Robert PoV*
Paano ba mag-drive ng paatras ha? Yong mula dito pabalik sa bigasan. Wala na, kanina ang ganda ganda ng araw ko kasi ang magandang si Ava agad ang bumungad sa kin ..pero ngayon nakakatamad ng ituloy ang araw na to. Tsk ano ba yan!
Wala na akong nagawa kundi ang bumaba ng sasakyan at pumunta sa kinaroroonan ng doorbell. At kamalas malas pa nga naman andon siya malapit roon. Ramdam ko ang pagtitig niya sa kin. Pero wala akong pakialam.
"Hi." mahina pero ramdam ko ang pang-aasar niya roon.
Mas lalong di ko siyang pinansin at pinindot na lang ang doorbell. "Hey....I'm talking to you.." Hindi ko muli siya pinansin at walang gana lang na pinagmasdan ang doorbell. Bat naman ang tagal nitong buksan.
"Hey....don't ignore me please..." inis ko na siyang nilingon at muntik na akong mapangiwi dahil sa pagnguso niya. Kala mo cute!
Kunot nuo kong pinakatingnan ang itsura niya mula ulo hanggang paa at dahil doon tuluyan na nga akong napangiwi. Kadiri! Wala ba siyang choice of outfit!? Nakajacket na itim pants na itim na ponytale pa ang buhok tapos naka shades duh! Kung sa tingin mo ang cool pwes hindi! Ang init tingnan kairita!!
Natapos lang ang pag-iisip ko sa kanya ng bumukas na ang gate. Niluwa niyon si Kuya'ng guard.
"Hoy ikaw pala? Magandang umaga!" masayang bati niya. Ramdam ko naman ang bahagyang pag atras ng babaeng pinaglihi sa itim na tinta ng pusit.
"Magandang umaga rin ho! Deliever po." nakangiti ko namang bati rin sa kanya at bahagyang nilingon at nginiwian yong babae.
"Sige pakipasok na lang." aniya saka nilawakan ang pagkakabukas ng pinto at tsaka umalis.
Saka naman ako lumakad pabalik ng sasakyan para kunin ang mga bigas na order. Pero ganon na lang ang pagkakunot ng nuo ko ng marinig ang mga yapak sa likuran ko! Inis ko yung nilingon!
"Bakit ba?!" sadyang ganon na lang ang taas ng tono ng maganda kong boses.
"Wow, are you mad now?!" pang-aasar niya pa!
"Ano bang kailangan mo ha?! Alam mo bang kanina pa ako naiirita sayo! Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako?!" inis ko siyang nilapitan at nilapit ang galit na galit na mukha ko sa kanya!
Nakipagtitigan ako sa kanya!! Yong nakakakilabot kong tingin! Pero ang babaeng ito hindi manlang natakot?! Sa halip kasi ay ngumisi lang siya tinanggal ang suot niyang shades at saka isinabit iyon sa may pocket ng suot kong polo.
Nangunot ang nuo pero agad ding nawala ng dahan dahan niyang pinagapang ang mga palad niya mula tyan ko pataas sa dibdib ko!!
Napaamang lang ako sa kanya at tinitigan ang mga magaganda----este pangit niyang mga mata! Lalayo na sana ako pero agad niyang nahawakan ang kwelyuhan ko at inilapit ang mukha niya sa akin!!
Lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng itulak niya ako dahilan para mapasandal ako sa gilid ng sasakyan!!
Ang kaliwang kamay niya ay unti unting tinatalunton ang pisngi ko!!! Nakangisi niyang pinagmasdan ang mukha ko na para bang nagsasabing 'Ano kayang magandang gawin sa gwapong ito!?'
Hindi ko na lang alam kung ilan beses akong napalunok ng dahil sa unti unting paglapit ng mukha niya sa akin!!!
Oh My god!!! Ito na ata ang huling araw na ng pagiging Virgin ng mga labi ko!!! Shet!!! Pero bakit naman siya??? Di ba pwedeng si Ava na lang? Pero okey na ren.
Ramdam ko na ang maiinit niyang hininga malapit sa gilid ng labi ko!
Ngumuso ako bago pumikit, pero bago ko pa man maramdaman ang mga labi niya ay biglang--
SINAKAAAAAAAAAL NIYAAAA AKOOOO!!!
"Stupid!! Idiot Man!!! You think I'm going to kiss you as*hole!!" sigaw niya sa mismong mukha ko!!!!
"Ah! T-eka t-eka! T-ama n-a!!" hirap na hirap na ako!
DI AKOOOO MAKAHINGA SA HIGPIT NG PAGKAKASAKAL NIYA SA AKIN!!!
"Ikaw pa tong galit!? Samantalag ikaw ang may atraso sa akin!" sigaw niya pa bago ako padaskil na itnulak sa lupa!
