Chapter 1

Chapter 1 Maayos ang buhay dito sa amin may magtotropa may nagliligawan,at may mga reunion at picnic na nagaganap pero nagbago ang lahat ng dumating si Adrian.Hindi pa kami magkakilala nun nagtitinda ng ice candy ang papa at stepmother nya masarap yun kaya palagi akong nabili dun..Sa palagi kong pagbili nakilala ko ang kuya nya si Axel,,mabait sya pero sobrang tahimik hindi sya magsasalita hangga't hindi ka nagtatanong sya rin ang dahilan kung bakit ngayon nagkakilala na kami ni adrian.Pilosopo si Adrian palagi nya kung inaasar naghahabulan kami sa kalsada dahil dun tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya tuwing lalabas sya sa bahay nila inaabangan ko sya,pabalik balik din ako sa bahay nila para bumili..pero parang gusto ko itigil ang nararamdaman ko sa kanya malaki ang agwat namin sa isa't isa apat ang tanda ko sa kanya pero alam kong hindi hadlang ang edad sa taong nagmamahal..sinubukan kong alisin ang nararamdaman ko sa kanya inaaway ko sya hangga't isang araw napaiyak ko sya pero di ko napigilang punasan ang luha nya sabay takbo sa loob ng bahay namin sa sobrang hiya............