SHEIN
"Ahhh"I stretched my arm.Ghad para akong kumarga ng sako-sakong bigas dahil sobrang sakit ng balikat ko.Nakailang hikab na nga ako nung nagd-discuss ang English teacher namin.Paulit-ulit lang naman ang tinuturo.May kumalabit sakin mula sa likuran kaya humarap ako.Bigla na lamang may tumakip sa mata ko kaya hindi ako makakita. "Uy sino ka?! Bitawan mo nga ako!"iritadong utos ko sa kanya.Pero wengya hindi niya parin inaalis ang kamay niya na nakatakip sa mata ko.Narinig kong tumili ang ilang kaklase kong babae.
"Miss me?"bigla na lamang bumulong yung lalaking nagtakip ng mata ko.
"Sino ka? Pakilala ka nga kung hindi sisipain ko 'yang balls mo"panakot ko sa kanya.
"Hahaha talaga?"hamon niya sakin at naramdaman ko nalang na lumuwag ang pagkakahawak niya kaya hinawi ko yun at hinarap siya pero pagkaharap ko ay tumama sakin ang isang dosenang rosas.Napapikit ako dahil tumama ang ilang petals nito sa mata ko.
"Punyemas!!"galit na sigaw ko saka dumilat upang ibalibag sana yung gumawa nun pero nung nakita ko kung sino yun ay Iumambot ang ekspresyon ko.How he made me feel like this? Bumilis yung normal na tibok ng puso ko. "Thor....?"
"My Shein...."banggit niya sa palayaw ko.Gustong gusto ko talaga ang pagbanggit niya nun eh.My Shein...Ekkkkk pwede bang himatayin sa kilig?
"Thor..."
"Shein...."
"Thor..."
"Shein.."
"Teka nga! Para kayong tanga na nagtatawagan ng pangalan.Hindi naman siguro kayo magakapareho ng second name diba?"sumawsaw sa moment namin ni Thor si Mister tukmol.Minsan nga lang kami magka-moment ,sisirain pa!
"Bakit ka ba nakikisawsaw? Wala ka bang sariling sawsawan?"tanong ko sa kanya.
"Hindi naman kayo sawsawan para makisawsaw.Ang sa akin lang ay tumabi kayo dahil nahaharangan nyo yung pintuan...Mga kabataan talaga ngayon,ang lalandi"napa-iling pa siya nung sanabi yun.Ha?! Ako malandi? Pokpokin ko kaya ng martilyo ang ulo nito,mukhang wala sa tamang pag-iisip eh. "TABI!"sigaw niya samin at sinamaan kami ng tingin.
Tinanaw ko pa siya hanggang sa mawala.Nilingon ko ulit si Thor na nakangiti ng pilit.Nahiya ako bigla doon sa inasal ni Van Gogh.At isa pa naiilang ako kase kami nalang palang dalawa ang nasa classroom.
"Ah..gusto mo dumaan muna tayo sa coffee shop malapit dito?"basag ni Thor sa katahimakan.Ngumiti ako at tumango.
"Sure!"
***
Kasalukuyan akong kumakain ng carrot cake sa coffee shop na sinabi ni Thor.Siya naman ay sumimsim ng kape na in-order niya.
"Bakit ka pala nasa school kanina? Dinalaw mo ba ulit yung mga kaibigan mo?"curious na tanong ko sa kanya.Grabe naman pala siya maging kaibigan dahil dinadalaw niya pa ito maka-bonding lang sila.
"No.Actually hindi ako umalis kanina,"nagulat ako dun sa sinabi niya.Bakit kaya di siya umalis? Wala ba silang klase?
"Bwakit?"tanong ko habang ngumunguya ng cake.
