SHEIN
Tahimik ang dalawang grupo dito sa waiting area.Unang grupo ay kami na pamilya ni ate at ang ikalawa ay ang grupo ng nakabuntis sa kanya.Pinagmasdan kong mabuti 'yung lalaking nakabuntis kay ate na si kuya Levi.Matangkad siya at tisoy,mababakas na may lahi siyang foreigner.Sobrang saya niya kanina nung nalaman niyang buntis si ate pero nung sinabi kong nanganganib ang buhay ni ate at baby niya ay halos binagsakan siya ng langit at lupa.
Alam kong masaya siya dahil may alas na siya para makuha si ate pero 'yung alas na iyon ay biglang naglaho.Kung titignan ko siya ngayon para siyang nalulong sa droga na natukhang.He lost his child and he also don't want to lost ate Rielle.Hindi kami nakialam sa desisyon kanina,siya lang ang nag desisyon.Desisyon niyang tanggalin si baby para mabuhay si ate.Pero until now,ate Rielle's still unconciuos.Kahit natanggal na ang munting anghel niya ay hindi pa rin sigurado ang doktor sa buhay niya.
50-50 na ang buhay ni ate pero dahil sa operasyion,there's possibility na 70 percent of chance na mabuhay si ate.Nakayuko lang ang kabilang panig.Pinapatahan nila si kuya Levi dahil kanina pa ito iyak ng iyak.Ang kinakabahala ko ay kung sino ang sa likod ng pagbaril.Pinapaimbistiga na sa pulis kung sino ang bumaril.
Tumayo ako.Nagtaka naman si Thor kaya sumenyas akong kakausapin ko lang si kuya.Tumango lang siya at hinyaan akong pumunta sa kabilang pwesto."Kuya,pwede ka bang makausap?"tanong ko sa kanya.Inangat niya ang ulo niya sa'kin "Sandali lang sana.May ilan lang akong gustong malaman"tumango siya at sumenyas sa kasamahan na aalis sandali. "Doon tayo sa cafeteria"
Pagkatapos ng away namin kanina ,napagkasunduan namin na magkabati nalang dahil wala namang kahihinatnat kung mabugbog ko siya.
Una akong naglakad at sumunod naman siya.Palaisipan talaga sa'kin kung bakit may gustong patayin si ate,wala naman siyang kaaway..I guess? O baka naman karibal kay kuya?
Pagpasok namin ay umupo na kami. "Sandali lang po"paalam ko para kumuha ng drinks sa vending machine.Bumalik na ako pagkatapos. Nilagay ko ang isang bote ng coke in can sa harap niya "Kuya,if you don't mind.I just want to ask if you really love ate Rielle?"deretsahang tanong ko.
"I do.Mahal na mahal ko siya.Nagsimula lang ito noong Grade twelve kami.We have no Communication that time kaya kung sino-sino ang inuutusan ko para lang manghingi ng number niya.."he said while smiling like remembering something happy "Until one day,nagkaroon kami ng school activities.Kailangang magkaroon ng apat na grupo,and fortunately nagkasama kami sa isang grupo.'Yung grupong iyon ang naging kaibigan namin ngayon.'Yung mga kasama ko kanina sila 'yung mga naging ka grupo namin,"he sigh "Sinusubukan ko pa nga siyang kausapin para mapalapit ako sa kanya.Una na he-hesitate pa siyang kausapin ako dahil kakilala niya lang sa'kin."
"Pero hindi ako tumigil sa pagngungulit kaya hindi na niya ako natiis at kinaibigan niya na rin ako.Hulog na hulog na talaga ako sa kanya that time.Wala na akong nakikitang iba kundi siya lang.Pero nung nalaman niya na may gusto ako sa kanya ay medjo nilalayuan niya na ako.Naiilang siya tuwing kami lang ang magkasama.Hanggang sa umabot na kami sa first year ay ganun parin ang pakikitungo niya.Isang araw nagyaya ang isa naming kaibigan na mag camping kami sa beach nila.Kompleto kaming lahat na pumunta doon.Nagkainuman,sayawan at kantahan ang ginawa namin.Naglaro kami ng truth or dare.Nung tumama sa dereksyon ko ang bote ay pinili ko ang truth,kahit alam na nilang lahat na si Rielle ang sasabihin kong gusto ko.Nung tumama naman sa dereksyon ni Rielle ang bote ay Truth din ang pinili niya.Doon ko na nalaman kung sino nga ba ang nagpapatibok sa puso niya..."yumuko si kuya.
"Sa circle of friends parin namin ang gusto niya.Para akong sinaksak dahil sa narinig noon kaya nagpakalunod ako sa alak hanggang sa mahilo ako.Si Rielle lang ang isang hindi lasing n'on.Ako naman ay pinilit lang na huwag mahilo.Nilapitan ko siya nung nakita ko siyang mag-isang umupo sa upuan.Inabot ko sa kanya ang isang inumin na nilagyan ko ng pampatulog...ginawa ko ang gusto ko sa kanya...gusto ko siyang maging akin! kaya ko nagawa 'yun! Sorry..."humagulgol siya ng iyak.
Base sa mga kinuwento ni kuya,talagang mahal niya si ate to the point na nagawa niyang halayin si ate.Pero hindi naman tama na halayin niya si ate habang walang malay at isa pa hindi siya mahal ni ate!
