Twenty Eight

SHEIN

Ito na siguro ang sinumpaang araw ko. Paano ba naman kase, nagising ako ng devil's hour (3:00 am), natulog muli pero nagising ulit ng 5 am, tapos hindi na nakatulog ulit dahil dumating ang mga classmates kong hindi ko naman kaclose (hindi ko nga alam name nung iba maliban sa lima).

Kung saan na may sakit na ako doon pa ako hindi nakakatulog ng maayos. Si mom at dad – ayon pumunta muna sa amerika para makapaghanap daw ng heart donor — bakit kaya hindi ako isinama? Tapos si Thor, Villegas at Van Gogh nandito din. Si Mei nalang talaga ang hindi nakakabisita sa'kin.

"Kristal! Sumayaw ka naman!!" sigaw ng isa kong classmate na halos gawing club ang ward ko.Nagdala din sila ng disco lights at may drinks pa katulad ng Cocktails and Softdrinks— bawal kase hard drinks.

"Kayo nalang... "bagot kong sagot. Hindi ba nila alam na hindi na ako makahinga dahil siksikan na dito sa loob? Ayaw ko naman silang paalisin ng basta basta dahil baka mabastusan sila sa ugali ko.

"Woahhh!!!!!!" rinig kong sigaw ni Buknoy na sumasayaw sa gitna. Gusto ko sanang makisali sa kasiyahan nila kaso.... hindi puwede.

Bigla nalang akong nilapitan ni Thor na kanina pa dito sa loob "Ayos ka lang ba?" tanong niya, sound of concern. I just nodded "Oo naman " I replied

"Nga pala 'yung tungkol kay batman, hindi ko pa siya natatanong dahil hindi ko naman siya makita" malungkot niyang sabi.

Lihim akong napatawa. Hindi lang pala guwapo 'tong complicated boyfriend ko, alien din katulad nung dalawa. "Hanapin mo sa hollywood baka nandun!" pang-uuto ko.

Pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako doon "ARAY!!!"

"Hindi ako uto-uto, Shein!" tumawa siya "Pero alam ko naman na ayaw mo pang maging tayo ulit dahil iniingatan mo lang 'yang puso mo. Nirerespeto ko ang desisiyon mo" hinalikan niya ako sa noo kaya napapikit ako

"Pahinga ka na" hinaplos niya muli ang buhok ko.

Napairap ako "Haler Thor! Sino ang makakapagpahinga sa ganito kaingay?!"

Bigla siyang sinaniban ng utak ni Einstein kaya naisip niyang... "GUYS PUWEDE BANG SUMAYAW LANG O MAG INGAY KAYO NG WALANG ANUMANG SOUND? HINDI MAKAPAGPAHINGA ANG PASYENTE NATIN DITO!!" sigaw niya sa mga classmates ko.

Natampal ko ang noo ko dahil may taglay din palang kabubohan ang lalaking 'to! "Ahm.. guys puwede bukas nalang ulit? Kailangan ko na kasing magpahinga ng maaga dahil baka makasama sa kalusugan ko. " pakiusap ko

"Ahhh oo naman Kristal! Dapat sinabi mo kaagad para umuwi na kami! Ikaw naman kase pinatagal mo pa!" aba't ako pa ang sinisi!

"Ok bye!!!" sigaw ng karamihan sa kanila at nagsilabasan na.

"Ikaw din bumalik ka na sa Ward mo , kahit kaya mo nang lumakad ay hindi parin tayo nakakasiguro na maayos na ang mga binti mo!" sermon ko kay Thor.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko "Aysus! You love me~ I love you~ " kumanta pa siya ng nursery rhyme bago umalis at naiwan na naman akong mag-isa— kasama ang mga kalat ng mga walanghiya!!!

********

Kinabukasan, I woke up full of bliss. Paano ba naman kase, sabi nina mom at dad nakahanap na sila ng donor ko. Tapos ready nang dalhin dito sa pilipinas para maumpisahan na ang transplant. Dahil sa balitang iyon ay nagcelebrate kami nina Thor at ate Rielle. Sa Cafeteria lang namin ginanap ang celebration, Two boxes of pizza from greenwich, 1liter na coca-cola na inorder namin sa cafeteria, three mcdo happy meal and three jollibee yum burgers,fries at sundae.

