2 장: Enemy's?

Robert Pov*

Translation : Are you interested in me?

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa presensiyang idinudulot niya. Kabado kong sinimulan muli ang pagdadrive. Ni hindi ko manlang nagawang sagutin ang tanong niya! Hindi ko na lamang iyon pinansin, itinuon ko na lang ang bu9ng atensiyon ko sa pag da drive.

Pero talagang kakaiba ang babaeng ito, nasakalagitnaan na ako ng pagdadrive ng marinig ang iilang mahihinang hilik niya. Saktong nagkulay pula ang traffic light dahilan para tumigil ako. Agad ko siyang nilingon at muling pinagmasdan.

Pero agad nangunot ang nuo ko ng mapansin ang iilang gasgas sa kamay niya. Di ko ito napansin kanina. Naglikot pa ang mga mata ko at tiningnan ang kabuoan niya.

Bakit ganon?

Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Kita ang iilang dumi roon, di ito halata dahil itim pero napapansin mo ito kapag pinagmamasdan mo ng maigi.

Napaatras pa ang ulo ko at pinagmasdan pa kabuoan niya. Di ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng awa.

Saan naman kaya nanggaling ang taong ito at ang dungis dungis ng suot niya? At saka bakit ganon? Ang ganda ganda niyang babae pero bakit ganon siya manamit? Kung sa bagay marami akong mga kilalang mga babae na ganon manamit. Siguro doon sila mas komportable.

Ano kayang pumasok sa kukute nito at nakisakay dito sa kin?

ANG GWAPO KO SIGURO???? HAHHAHAHAHAHAH

Pigil ngiti ko muli siyang nilingon muli! Mukhang type ako nito ha?

Inalis ko ang paningin ko at ngiti ngiting tumingin sa side mirror ko.

(>,>) tingin sa kanan.

(<,<) tingin sa kaliwa.

Tsk tsk tsk.... ANG GWAPO NGA.

Lay lay balikat akong muling sinimulan nag pagmamaneho.

Ang hirap pala ng ganito kagwapo. Tsk tsk tsk...

"Muntanga."

(O_O)!!!

Grabe naman tong taong to? Minumura ako? Nangunot ang nuo ko sa inis pero agad ko ring iyong inalis at nakangiting lumingon sa kanya.

"Ahh..... What is your name?" tanong ko.

(--,)

Rinig ko ang bahagya niyang pagtawa.

(-.-)

Umupo siya at tinanaw ang tanawin sa labas. "My name is....." kunot nuo niya akong nilingon. "Why do I have to tell you? Tch!"

"Ah....eh kasi... nakakagulat ka... B-bigla bigla ka na lang kasing pumara sa akin...a-at kumatok katok pa ng pagkalakas lakas.... Hehehehe di mo ba alam na mayayari ako sa amo ko nito? Heheheh..."

"Whatever." mataray na sagot niya.

Ayos tong kausap ha?

"Eh ano ngang pangalan mo? Taga saan ka ba? Di ko alam kung saan kita ibaba ano? Nakakainis ka ha! May kailangan pa akong ideliver oh! Tinatanong kita ng maayos tapos sasabihan mo ako ng.."bahagya akong tumigil inismiran siya ."whatever!" panggagaya ko sa kanya! At saka muling humarap sa daan.

"I don't give my name to those people who I didn't know.. I'm sorry." seryosong aniya pa. "At tsaka, pwede bang magdrive ka na lang? Ang dami dami mo pang sinasabi!!!" mariing utos niya! Akala ko lalaki to kumilos pero mukhang nagkamali ako!! ANG TARAY TARAY TAPOS ANG ARTE ARTE PA!!!

MAKAPAG UTOS NAMAM ITO!!!

Nanlilisik ang mata ko siyang nilingon!!! At mas lalo pa akong nainis ng makita ang nang aasar niyang tingin.

"Okey okey fine!!!! My name is..... Marites. HAAHAAHAHHA" biro niya!

(>_<)!!!!!

Marites?

"Nang aasar ka pa ha?" nanggigigil na tanong ko pero tinawanan lang ako ng lukaret! Kung alam ko lang na ganito ang attitude niyo edi sana hindi ko na lang siya pinasakay!

"Naasar ka ba ha?" kapagkuway tanong niya na mas lalo kung kina inis!

AT SA DI KO NA MABILANG NA PAGKAKATAON MULI AKONG TUMIGIL SA PAGMAMANEHO!!!

Napa buntong hininga ako sa inis at bumaba para buksan ang pinto niya!!!! Mabilis talaga akong mainis!

"Hey!!!! Where are you going!!!?"

"Ako Miss hindi ako nakikipagbiruan ha? Alam mo kung nangtitrip ka lang!! Huwag ako!!! Dahil nasa oras ako ng trabaho ngayon!!" Hinawakan ko siya sa kanang braso at maingat na ibinaba. Ngunit di ganon kadali ko siyang naibaba dahil nanlalaban siya!!!

"Hey!!! Don't touch me!" inis na sambit niya at astang sasakay muli, pero agad ko siyang hinawakan muli para maibaba!

"Tumigil ka na nga!!!!" sigaw ko! "Ikaw! Huwag mo akong sinusubakan ha! Ay talaga naman!!"

Laglag panga, nanlalaking mata niya akong tiningnan!!

Tsk bala ka dyan! Sino maniniwalang marites pangalan mo? Ano akala mo sa akin uto-uto? Wala kang kwenta kausap! Bahagya ko siyang itinulak at at saka muling sumasakay ng sasakyan. Agad ko rin iyong inilock ng marinig ang malalakas na katok niya!

