7 장: Investigate

Jaja PoV*

Grabe ang sarap talaga ng sinabawang tuyo. Hehehehe ma peyboret.

By the way. Nasan na nga pala ang bwisit na reyna ng mga bwitre na anak ng demonyong magsasantol ha? Anong oras na wala pa rin siya? Gagi talaga yon ever since.

Kasalukuyan akong nakaupo  sa swivel chair niya. At maingat na hinihigop ang mainit na  sabaw na bigay ni bebe loves qoe hehehehe---yong janitor sa labas. Joke.

Takte guys alam niyo ang unfair unfair ng babaeng  yon! Ang lambot lambot ng upuan niya tapos ung sa aming lima parang pina-repair lang. Bwisit.

Alam niyo yang best friend kong yan masyado yang praktikal sa buhay na nakakainis na rin ng slight. Masyado niya kaming tinitipid alam niyo yon!?

Tss, ang yaman yaman tapos ang kuri-kuripot. Tapos napaka seryoso pa tapos ang bilis bilis uminit ng ulo tapos lagi na lang badtrip pagpapasok ng trabaho. Tapos bigla bigla na lang minsan mag wa-walk sa kalagitnaan ng shooting tapos ang idadahilan---'Ang pangit kasi umarte, nakakawalang gana.'

Tapos, tapos, tapos, tapos!!! T*ngina puro na lang tapos!!

Hay nako!! Nakakainis pag ako natapatan ko ang yaman niya naku yari sa akin yan gagantihan ko ang babaeng pinaglihi ----

"Why are you sitting there, ha?"

Sa magandang paraiso... hehhehehehe

"Hi! Good morning!!!" masayang bati ko saka nagtatakbo bago hinalikan siya sa pisngi at niyakap siya ng mahigpit!..

"Aigooo!! Ja! Ano ba! I can't breath!!"

"Good Morning Marya!"

Bahagya niya akong tinulak at nagderederetso papunta sa table niya. Rude. Hmmp!

"Ano to, bakit ang baho?" inis na tanong niya habang kunot na kunot ang nuong nakatingin sa sinabawang tuyo ko sa table niya.

"Sinabawang tuyo!" tatawa tawa akong lumapit roon at dahan dahang inalis ang tasa sa ibabaw ng lamesa niya, nakangiti rin akong kumuha ng tissue sa gilid ng table niya at ipinunas iyon sa lamesa niya. Pero naisip kong mas magandang makipagchikahan  muna sa kanya. Hehehehe.

"Hoy! Alam mo, Alam mo may chika ako sayo!" umupo ako sa upuan sa may harap ng  table niya. PWESTUHAN NG MGA CHISMOSA HAHAHAH!! At saka tinuloy ang magandang chika ko. Ang bilis bilis kong magsalita, naiintindihan ko naman yung mga sinasabi ko pero di ko lang sure kung siya naiintindihan niya?

Walang gana lang siyang nakaupo at nakatingin sa akin. Pero parang hindi naman, pakiramdam ko lang siguro. Kasi mukhang lumalagpas ang mga walang kwenta niyang tingin sa presensiya ko.

Naisip kong mukhang good timing to, para dumaldal. Pero nakakainis rin.

"At alam mo yung si Pareng Jules na yon? Yong tindoro ng fishball at kikiam dyan sa labas? Ayy naku ko po!" naasapo pa ako ng nuo. "Yong napangasawa ng anak niyan ha? Naku po, matanda pa kay Haraboji!"

Bigla na lang siyang parang nagulat sa sinabi ko.

Napabuntong hininga siya at saka napasabunot sa buhok!

Napanguso ako at nangunot ang nuo. "Ano na naman ang problem ha? Ayaw mo ba nung chika ko!? Nakakabaliw ba nag chika ko? Ako rin muntik na rin akong mabaliw nung marinig ko yon." 

Inis siyang umayos ng upo, "Y-you know the... BL....." napakagat siya ng labi parang naiiling siyang magsalita?

"BL?" tanong ko.

"Y-yeah.. Something l-like that.."

"Anong BL?" napanguso ako. "BL, ointment?"

Mahina siyang napamura. Ano nanaman kayang problema ng babaeng ito?

