Amber PoV*
HINDI ko alam kung ano ba ang nakain ng Mariel na yan at pilit akong pinapapunta sa bahay nila! I know Mariel, she hates hearing the argue between me and my Dad. Hindi siya against kanino man sa amin. Minsan she's with Dad minsan naman sa akin.
Nakakalito ang isang yon.
"Para po!" a old guy said.
Tama ang nasa isip mo, nakasakay nga ako sa jeep. Wala eh, may sakit pa si RedBullet. Ayaw ko siya i-pressure. Actually, lagi naman akong nagcocommmute noon. Ngayon na lang ulit siguro?
I'm wearing my ussual outfit. Naka itim na jacket at pants. Sumbrerong itim at shades---nakaponytale pa ang buhok. Kahit kilos lalaki ako, di ko magawang paputulan ang buhok ko. Bukod sa ayaw ko, nakakatamad.
Dapat talaga mag ta-taxi ako ang kaso masyadong mahal ang pamasahe, kaya I choose jeep na lang.
Di ako kuripot, wala kasi akong cash. Puro credit cards lang ang laman ng wallet ko at barya galing sa wallet ni Jaja.
After a minutes I finally get at the Mansion. Napatigil ako sa paglalakad ng may maalala! Di sana ako magjejeep ngayon kung mula doon sa kanto hanggang dito hinatid ako ng hinayupak na lalaking yon! Edi sana di na ako nahirapan pumunta dito!
He looks like idiot. That man is idiot!
Bukod ron, he look likes insane rin. Biruin mo titingin sa salamin tapos ngingiti? Tss. Insane! Napailing na lang ako at tinungo ang gate.
I put my hands in my pocket. At saka pinagmasdan ang buong Mansion. I don't know kung bakit ayaw niya pang ibenta ang Mansion na to, sa dami niyang pera? Kung sabagay, this Mansion is full of Happiness.. na di ko na maramdaman. Tanging siya na lang siguro ang masaya sa bahay na to.
He's the reason's why I'm working hard and harder for this business. I really love Haraboji so much, he is the only person who always by my side. He is the only person I trusted the most.
Pagka-apak ko sa may bungad ng pinto agad bumungad sa akin ang spoiled brat nilang anak. Tinanggal ko ang shades ko at sinabit iyon sa kwelyuhan ko.
"Why are you here?" maarteng tanong niya.
"Because, you don't care." walang ganang namang sagot.
Di ko alam kung ano bang problema ng batang to sa akin. Matagal tagal na akong nagtitimpi sa kanya dahil bata siya. Pag ito lumampas na ng disi otso, ililibing ko to ng buhay!
Akmang lalakad na ako sa loob ng bigla niya akong hinawakan sa braso. I creased and seriously face her. "What?"
"Anak ka sa labas! Kaya don ka sa labas, bawal ka pumasok!!" sigaw niya.
"Is that a joke or what?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Hala! Basta di---"
Natigil ang sasabihin niya ng biglang dumating si Mariel. "What's happening?"
"Ask your insane daughter." walang ganang sagot ko at saka pumasok sa loob.
Pagdating ko sa sala wala pang tao pero nakahanda na ang masasarap na umagahan. Naupo na ako roon at sinimulan na kumain. I don't want to waste my time. Masamang pinaghihintay ang pagkain.
"Apo! "
Ganon na lang lapad ng ngiti ko ng salubungin ako ng yakap sa likod ni Lolo!!
"Haraboji!" I stood up and hug him back.
I really miss him! Once a month or twice lang kami magkita. I really miss how he telling story to me about the Legend of Korea. Dynasty of Joseon, about The first King of Korea---Taejo of Joseon. How Kim Se Jong made our language ---'Hangul' and 'Sino' korean. He was the one who teach me how to learn about the korean culture even if I live here in the Philippines. I actually lived there, but it just only 3 or 5 years, I don't remember. I'm only 3 or 4 years old then.
"Oh? Akala ko hindi ka pupunta dito?"
"Akala niyo lang yon Haraboji! Masasarap ang mga pagkain niyo rito. Bakit naman di ako pupunta?" biro ko.
Lumayo siya at ngumuso bago padabog na umupo. "Nagtatampo na ako sayo, kahapon.... Akala ko pupunta ka rito... Di naman pala." halos pabulong na ungot niya.
I laughed. "Haraboji, huwag ka ng gaganyan ha! Di bagay sayo." natatawang biro ko.
Sinamaan niya ako ng tingin, "Kumain ka na." I know that he's really pissed now. Talent ko ba talagang mang-inis?
Masaya kaming kumakain ni Lolo ng mapansing wala pa rin sila.
"Haraboji? Where are they?"
"Mmmm.. You know na.."
"How I know?"
"Just eat.. Dont mind them." walang ganang sagot niya habang kumain.
