04

Dumating na ang mga kaibigan ko kaya naman ginising ko na din si Bea.

"Jusko Bea, alam kong may pinagdadaanan ka pero alagaan mo pa din sarili mo" nag-aalalang sabi ni April

"Muka kang zombie gagi" pabirong sabi ni Damien at binaba din ang dala nilang pagkain para kay Bea

Tumayo na si Bea at di natanggal ang lungkot sa muka niya, inabutan ko siya ng fries at sundae kaya ngumiti siya ng konti.

"Thank you sainyo, I appreciate your efforts. But, even food can't make me happy right now" malungkot na sabi niya habang kinakain yung fries na inabot ko

Umupo sa tabi niya si Aphrodite "We know that naman pero at least you smile, smile is where you can start to make yourself happy" ngitian niya si Bea

Tumayo ako kaya tumingin silang lahat saken

"May problema ba Lianne?" tanong ni Damien saken, I smiled bitterly and sighed

"You guys promise not to tell anyone?" nagtinginan silang lahat at na nacucurious na sa sasabihin ko

"Yeah"

"Sure, Li"

"Why not?" sunod-sunod na sagot nila saken

"My Kuya told me something"

"He told you his secret na?" tanong bigla ni April saken, tumango ako at sinabi lahat ng kinuwento saken ni Kuya.

They were in shock sa mga sinasabi ko, at kahit ako ay di makapaniwalang may nangyayareng ganto samin. Para kameng nasa isang Movie.

"What should we do?" tanong ni Zach habang tinitingnan kameng lahat at inaantay na may sumagot

"Well, based on Lianne's story..." pina-krus ni Apollo ang braso niya "We can't do anything but to wait for her brother's investigation"

"What? Do nothing?" sambit ni Amere with a high tone na parang nag-pipigil lang ng galit

"Lianne" lumingon ako kay Aphrodite nang tawagin niya ako "Tell your brother I'll help him out with this problem, meron akong alam na underground connections at licensed private investigator para malaman kung sino ang leader ng Murderous" dagdag niya

"Kame den ni Apollo, we'll see what we can do" nginitian ako ni Damien

"Ako, just tell me if I can do anything" pag-presinta ni Stella

"Thank you guys" then I smiled

Kumain na kame mga pagkain na dala namin.

"By the way, Aphrodite." pagtawag ni Bea sa atensyon ni Aphrodite "Don't you have a nickname? Antagal na nating magkakaibigan, di namin alam Nickname mo or is it because wala kang nickname?" umiling si Aphrodite

"Hmmm" iniisip na neto ni Bea itatawag kay Aphrodite "How about Aple?" ngumiti siya

"Apple?!" natatawang sabi ni Amere

"Hindi yung apple na A-P-P-L-E, tanga ka?" pagbawi ni Bea sa sinabi ni Amere

"Aple as in Aphrodite Lestrange" dagdag niya

"Ganon din yon, tinanggalan mo lang ng isang P, inutil" pambabara ni Amere

Tumawa kameng lahat kase nag-aaway nanaman tong dalawang to' talo pa nila ang mag-kapatid na nagbabangayan

Habang tumatawa at kumakain kami bigla kameng nakarinig ng mga humaharurot na motor sumilip kame sa may balcony ng bahay ni Bea at nakita ang mga taong nasa motor may mga tattoo ang katawan.

Nagulat ako nang tumigil sila sa harao ng bahay ko at sinisigaw na lumabas ang Kuya ko. At lumabas nga ang gaga, lumabas agad ako at tumakbo palabas ng bahay ni Bea nang bigla nilang tutukan si Kuya ng pocket knife, sinundan ako ng buong tropa ko.

Hinatak ko si Kuya sa direksyon namin "Baket mo tinututukan ng kutsilyo Kuya ko?!" galit na sambit ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon

"We have unfinished business with your brother" at sinubukang lapitan si Kuya pero hinarangan siya ni Damien at Apollo

"Drop the pocket knife, asshole" matigas na sambit ni Damien sa lalaki

Hinatak ako ni Kuya bigla "Lianne, wag kayong makialam please. Baka madamay kayo ng mga kaibigan mo" nag-aalalang sabi saken ni Kuya

"Ano Steven, lalabanan mo ba kami o hindi? tapang mo den eh no', Member ka lang ng Serpents pero you have the guts to spy on us" matapang na sabi ng lalaki habang nakatingin kay Kuya

"What you did to my Kuya's face is enough" matigas at galit na sambit ko

Aktong lalapit sakin ang lalaki pero hinawakan ni Zach ang dibdib ng lalaki na pinigilan ang pag lapit samin. Paluha na si Bea sa likod namin kaya inaalalayan siya nila Aple

"We aren't finish with you yet, Steven Reinhart" seryosong sambit ng lalaki at umalis na sila ng mga kasama niya

Pumasok kameng lahat sa loob ng bahay ko at umupo sa sofa sa living room

"I'm guessing that was The Murderous Gang?" pagbalik ni Zach ng topic namin.

"Yeah." maikling sagot ni Kuya

Sinasapo ko ang noo ko at hinagod ang buhok ko "You spied on them?! Why Kuya?!" pasigaw na tanong ko dala ng pag-aalala ko

"I'm not just a member of the Serpents, Lianne" sabi ni kuya at inangat ang tingin saken "I'm the Serpent Leader"

Napatingin kameng lahat sa kanya dahil sa sinabi niya at prinocess sa utak ko yon

"Your what?" di ako makapaniwala lalo sa nangyayare, my brother has always been a joyful and sweet boy pero ngayon Gang leader na siya? my life right now is as mad as a hatter in Wonderland.

"I thought you just joined them 2 years ago?" gulong gulo ako ngayon

"I'm Serpent by blood Lianne, and so are you." my eyes widened

Hinilamos ko ang muka ko "Explain that to me, will you?"

He sighed "Our grandfather was a Serpent, dad told me that when I was like 12. Dad never joined the Serpents cause he was afraid of what might happen. But, when I turned 15 I joined them. Cause my teenage mind wanted to, they made me the leader knowing that I'm the grandson of their former leader"

Napaupo na den ako, I was dumb-founded with that information "Why didn't you tell me sooner?"

"Because I know you would want to join the Serpents" mabilis na sagot niya sa tanong ko at tumingin saken

"Of course I will, to help you" sambit ko, kita sa mata ko ang pag aalala para sa siraulo kong kapatid

"Tingin mo papayag ako?" pinanlakihan niya ako ng mata, umiling ako dahil yun ang totoo, di talaga siya papayag.

"You should reconsider that, Steven" biglang sabi ni Aple kaya tinaas ni kuya ang kilay niya

"Make Lianne your Co-Leader, I'm guessing you don't want the Murderous to find out that your the Serpent's leader" tiningnan ako ni Kuya "Don't worry we'll help you out to find out whose the Murderous leader too, para malaman din naten kung sino ang Master mind ng sindikato."dagdag ni Aple

"Fine, but you're following rules, lil girl" sabi ni Kuya kaya agad akong tumango at ngumiti

My new life begins with me being a Gang member and Co-leader of my brother.