"Hey!!! Open this!!!"

Di ko siya pinansin at sinimulang buksan ang makina ng sasakyan!

"Hey!!!!!!! You will pay for this!!" rinig ko pang sigaw niya!!

"Pay mo mukha mo!!" sigaw ko pabalik!!

Bakit ba kailangan pa nating maka encounter ng mga walang kwentang tao? Nakakinis ha!

Madali akong nagdrive para maideliver na itong mga bigas ni Mr. Jeon. Dahil don sa babaeng yon mukhang mawawalan pa ako ng trabaho!!! Nakakinis talaga! Akala mo kung sinong astig pumorma ang arte arte naman pala!

Napaka yabang pa!!! Type na sana kita!

Pagdating ko sa mansiyon ni Mr. Jeon ay bumungad na agad sa akin ang napakagnada nitong pamamahay!! Nakakahanga!! Napakaganda ng mansiyon niya! Alam niyo ba? Pangarap ko talagang yumaman!! Di dahil gusto ko magyabang ha? Di ganon yon!! Gusto kong yumaman dahil gusto kong mabigyan ng magandang buhay sina mama at mga kapatid ko.

Sobra akong humahanga kay Mr. Jeon. Pakiramdam ko sobrang dami ng paghihirap niya bago niya makamit ang ganito kagandang buhay.

'Balang araw makakapagpatayo rin ako ng ganito kagandang bahay.'

(^_^)

Bumaba ako at nakangiting pinindot ang Doorbell.

"Boss? Delivery po."

Bumukas ang gate at agad bumungad sa akin si Kuyang guard na nakangiti pa! Bahagya pa siyang lumingon sa likuran ko at animoy may hinahanap na ewan.

"Nagmatigas na naman ng ulo siguro yon?" rinig kong bulong niya.

"Ano ho yon?"

"Ahh eh wala wala. Pakibaba na lang ng mga bigas."

"Ahh sige po."

Gaya ng sabi ni Kuyang guard binaba ko na ang limang sakong bigas. Ang totoo, nagtataka ako kung bakit 5 sakong bigas lang palagi ang binibili ni Mr. Jeon. Ano naman kaya ginagawa nila ron?

Malamang kinakain nila yon Roberto.

(-.-)

Nang maibaba ko na ang mga bigas ay nakangiting nagpalaam ako kay kuyang guard.

Saktong alas dose na ng tanghali ng makabalik ako sa bigasan. Pero bago pa man ako makababa di ko inaasahang malilingunan ang isang nagkikinang pero kulay itim na card. Kinuha ko ito at kunot nuong pinakatitigan. Di kasi pamilyar ang mga nakasulat roon, sulat intsik ata ito?

Kanino naman kaya ito?

5 seconds later.

(O_O)!

Kay Marites ata ito ha? Rinig kong nagsasalita siya ng pang alien, intsik ata yon?

Naiwan ni Buang.

(--,)

Hanapin kaya niya to? Hehehe... Makikita ko kaya uli yon? Pag nagkita kami syempre galit pa rin ako no? Hmmp! Pero syrempre galit galitan. Ikaw naman kasi Roberto pinababa mo na agad, di mo man lang kinuha ang number..tsk tsk tsk.. Mahinang nilalang.

"Robert?"

(O_O)!

Isang mala anghel na tinig ang narinig ko para mapalingon ako roon!!!

SI AVA!!!!

❤️❤️❤️❤️(^0^) ❤️❤️❤️❤️

PARANG BIGLA NA LANG LUMITAW ANG MGA PUSO SA PALIGID KO!!!

"H-hi Ava."

Ngumiti siya na animoy nahihiya pa.

Ikaw naman huwag ka na mahiya....

"Oh? Bibili ka ng bigas?"

"Ahh... Oo bibili ako.." naka ngiting sagot niya dahilan para mapangiti rin ako.

'Grabeeeee nakakadala ang mga ngiti niya!!!'

"Pero bago yon gusto kong iaabot sayo to." napatingin ako sa inaabot niya.

Pero agad nangunot ang nuo ko! Pareho siya ng BLACKSHINNING SHIMMERING CARD NA NAIWAN NI MARITES!!

Pilit akong ngumiti.... "Ano t-to?" kunwareng tanong ko.

"Audition Card ang tawag diyan. Bigay sa akin ng tito ko yan galing sa pinagtatrabahuhan niyang isang Entertainment. Puro lalaki lang ang hinahanap nila, di naman ako pwede. Kaya naisip ko na lang na sayo yan ibigay. Naalala ko, mahilig ka ring umakting diba?"

"Ahh.. Hehehe kung ganon maraming salamat." pilit ngiti kong sagot.

"Okey ka lang ba?"

"Hehehe... Oo naman.."

-----

Di ako mapakali ng kinagabihang makuwi ako! Umupo ako sa kama at pinakatitigan ang parehong bagay na hawak ko sa magkabilang kamay. Ang isa ay nakita ko sa sasakyan na nasisiguro kong kay Marites at ang isa naman ay galing kay Ava. Pinakatitigan kong maigi ang nasa kanan kong hawak. Sobrang maliliit ang sulat na parang pang intsik talaga! Nakakinis di naman ako marunong umintindi nito!

Hanggang sa di ko inaasahan na may naiintindihan akong mga salita... Pero parang di siya salita.... Parang, pangalan?

"Dire.... Director Jeon?" mahinag basa ko.

Napanguso ako at inalala kung meron ba kong kilalang Jeon.

Si Mr. Jeon pang naman ang kilala ko ha? Eh, sino itong Director Jeon na ito? Hindi kaya!????