Taray kase ni Thor, sa iba't ibang food establishments pa nag order. Masaya kaming kumakain ngayon, kahit si ate Rielle na aakalain mong walang sakit dahil kung maka tawa halos yumanig ang cafeteria. Ako naman tumatawa lang ng kaunti dahil kinakapos kase ako sa hangin.

"By the way, Shein" si ate "Ngayon na ba uuwi nina dad at mom?"

Tumango ako at isinubo ang panghuli nguya sa pizza "Oo, kailangan kase nilang magmadali kaya kanina nga lang sila nakabili ng ticket"

Napatango naman sila. Hinawakan ni Thor ang kamay ko na nasa mesa "Sa wakas magiging maayos ka na din"

Ngumiti ako pero 'yung kakaiba, ewan ko pero parang bigla akong kinabahan "Hindi pa nakakasiguro Thor na magiging successful ang operasyon. Kinakabahan nga ako sa operation kaya baka habang hinihiwa nila ang dibdib ko ay bigla na lang akong magising!" naghuhurumentado ang dibdib ko kaya halos kapusin na naman ako ng hininga. Imagination ko yata ang papatay sa'kin!

"Baliw ka!" pabiro akong tinampal ni ate "Tigilan mo nga 'yan imahinasiyon mo! Matapang ka 'diba? May matapang ba na nagpapadaig sa isang hiwa lang?"

Kahit anong salitang pampakalma ay hindi gumagana sa'kin. Nag breath-in breath-out nalang ako at nabawasan ang bigat ng dibdib ko. OA lang siguro talaga.

"Oh my god! Excited na ako sa pagdating nina dad at mom! Sa wakas hindi ka na mahihirapan bunso!" masayang sambit ni ate.

Ewan ko ba, hindi ko magawang maging masaya habang si ate lumalaban sa sakit niya. Ako, kapag dumating na ang pusong iyon, posibleng makakaalis na ako sa ospital, pero siya, baka abutin pa ng ilang buwan bago gumaling.

"Oh bakit parang hindi ka masaya? " napansin niya ang ekspresiyon ko "Huwag kang mag-alala, ayos lang" nabasa niya yata ang nasa isip ko

Isang iglap ay biglang may balitang lumabas sa tv dito sa cafeteria, lahat ng customer nalatingin doon, pati nga ako.

"NEWS FLASH: ISANG EROPLANONG SAKAY ANG HALOS ISANG DAANG PASAHERO GALING CHICAGO, USA, SUMABOG BAGO PA MAN ITO MAKAALIS NG BANSA. SINASABING ANG PINAGMULAN NG PAGSABOG AY SANHI NG BOMBANG NAKATAGO SA LOOB NG EROPLANO. PATULOY PARIN SA PAG IIMBESTIGA ANG MGA OTORIDAD SA BANSA, HINDI ITO ANG UNANG MAY NATAGPUANG BOMBA SA EROPLANO KAYA SIGURADO SILANG IISANG GRUPO LANG ANG MAY GAWA. ANG MGA BIKTIMA NA KINILALA NG ILANG OTORIDAD DAHIL SA I.D NILANG MAAYOS PA. ANG MGA PANGALANG SUMUSUNOD ANG PASAHERONG NASAWI SA PAGSABOG:" sabi nung news anchor at nag s-scroll ang mga pangalan sa screen.

Nabitawan ko ang kutsarang hinahawakan at halos matumba ako sa pagkakaupo. Napatakip ako ng bibig nang ipinaskil ang mga pangalan at hindi na pinagalaw pa.

"Shein!!" sigaw ni Thor pero parang hindi ko siya naririnig.

Nilapitan ko mismo ang screen dahil baka namamalik-mata lang ako.