"Pagkatapos kitang ihatid sa corridor kanina,naisipan kong bantayan ka nalang imbis na bumalik sa school kung saan ako nag-aaral.Sinundan kita kanina,narinig ko pa ngang tumili ka,"tumawa siya nang mahina,ako naman napainom sa kape na in-order ko dahil sa kahihiyan.Tili ako nang tili kanina,nasa likuran ko lang pala siya "Hanggang sa makarating ka sa room nyo.Nakita ko kung paano mo daganan yung Kaklase mong lalaki kanina.Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit mo siya dinaganan pero nagselos ako sa part na yun.."napayuko siya.
"Thor.."
"Hindi naman maiiwasan yun diba? Kung mahal mo kase siya gusto mo sayo lang siya.Selfish na kung selfish na matatawag pero yun ako eh.Pag mahal ko gusto ko sakin lang iikot ang mundo niya katulad sakin, na nasa iyo na ang puso pati kaluluwa ko..Tapos nung nag lunch break kayo nakita ko kayong dalawa sa corridor na nag aaway.Napangiti ako nang bahagya nun kase alam kong inaaway mo siya dahil galit ka.."
Nagbuntong hininga ako at nilapag ang teaspoon na ginamit ko sa cake.
Nagpatuloy siya "Pero nung inakabayan ka niya...Damn!para akong binuhusan ng malamig na tubig nun kase gusto ko ako lang ang gagawa sayo nun,maliban sa parents mo at kay Mei.I want to punch his face until he bleeds.Pero ayaw kong ipakita sayo na ganun ako klaseng lalaki...Sorry for being a jealous guy.Alam kong wala namang tayo pero gusto ko lang na akin ka.Hanggang mahulog ka rin sakin."
Parang naawa ako sa kanya.Grabe pala magmahal ang isang Cavin Thor Harrington.Wagas at may pagka-possissive,at seloso.I think maganda naman maging seloso ang isang lalaki dahil doon lang nila pinapahayag na ayaw ka nilang ipamigay ko ipaagaw sa ibang lalaki.Pero pag nasobrahan naman ng pagkaselos ay hindi na yun tama.Masyado nang nasasakal si girl kaya ang ending...Break up.
"Eh bakit hindi ka nagpakita sakin kanina?"tanong ko sa kanya.Kung sinusundan niya ako edi dapat nagpakita nalang siya para makasama ko naman siya diba?
"Ayaw ko kase iparamdam sayo sa walang kang freedom.Na pakiramdam mo na napa obsess ko naman para sundan ka.Wala naman tayong relationship kaya hanggang wala pa ay bibigyan kita ng freedom pero hindi sa mga lalaki."inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.Ilang inches nalang ang pagitan namin.Tinitigan niya ako sa mata at ganun din ako. "I love you kaya sorry kung ipagdadamot kita sa iba"
Pumungay ang mata nya.
"Pero pwede naman kahit bakla diba?"I asked.
"Tsk.Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Sabi ko bibigyan kita ng freedom pero maliban sa mga lalaki except me and your dad kahit bakla pa iyan lalaki pa rin iyon"napayuko siya "Alam kong paulit ulit na wala akong karapatan para pagbawalan ka pero gusto ko pag-aari na kita eh...sana tumibok na yan para sakin nang maging akin ka na nang tuluyan"turo niya sa didib ko kung saam ang puso ko.
"Eh hindi rin maiiwasan minsan na makipagkaibigan ako sa lalaki kase ni isa wala ako nun."tumingin siya sakin na para bang nasasaktan.
"Wala ka nun? Anong tawag mo sakin?"napalunok ako dun sa tinanong niya "Stranger parin ba ako sayo,Shei? "
"N-no.Ang ibig kong sabihin ay yung kaibigan na walang may gusto sakin"
"So pag may gusto sayo,hindi mo na kaibigan,ganun ba?"
"Hindi naman sa ganun.."
"eh ano?"garalgal na ang boses niya.Anytime pwede na siyang umiyak.
"Hindi kita kaibigan kase iba na ang tingin ko sayo"garalgal na rin ang boses ko dahil nakita ko ang isang butil ng luha na dumaloy sa pisngi niya.Teka bakit siya umiiyak?