Napa 'aray' na lang ako sa sakit! Hawak hawak ko ang leeg ko habang hirap na hirap sa paghahabol ng hininga! Hindi ko alam kong ilang segundo ang itinagal namin ng ganon! Ako ay nakaupo sa lupa habang haplos haplos ang leeg at siya naman ay nakatayo lang at sigurado akong masamang masama ang tingin niya!
Ilang segundo pa bago ko siya tiningnan ng masamang masama ang tingin. Pero agad nawala iyon ng matalo ng mas masamang tingin niya ang tingin ko!
Lumapit siya ng bahagya sa kin kasabay ng dahan dahan kong pag tayo.
"Pay me." biglang seryosong aniya.
Napaamang naman ako. "At bakit? Wala naman akong utang sayo ah?!"
"Yong ginawa mo kahapon!"
"Alin?" takang tanong ko.
"Iniwan mo ako sa gitna ng highway, king ina ka!" may diing sabi niya.
Nangunot ang nuo ko! Yon! Ang bait bait ko kaya sa kanya. Tapos ganon ang attitude niya sa akin!? Pero, masama rin naman siguro ang ginawa ko. Babae pa rin siya, dapat hindi ko na lang ginawa at di na lang sana ako nagpadala sa inis ko. Nakonsensya tuloy ng wala sa time.
"Yon ba? Sorry. Nainis ako sayo kaya yon ginawa. Hindi na mauulit." nakokonsensyang sagot ko bago ulit hinaplos ang leeg ko. Para akong masusuka sa higpit ng pagkakasakal niya!
"Talagang di na mauulit yon. Dahil hindi na ako sasakay dyan sa cheap mong truck!"
Sinamangutan ko naman siya. Grabe namang insult yon.
"Sorry na nga...."
"I don't accept sorry." mayabang na sagot niya bago dahang dahang pang lumapit sa akin. Kasabay rin noon ang dahan dahang kong pag-atras.
"Pay me." ulit niya.
"Hala teka, wala naman akong pangbayad sayo. Wala akong pera. Alam mo ba kung magkano lang ang kinikita ko buwan buwan? Ha? Ang hirap kaya ng buhay ko tapos sisingilin mo ako?" madamdaming saad ko bago tumingala sa langit. At inalala lahat ng mga bayarin sa bahay. Mga utang namin sa tindahan, pati nga yong order kong brief at deodorant sa Avon 0pss nadulas.... Yong pang mga bayarin sa school nina Am-Am at Sana. Haysss.... Tapos sisingilin ako ng babaeng to?
Kunot nuo akong nagbaba ng tingin sa kanya pero muli akong nag-angat ng tingin ng makita nanaman ang masama niyang tingin!!
"S-sorry a-ano kasi....nainis lang talaga ako sayo promise....." napapalunok pa ako ng magbaba ng tingin sa kanya.
"Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan yon sa akin? Kilala mo ba kung sino ako? Alam mo ba kung kaninong lupa ka nakatapak ngayon!? Alam mo ba kung kaninong bahay to ha?" tanong niya na talagang nakapag pataas ng mga balahibo ko!
Dahan dahan pa siyang lumapit sa akin hanggang sa magtapat ang mga mukha namin. Ang totoo matangkad talaga ang babaeng to. Siguro konti lang ang itinangkad niya sa akin.
"H-hindi kita kilala, hindi ko alam ang pangalan mo." kabadong sagot ko.
"Kung ganon, pwes hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko sayo." bahagya siyang lumayo bago kinuha ang shades sa may kwelyuhan ko bago iyon isinuot sa kanya. Ipinasok niya pa ang dalawang kamay niya sa may bulsa ng jacket niya bago tumingala sa langit at mayabang na binalik ang tingin sa akin.
"I'm Director Jeon." simpleng aniya.
Teka....
Dahan dahan nanlaki ang mga mata ko ng may maalala..... Yong SHINNING SHIMMERING CARD!! S-SIYA S-SI DIRECTOR J-JEON?
Tiningnan ko siya mula ulo hangggang paa, pabalik balik. Paulit-ulit hanggang sa...
"I-ikaw si Director Jeon?" tanong ko at tinuro pa siya.
"Mm.. I thought you don't know me?"
"Sayo yong shinning shimmering card?"
"What?"
Napailing iling ako, "Yong Black Card?"
"How do know about the blackcard?" naroon ang interes sa tono niya.
"Y-yong card... Naiwan mo ata sa sasakyan."
"Where is it? Give it back to me!" aniya saka lumapit sa akin at kinapa ang mga bulasahan ng pantalon ko!
"Oh! Teka teka! Baka kung anong makapa mo dyan! Hindi ko dala yon!" awtomatiko siyang tumigil at bahagya akong tinulak.
"Give it back to me , hindi sayo yon."