"Pero kuya mali parin po ang ginawa niyo! Sana hinitay niyo nalang ang time na maibalik din ni ate nag pagmamahal na binibigay mo sa kanya! Para sa'kin na o-obssessed ka na kay ate!"I pointed him.
"Sorry..."
"'Wag ka sa'kin mag sorry kuya..kay ate, dahil siya ang nawalan ng puri!"
"Kahit na..alam kung kailangan ko rin mag sorry sa'yo."
Sigh.
"Ok.Pero ito talaga ang gusto 'kong alamin mula sa'yo"tiningnan ko siya "May iba pa bang nagkakagusto sa'yo o naging girlfriend mo na iniwan mo?"
Nagtaka naman siya sa'kin based on his expression. "M-meron.."
"Sino?"
"Bakit? Tingin mo ba may kinalaman 'to sa pagbaril kay Rielle?"
"I am not sure yet.But Answer my question..May iba pa bang naging gf o nagkagusto sa'yo?"sabi ko na parang nasa isa kaming imbestigasyon.
"Si Seleripy..Siya lang ang naging ex ko pero tungkol sa iba pang nagkakagusto sa'kin ay wala akong alam.Hindin naman ako school heartthrob para pagkaguluhan ng kababaihan."ani niya.
Seleripy?
"Last name?"
"Macañan"sagot niya
So,Seleripy Macañan is my primary suspect.I must need to face her ASAP.
Nabulabog kami ni kuya nang makarinig nang malakas na sigaw mula sa labas.
"Shein! Levi!"sigaw ni kuya Sef.
Napatayo ako "Bakit po kuya?!"
****
Ninirbyos ako at hindi mapakali.Gan'on din ang iba ko pang kasama dito sa waiting area.Akala ko ba okay na ang kalagayan ni ate? Pero bakit mas lumala pa?
[Flashback]
"Shein!Levi!"
"Bakit po kuya?!"
Hingal na hingal siya na akalain mo'y hinahabol ng tulisan.Mababakas ang takot niya.
"S-si Rielle..."
"Bakit po? Anong nangyari kay Rielle?!"tarantang tanong ni kuya.
"Nanganganib ang buhay niya!"
"Po?!"
[End of flashback]
~*~
Biglang lumabas mula sa OR si tito Klein.Halos kalahating araw silang namalagi sa loob.Halos takbuhin ni dad si tito
"Klein! Kumusta ang anak ko?!"
Tinanggal ni tito ang face mask niya "Puwede na namin siyang ilipat sa ward niya pero hindi ko muna masasabi hanggang ngayon na mabuti na ang kalagayan niya."umiling si tito sa'min.
"P-pero bakit ho? 'Diba natanggal na si baby? Paanong nanganganib parin si ate?"tanong ko
"May natuklasan kaming sakit na kumakalat sa katawan ni Rielle,"nanlaki ang mata namin ang iba naman ay napatakip ng bibig "Bone cancer ang sakit na kumakalat ngayon sa katawan niya.Masasabi kong bago lamang ito kumalat dahil hindi pa masyadong naapektuhan ang mga buto niya"
Napayakap si dad kay mom.Ako din ay napahagolgol nalang.Naramdaman kong niyakap ako ni Thor at hinaplos ang likod ko "Shh...Everything's will be alright."ani Thor.
-_-_-_-_-_-_-_-
Nilipat na sa ward niya si ate.Still, wala parin siyang malay.Nakaupo ako sa gilid niya habang hinahawakan ang kamay niya.Akala ko pangmatagalan ka nang ibibigay sa'kin ate? Hindi ko maintindihan kung bakit ka niya kailangang pahirapan ng ganito? Pero nananalig parin ako na ibibigay ka niya sa'min ng buong-buo,wala nang sakit.Magpakatatag ka ate ha? Minsan lang ako magkaroon ng kapatid kaya kailangan mong maging matatag.'Yan ka naman 'diba? Matatag? Isang Rielle Samonte na ngayon na ay Rielle Hawsktone na ay isang babaeng hindi nagpapatalo even she's had a bone cancer.
Napaangat ako ng tingin nang may lumapit kay ate.Si kuya Levi.Tinitigan niya si ate,mababakas sa mukha niya ang kalungkutan."Gusto mo ba siyang makausap?"tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa'kin "Puwede ba?"
Tumango ako at ngumiti ng tipid.Lumabas na ako ng room.Nakita ko doon sa isang upuan sa may waiting area si Thor na nakapikit.Nilapitan ko siya.
"Pagod ka na ba?"tanong ko sa kanya.
Dumilat siya at tumingin sa'kin "No.Hindi ako pagod,pumikit lang ako sandali."
"Eh kung umuwi ka na lang muna tapos magpahinga ka.Buong araw ka nang nandito eh"
"Hindi kita iiwan dito at tsaka binilin ni tito at tita na bantayan kita"
Napasimangot ako "Pahinga ka lang naman sandali baka kase pagod ka na,tinitiis mo lang dahil request ni mom and dad na bantayan ako.Hindi mo naman responsibilidad 'yun eh"
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi "Sinong nagsabi na hindi kita responsibilidad?!"nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.Nakita niya siguro ang expression ko kaya kumalma siya pero hindi parin ako binibitawan "You're my responsibility...You're my life,without you I can't live.Responsibilidad kong pangalagaan ang buhay ko..at ikaw 'yun"
Hinagkan ko siya at umiyak "Thank you! Thank you that you came into my life...I love you"ani ko
"I love you too.."hinalikan niya ako sa noo.
Darn! I really love this man!