pamamahay?
Ginagalang ko sya dahil matanda sya, wag na wag lang syang magkakamali dahil mawawalan ako ng respito sa kanya pag napuno na ako. Nagtitimpi pa ako ngayon peru wag nyang antaying mawasak ang pader na pumipigil sa galit ko.
Dahil sa oras na mangyari yun hinding-hindi na ako magdadalawang isip na sagutin sya ang ipagtangol ang aking inang inaliposta nila.
Maganda ang gising ko, binati ko pa nga sya eh peru sinira nya ang araw at respito ko sa kanya.
Kita ko namang may pumatak na isang butil ng luha mula sa mga mata ng aking ina. Ayaw kong makita iyon dahil na dudurog ang puso ko. Agad nya naman itong pinahid at bumalik sa kusina
Magkatulad lang silang lahat naging mabuti kami sa kanila peru ng kami na ang nangangailangan ano ang ginawa nila inaliposta kami at inapakan.
Makakaganti din ako sa kanila hindi man ngayon peru sisiguradohin kong mangyayati ang araw na yon. Hindi ko sila sasaktan o ano man dahil naniniwala akong...
"Success is the sweetest revenge"
I will do everything just to be successful someday. I want to prove to them that we can be successful na hindi nila kami dapat inapakan..
***********
Matapos naming magagahan ay nagpaalam si mama na aalis sya..
"Flow ikaw na mona ang bahala dito sa bahay mag hahanap lang ako ng perang pambayad kay Aling Flording"
"Sige ma ingat po kayo"
Tango lang isinagot ni mama sakin at agad na umali. Magisa lang ako ngayon dito sa bahay may pasok si kambal at sina ate.
Inopen ko na lamang yung wattpad account ko nagsusulat kasi ako ng stories kaso wala namang nagbabasa peru okay lang tyaga lang merun ding kahit isang taong magbabasa at makakaappriate ng story ko..
Wala namang bago ganon parin 30 fallowers 20 reads and 23 votes at walamg comments peru hindi ako nawawalan ng pag-asa.
Magaadd na mona ako ng next chapter. Everyday pag walang ginagawa ay nakakasulat ako ng 4-5 chapters peru pag may ginagawa eh 2-3 chapters lang.
Matapos kong mag add ay pinatay ko na yung phone ko wala naman kasi akong gagawin don. Am boring ding magfb wala din naman akong games. Tas gastos lang sa load pag nag youtube o nag tiktok ako.
Kaya napagdesisyonan ko na lamang na mag drawing ng anime girl. Mahilig din akong magdrawing nainspire kasi ako ng bestfriend kong si Dsyree. Hindi kagandahan yung mga drawing ko peru okay lang. Leta just give it a try.
Drinowing ko si Nash ng pokemon go. Naisip ko agad si Yanhe matapos kong madrawing yun. Mahilig sya sa mga anime lalong-lalo na sa pokemon at comics.
Merun nga syang mga libro at laruang pekacho eh. Binugyan din nya ako ng stcker kung saan ay merung mukha ni Pekacho sa loob ng heart. Peru nawala ko na yun sira-sira na din kasi.
"Ate Re" isang cute na tinig ang nag mumula sa labas ng bahay namin tinig iyon ng pamangkin kong si Jaymie
Tumayo ako at binagbuksan ito ng pinto. Merun itong hawak na barbieng laruan. Wala sa bahay nila ang mama at papa nya. Parehos kasing may trabaho kaya naiiwan syang mag isa sa bahay nila
"Pasok ka baby"
"Thank you ate Re"
Close kami ni Jaymie, wala kasi kaming nakababatang kapatid kaya gustong-gusto ko si Jaymie at si Zeke.
"Ate na sana po si mama Laura?" Tanong nito ng makaupo kami ng sofa. Mama ang tawag nito mama, parang mama na nya di kaai si mama eh pag wala kina ate Aime si mama ang nagaalaga kay Jaymie
"May pinuntahan lang Jaymie" sabi ko sabay abot sa kanya ng orange juice na kakatimola ko palang, masaya nya naman itong tinangap at ininum
"Ganon po ba ate dito na muna ako sayo ha?" Cute na sabi nito tumango namang ako bilang sagot at ginulo ang mahahaba nyang buhok
"Ate i fell sleepy na po eh" .ay pagkakonyo minsan si Jaymie
"Wait ka lang kukuha lang ako ng unan" bilin ko at kumuha ng unan sa loob ng kwarto ko
"Here matulog ka dito"sabi ko at nilagay ang unan sa mahabang sala set agad naman itong lumapit at natulog.
Kaya natulog narin ako ulit....