12

2 days has passed since the incident that happened and Lianne's family, the police and the Serpents are still finding out who shot Steven hays, the happiest times has saddest consequences talaga. Although naka-uwi na siya earlier today. Kase ayaw don mag-pasko. Sino naman may gusto duh?

Meanwhile, kame ng iba kong tropa ay nagpatuloy sa buhay namin. Yes, we're worried but we are not going to be bothered by just that.

I helped my Mom order and cook for our celebration for Christmas Eve but, it wasn't a lot since its just the two of us. We just ordered a black forest cake, palabok and made Mac and cheese then some Coke for drinks.

When it stroke 12 we greeted each other. I bought my mom a Chanel na belt bag as a gift. And she bought me a Slytherin robe because I freaking love harry potter movies but I love Draco Malfoy hehe.

"Hala! Waaaaaah!" nagsisisigaw ako dahil ang ganda nung robe shet.

And I'm also happy because she loved the belt bag and I'm proud kase pera ko ginamit ko pambili non

I went out after that to spend time with my friends because we also gave gifts to each other. Ang dami kong gifts this year dahil sa kanila.

We watched the fireworks and sang in the karaoke that Bea rented for us. And as usual nag-concert ako wala akong paki kung di ganon kaganda boses ko bubulabugin ko kayo charot. Habang nagka-karaoke, kami nila Lianne, Bea at Steven ay nag-decide na mag-inom pero alam naman ng parents namin yon. Kaso di mo talaga mapipilit 'tong sila Damien at ang iba.

Light drinks lang naman like The Bar, Gin Mixed at Tanduay. Kase di din pwede samin ang mga whiskey at vodka, ayaw din naman namin ang taste pa ng beer.

Hindi naman namin nilulubos yon tsaka binabantayan naman kami ng parents ni Lianne since dito kami lagi nag-gaganto.

After New Year naman we decided to go a trip to Palawan. Syempre this time we will take a plane.

"My mom said na siya na daw bahala sa flight natin" natutuwang sabi ni April samin. No problem talaga kase sila may-ari ng Airlines eh

"Nice naman. Kailan ba layas natin?" pabirong tanong naman ni Amere

"Mga 10 a.m ang flight sabi ni Mama"

"Bakit 10?" reklamo ko "Tulog pa ako non"

"Sige iwan ka namin, hayop ka" pambabara ni Bea sa akin

"Tangina mo" inirapan ko nalang siya kase baka ma-bwisit lang ako mahirap na

"Kamusta kuya mo, Lianne?" out the blue na tanong ni Damien, di ko alam if he's worried or afraid.

Lianne sighed "He's doing fine now, pero di pa din ako titigil na hanapin ang taong bumaril sa kanya" determinadong sagot ni Lianne "Speaking of, I need to go home. Aalis parents ko kaya need ako ni Kuya" dagdag niya at nag-paalam na sa aming lahat.

Isa-isa na din nag-paalam ang iba kaya natira kami ni Damien at Apollo dito.

"Ano Damien? Wala talaga tayong balak sabihin kay Lianne 'to?" biglang tanong ni Apollo na parang nag-pipigil na sumigaw

Pabagsak na umupo si Damien sa sofa ko "Gusto mo bang masira buhay at pagka-kaibigan natin dahil don?" he sighed

"Bakit?! Sa tingin mo ba hindi masisira ang friendship natin pag-nalaman nila yon?! May mababa-" napatigil siya nang tumayo bigla si Damien

"We will not say anything nor talk about it, as long as we can hide it then so be it" at lumabas na ng bahay ko

Ngumit nalang ako kay Apollo na halatang di gusto ang plano ng kapatid. Nag-paalam siya sa akin at sinundan na din ang kapatid.

Ang hirap sa part ko ang nangyayari pero di ko alam ang gagawin ko. Ayokong masira ang tiwala nila Apollo at Damien sakin pero ayoko din na mawalan ng tiwala sakin sila Lianne.

Humiga ako sa kama ko at tinitigan lang ng matagal ang kisame. Thinking about what might happen. Dapat ko bang pag-sisihan na sinabi ko yon sa mag-kapatid insteadof Lianne? hays.

Gusto ko nang sabihin yon kila Lianne dahil alam kong tatanggapin pa rin niya sila Damien pero ayaw ni Damien dahil sa reputation ng family niya. Pwede kasing mawala lahat ng mayroon sila pag-lumabas ang sikretong ito.

Nabalik ako sa katinuan nang mag-text sa akin si Lianne para tanungin kung may Info ako about sa bumaril sa Kuya niya

[Serpent Atty.]

Please tell me agad if you have anything that can be at help, thanks. Love yah.

[To: Serpent Atty.]

Sure. Love yah too <3

It breaks me to hide something from them. Para ko kasi silang ginagago, no, ginagago ko na sila actually. Para ang sama kong tao like wtf.

I found myself crying kase para kong navi-visualize sa utak ko ang mga scenarios na pwedeng mangyari if ever na malaman ni Lianne na tinatago namin ang information na makakapag-tapos sa gulong ito. I was over-thinking stuff again. Kung tutuusin dapat labas ang Serpents dito pero tinuloy ni Lianne para na din kay Bea at sa parents nito.

The day before our flight to Palawan we decided to have a sleepover sa bahay pero this time saglit lang kame manonood para di kami ma-late sa flight kinabukasan.

Manonood pa sana kami kaso bored kami so we did the usual, talk about life, problems and happy memories.

"Lianne" biglang tawag ni Apollo sa kanya which made Damien worried "What if isa sa amin nag-sinungaling about something sayo?" tanong that made Lianne confused

Nag-indian sit siya "Well, I hope that you have a good reason why you lied to me. And depende din kung gaano kabigat yung lie na yon" sagot niya "Bat mo natanong?" she tilted her head a little

Apollo smiled "Wala lang, just in case we have white lies diba?"

Tumango nalang si Lianne but obvious sa muka niya na parang di siya satisfied sa sagot ni Apollo.

But will she? Mapapatawad nga ba niya ang mga anak ng Mafia syndicate? Ang pamilyang may pakana ng pag-baril sa kapatid niya? Ako kaya? Mapapatawad niya sa pag-tatago ko sa sikreto ng Kennedy fam?