Okey, may pinagmanahan nga ako. Tinuloy ko na lang ang pagkain gaya ng sabi ni Haraboji.
"By the way...." halos pabulong na aniya.
"What is it, Haraboji?" tanong saka nagpunas ng tissue sa bibig.
Seryoso niya akong tiningnan.
"Remember this...." pagsisimula niya saka ako deretsong tiningaan sa mata. He look so serious here. ".... I'm not like your Dad."
Bahagya naman akong natawa. " Of course you're not."..
Tch! Syempre naman, di talaga sila magkapareho. Malayong malayo ang ugali nila. Mabait si Haraboji, matulungin sa lahat ng nangangailanagn. Samantalang ang isang yon. Ha! Ayaw ko ng magsalita.
"But your dad is right..." biglang sabi niya na ikinakunot naman ng noo ko!
"Right? About what?"
He deeply sighed and again he stair at me deeply. "You're need..." he suddenly stop.
Bumilis ang tibok ng puso ko! I think I know what he was saying..... I'm not sure but I think it was--
"...to get married."
Halos maghalo ang balat sa tinalupan!
"H-haraboji..." I whispered.
Bakit kailangan pati siya? Di ko alam... pero sa ko tingin ang iniintindi niya ay kung paano ang mga mana. Siya naman ang nag decide na mapupunta ang lahat lahat ng ari-arian ng Jeon sa mapapangasawa ko. Ang totoo dapat nga matuwa ako kasi.... I was the only grandchild. Wala akong kaagaw pero kasi.....
I'm not ready for commitment... at ikinakatakot ko si Jonathan. Everytime he went to my office, I always hide from him. I didn't know what is happening to me... I know one thing na naka-move on na ako sa kanya. Kaya dapat handa akong harapin siya.... But why I'm like this?
"I'm not pressuring you Apo, but I wan't you to think about it." malumanay na saad niya.
".... Pero di ko rin naman sinasabi na ang pakasalan mo ay gusto rin ng tatay mo!"
I can't speak. Wala akong masabe. Ilang sandali pa ay ang inis ko ay umabot na sa bunbunan ko!
"Why would I need to get married? What the f*uck!" inis na sabi ko at inirapan siya!
Kita ko naman ang pagkunot pagkatapos ay minura niya ako gamit ang lengguwahe niya at akma akong babatukan! Buti na lang at agad kong na-icover ang mga kamay sa batok ko!
"Hindi ba ang sabi ko sayo na huwag kang ganyan magsasalita sa harap ko ha! Ikaw talagang bata ka, pasaway ka talaga! Aish!" inis na sigaw niya pa!
Lagot!
Nasisiguro kong dumadagondong ang boses niya sa buong mansyon!
HE'S REALLY REALLY PISSED NOW!!
Bahagya ko siya tiningala at nangingiting kumuha ng tinapay.
"Eat Haraboji, eat....." mala anghel na sabi ko at isinubo pa iyon sa kanya.. "Neomu neomu saranghae Haraboji...mianhae..hehehe..."
Nawala na namam ang inis sa mukha niya. Nasisiguro kong effective ang charm ko hehehe.. "Ay bakit nga pala hindi ka kasabay nung pagdeliver sa bigas? Di ba sabi ko sayo na don ka na sumabay ha?"
AND THEN I REMEMBER AGAIN.... That man! Gusto ko siyang isumpa!! He is the reason kung bakit nagkanda malas malas ako kahapon!
"Sabi ni Dodong nag matigas ka raw na naman siguro? Is that true?"
"NO! THAT MAN IS ANNOYING HARABOJI! I WANT TO SQUEEZE HIM DEEPLY!!" inis na inis na ako!
"Why? What happened? Anong ginawa mo?"
"Not me!" depensa ko! "Ibiniba niya ako sa gitna ng daan! That idiot man!"
"Mabait yon, baka naman ikaw lang ang may ginawang masama?"
Bumagsak ang balikat ko! Really? After what happened to me? Siya pa yong kakampihan?
"Goodbye Haraboji!" sabi ko na lang at mabilis siyang hinalikan. Marami pa siyang sinabi pero tinanguan ko na lang yon.. Kunya kunyare naintindihan ko.
I deeply sighed when I exit the front door. I'm feeling so safe now.
When I see that Man again? Sisingilin ko talaga siya hanggang sa wala na siyang maibigay sa akin! Lintik!
Pero aaminin ko... He is something..... Interesting... Ano kayang magandang gawin sa kanya kapag nakita ko yon ulit?
Napangisi na lang ako sa mga naiisip ko..
Can I kill him?
I released a heavy sigh. Saktong pagbukas ko ng gate ay ang pagdating naman ng sasakyan... Nilingon ko iyon at agad nangunot ang nuo.
Pag siniswerte ka nga naman oh! Siya na mismo ang lumalapit sa Karma. And that Karma is me.
*Death Glare*