MGA KINILALANG BIKTIMA SA PAGSABOG:

ERIC YADES THOMPSON - 35yrs old from Chicago, USA

HANNAH KLEIN - 54yrs old from Toronto, Canada

RAVEN WHITE - 23yrs old from Hongkong

WALTER UMBRELLA - 76yrs old from England

KRISTOFF HAWKSTONE - 41yrs old from Philippines

SHEILLA MAE HAWKSTONE - 39yrs old from Philippines

KIM HANI - 25yrs old from South Korea

MELO JANE ZUCKERSTUCK - 63yrs old from Chicago, USA

KHERSON PLAIN - 64yrs old from Chicago,USA

IVAN DAVE FROST - 29 yrs old from Switzerland

Dahil nasa malapit na ako ay mas naaninag ko ang mga pangalan nila. Hindi naman 39 si mom ah, hindi din 41 si dad.. at h-hindi sila patay! Alam kong pinipilit ko lang na magsinungaling ang isip ko.

Napahagulgol ako habang nakaluhod sa tapat ng tv. " Shein!!" lumapit sina ate at Thor sa'kin upang patahanin at aluhin ako pero bigla na lang nanikip ang dibdib ko at hindi na makahinga at ang sunod na nangyari ay dumilim ang lahat.

*******

"Anak!" niyakap ako ni mom nang pagkahigpit-higpit.

"mom!!" niyakap ko rin siya

"Where do you want to go?"

"Ice cream!!"

"Hahaha ok! Lets go!!"

"Wait mom! Where's dad?"

"He's busy anak"

"Ok!"

"You want this flavor?"

"Yess!!"

"Ok this one and this one"

Kumain na kami ni mom sa isang ice cream parlor. Masaya kaming nagkukuwentuhan nang biglang magpaalam si mom

"Anak, you will stay here ha? Mommy will go somewhere"

"Where?"

"It's too far. It's only him who can give that way for people who already stop their clock from ticking "

"But I want to go too"

"No, anak. Listen okay? Mommy will no longer on your side now, be strong okay? Fight for your life, just pray on him and he will make your wish come true"

"Mommy!!"

"Bye,anak.. I love you"

Naglakad na si mommy paalis at hindi pa lumingon pa sa akin. Ako naman ay hindi umaalis sa upuan ko at tinatanaw lang ang imahe ni mommy na unti-unting nawawala

Sumunod naman na imahe ang nagpakita ay kami ni dad.

"Hey princess ,you want this?" si dad habang tinuturo ang isang malaki at kulay pink na teddy bear.

"Yesssss!!" magiliw kong sagot

"Okay, let's go inside and we'll buy it for my baby!" masayang banggit ni dad.

Pagkahuka namin ng teddy bear ay nilingon ko si dad dahil may sinabi siya "Baby,dahil good girl ka na at lumaking responsable, puwede na kitang iwan muna dito ha? May pupuntahan lang si daddy" paalam niya

"Where dad? I want to go there too!"

"No sweetie, bawal daw kase doon ang mga batang makukulit, kami lang na sinundo ang puwedeng pumunta doon"

"Why? Who will fetch you?"

"Someone that you love. But promise me one thing"

"What is it?"

"Be a goodgirl. Huwag pasaway sa nakakatanda and palaging kumain sa oras para huwag nagkasakit, at saka piliin mo iyong lalaking magmamahal sa'yo ng lubusan,"

"You said Just one thing but those were too many!!"

"Hahaha okay baby, daddy will gonna leave you now, stay what you are and always share your love. I love you baby!"

Hinalikan ako ni daddy, kumaway ako sa kaniya papalayo, tinatawag ko siya ng paulit ulit pero hindi na siya lumilingon pa. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at hindi na bumalik pa.

"DADDY!!! MOMMY!!!"

Nagising ako na hinahapo at hindi na halos makahinga, sinubukan kong abutin ang intercom para makahingi ng tulong pero masyado iyong malayo mula sa kinahihigaan ko. Masyadong nang kumikirot ang puso ko at para bang pinipiga ito. Halos kapusin na ako ng hininga nang mag biglang pumasok na tao o kung sino man at nagsisigaw nang tulong.

Agad akong sinakluluhan ng mga doktor at nurse. Hindi ko na ulit alam ang nangyayari dahil kusang pumikit ang nga talukap ng mata ko at pagtigil ng pintig ng puso ko.