"Alam ko! Hindi ko nama inaangkin ha! At tsaka meron akong akin no!"
"Sinong nagbigay?"
"Yong....."
Si Ava...
"..... Yong girlfriend ko." taas nuong sagot ko!
Joke, hindi naman.
"Paano niya yon nakuha?"
"Ewan ko!"
"Tss..." nag-iwas siya ng tingin.
".... Give it back to me, ASAP."
"Atin to?"
"What the?" sigaw niya!
"Biro lang! Oo, ibabalik ko sayo! Idadaan ko dito." sabi ko bago nangamot ng batok.
"No, huwag dito."
"E-eh saan?"
Nangunot ang nuo ko ng may iabot siyang isang card, color gold. Pinagmasdan ko iyong maigi.
ANG LUPET!
Sa harap nito nakasulat ang 'DARK N' KNIGHT ENTERTAINMENT.' Tapos meron pang mga chu-chung nakasulat sa baba. Tapos sa likod naman ang pangalang' DIRECTOR JEON. Ganda ng Calligraphy!
"Nasa unahan ang address don mo dalhin." imik niya at agad ko iyong tiningnan. Ahh so, yon pala yong chu-chu. Masyado akong nasisilaw ng magandang card na to! Akala ko yong shinning shimmering card na ang pinaka maganda hindi pala! Mas malupet pala itong shinning shimmering ultra mega pro card na to!
"Grabe naman to! Madami ka pa ba---"
Ay nawala? Bigla siyang nawala? Ganon na lang palig ng ulo ko para tingnan tingnan siya sa paligid!
Para akong tangang lingon ng lingon sa kung saan.
Napakamot na lang ako ng ulo saka napanguso.
"Nawala?" bulong ko.
Tss.. Ano kayang meron don sa card na yon? At ayaw niya pang dito ko idaan? Pahirap naman oh! Paano ko kaya to isasaglit sa kanya bukas? Di bale. Bahala na si Aurora.
Amber PoV*
Mabilis akong naglakad at nagtago sa may ilalim ng puno. Pinagmasdan ko pa siyang buhatin isa isa ang mga sako ng bigas papasok. Ang hinang nilalang pa. Pa isa isa pa. Tss.. di ko rin masisi ang payat eh. Baka bumigay. Tanga na nga lampa pa.
Stop the bad comments Amber.
Bakit di ko napansin na nawala na pala sa akin yung Black Card na yon? Matagal tagal na rin ako nagmamatyag sa loob ng kompanya.
Meron lang kasing ahas na nakapasok na dapat ay hindi.. Isang malikot na daga na patuloy na sinisira ang pinaghirapan kung lungga. Malaman laman ko lang kung sino o kanino ang mga BLACK CARD na yon. Hindi na siya makakalabas ng buhay sa kaharian ko.
At ang ikinagagalit ko ay kung bakit ang maganda kong pangalan ang naroon!!
'Di lang ang Card na nasa kanya ang mga nakukuha ko.
Mga nasa anim na. Malaki ang hinala ko na hindi iyon galing sa kompanya dahil dalawa lang ang card ng DNK. Ang GoldCard at RedCard. Ang GoldCard ay sadyang sa kompanya at ang RedCard naman ay para sa mga pangangailangan ng mga Artista sa loob ng DNK o mas madaling sabihin na Bangko ng bawat isa.
Wala pa akong balak sabihin sa iba kong mga kasamahan ang tungkol roon... dahil hindi talaga ako marunong magtiwala bukod kay Haraboji.
Pero ayaw ko nang banggitin iyon sa kanya dahil alam kong sobra siyang mag-aalala.
Hindi ko namalayan na hanggang ngayon pala ay pinapanood ko pa ang Idiot man na yon.
Tapos na siguro siyang maghakot at ngayon ay seryosong seryosong naka titig sa GoldCard na ibinigay ko. Mangyan lang? Hindi na ako magtataka na baka ipalagay niya pa iyan sa museo. -_-
Napangisi ako ng maalala ang pakiramdam ng makaganti. Tutuluyan ko na sana naawa lang ako. Sakal pa lang yan papatay ka na?
Pero agad nawala ang ngisi ko at napatuwid ng tayo ng makita ang paglabas ni Haraboji sa gate at paglapit nito don sa lalaki. At ganon na lang ang kunot ng nuo ko nang makita ang lapad ng ngiti ni Haraboji!
Don't tell me there are close?
Nag-uusap sila na akala mo talagang nakakatuwa ang pinag-uusapan. Bakit? Magkakilala ba sila? Maya maya lang ay may ibinigay itong puting envelope na nasisiguro ko kung anong laman! Don't tell me?
What the!? Tinapik tapik niya sa likod si Haraboji at kitang kita ko rin kong paano niya hagurin ito!
Oh my god!