"So Stranger parin ang tingin mo sakin,ganun ba?"tuloy pa rin sa pagdaloy nang luha niya.No,nagkakamali ka!
"Okay! Wohh,"pinilit niyang ngumiti kahit kitang kita sa mata niya na hindi siya masaya. "Atleast alam mong mahal kita..At kahit kailan hindi magbabago yun..."tumayo siya at dali daling umalis nang coffee shop.Kinuha ko agad ang bag ko at hinabol siya pero pagdating ko doon ay hindi ko na siya makita.Pati yung sasakyan niya wala na rin.Paanong ang dali niya namang umalis?
Denial ko ang number niya pero tuloy lang ito sa pagring at walang sumasagot.Nakailang texts na rin ako sa kanya pero until now no respond from him.
"Nasaan ka na ba? "Wala akong masasakyan ngayon tapos yung mga taxi'ng dumadaan ay puro may sakay.
"Please....come back"humagulgol ako sa gilid ng kalsada.Wala akong pake kung may makakita sakin.Handa na ba akong sabihin sa kaniya? Sasabihin ko na bang unti-unti nang nawawasak ang pader na ginawa ko sa pagitan namin? Sasabihin ko bang nahulog na rin ako sa kanya sa maikling panahon lang na yun.Halos tatlong araw palang pero mahal na mahal na namin ang isa't isa.How can be this possible? Two people met on the same place and same time.Is this they called 'Destiny'? Since that day when Thor confessed what he feels for me ,I felt a little happiness inside me.
He completed me everyday with his Good mornings' and Good nights' .Now.I already know the feeling of inlove.He's like a drug that you are always looking for.
"I Love You...My,Thor.."bulong ko habang humihikbi.
Bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan kaya nabasa ako.Wala akong dalang payong ngayon.Grabe naman yung panahon,dinamayan pa ako hahaha.Nakayuko parin ako nung naramdaman kong tumigil ang ulan.Buti kapa tumigil na pero yung luha ko hindi pa.Tumingala ako na nakapikit at dahan dahan akong dumilat.Napako ang mata ko doon sa lalaking nakatayo sa likuran ko na may hawak na payong kung saan ako nakasilong ngayon.Kaya pala wala nang ulan na pumapatak sa akin ay dahil nandyan siya at pinayungan ako.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko.Agad akong tumayo mula sa pagkakasalampak at yumakap agad sa kanya.Naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya.
"S-Shein..."
"Sorry,Thor...Sorry kase ngayon ko lang nalaman ang tunay na nararamdaman ko. Sorry kung ngayon ko lang sinabi ang totoo. sorry kase inakala mong hindi ka importante sakin,"humikbi ako habang nakayakap sa kanya
"Shein...?"
"Sorry dahil nahulog na ako saiyo.Sorry kase hindi ko na kayang itago ito. Sorry kase mahal na mahal na kita.Sorr--"hindi pa ako natapos sa sasabihin ko nang naramdamn kong hinalikan niya ako.Natulala lang ako.Tumagal nang ilang minuto ang paglapat ng mga labi namin.
"Sabi ko na nga ba....mahuhulog ka rin sakin,"sabi niya pagkatapos ng halik "I love you...Since Day One ,Kristal Shein Fernandez Hawkstone."
Napangiti ako sa kanya.
"I love you too...since you confessed to me I can no longer explain how I feel.Every time you smile like there are butterflies disappearing in my stomach..but,Thor Promise me that you will not hurt me.."tumingin ako nang deretso sa mata niya habang tumutulo ang luha ko.Kahit may ulan ay nakita ko parin ang pagtulo ng mga butil ng luha galing sa mata niya.
He stroked my cheek
"I won't.I will never hurt you.Do you still remembered what I said I will punch the one who will make you cry?"tumango ako "But when I make you cry..I will make sure of those tears of joy."he said "I love you.."Then he kissed me full of love.God knew how much I fell into the abyss of Thor's love.
Finally.I am Inlove.