"Goshh Ja! You know it!" sigaw niya!

"Hindi ko naman alam eh! Ano ba yon!? Tao? Bagay? Hayop?"

Kumunot ng super ang nuo niya!

"Ja! I'm not making joke here!" sigaw siya ulit!

Napatikom ako ng mouth! I think shish shir-yush. Kunot noo kaming nagkakatitiginan, para naming hinuhulaan kung ano bang ang sinasabi  niyang hinay*pak siya!

Nang biglang!

TING*

"Ahhhh! Ito naman parang ano naman! Yon lang pala!" natatawang sabi ko.

"O-oo yon nga!"

"Yong ano!! Yung uhm sa uhm?! Hahahahaha!!"

"Y-yes..." naiilang  siya.

Nag cross arms ako at kunot noo'ng nanlalaking ilong  ko siyang tiningnan.

"Oh eh bakit, anong  meron?"

Yung BL ang tinutukoy niya, relasyon ng lalaking sa kapwa lalaki. Ang cute kaya ng ganong couple, di ako nanonood non pero I guess cute naman sila. Hindi naman ako against. Pero alam mo kasi yon? Nakakapanghinayanang eh! Karamihan kasi sa kanila ang ga-gwapo talaga..

"May kailangan akong iutos sayo." 

Nabuhay ang buong sistema ko! Ito ang gusto ko eh! Mukhang importante siguro pang action to! Hehehehe.

"Ano ba yon?" tuwang tuwang tanong ko!

"Investigate that man, that idiot man." may pagmamatigas na sabi niya. Ewan ko ba, nakakaramdaman ako ng di maganda eh. 

"Sino?" 

Tumingin lang siya sa akin ng literal niyang mukha kapag ganitong di maganda ang mood niya. Well, lagi namang di maganda ang mood niya. Pero noon kasi nanlilibre pa yan ng alak, pero gaya nga ng sabi ko ang kuripot ang isang yan, kaya syempre yung pa-expaired na alak ang ililibre niyan. 

"Pakiramdam ko , Haraboji is in a....r-relationship.." 

Napatayo ako sa sobrang gulat! "Weh? seryoso? Sa tanda niyang yan? 

"That's why I want you to investigate that man."

"Ahh, so sinasabi mo na yung lalaking yon ang karelasyon ng haraboji mo!?"

"Yes!"

"Gaano ka ka sigurado?"

"Nakita ng dalawang mga mata ko! That's enough! *

Sandaling segundo kaming nagtitigan siya ay punon puno ng galit takot at pagkadismaya at ako naman ay... awa..

"Hayaan mo na siya." sabi ko at umupo.

"What are you saying?" gulat na taning niya.

"Alam mo ikaw ampalaya ka talaga kahit kailan! Nangingi alam ka ng relasyon ng iba! Gusto mo pang sirain! Hayaan mo na nga ang lolo mo! Apaka bitter nito!"

"Jaja! You don't know that man! At ano ba, ang tanda tanda na niya?"

"Edi don mo yan sabihin sa lolo mo!"

"JUST DO WHAT I WANT TOO!" halos mapitlag ang tenga ko sa lakas ng sigaw  niya. Pero k lang, sanay na.

"Eh ano naman kung di----"

"THEN GET OUT OF MY COMPANY NOW!! !"

"Ito naman! Ito na nga oh! Aalis na, gagawin ko na ang gusto ni baby dinosaur.. " mahinahong sabi ko at lumabas ng pinto.

Amber PoV*

AFTER a few days, natapos rin ang Jaja ang pinapatrabaho ko sa kanya. Hindi ko talaga alam ang magagawa ko sa kanya kapag nalaman kong may relasyon sila ni Haraboji, ililibing ko siya ng buhay!

At kita mo yang lalaking yan. Hanggang ngayon di pa rin siya nagpapakita sa akin! Edi totoo nga ang hinala ko? Ha!

Rinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok mula roon si Jaja.

"Hi! Goodmorning sayo madam, dala ko na ang iyong mga kasagutan sa iyong mga katanungan." para siyang tanga.

Hindi ako nagsalita at umupo lang nang maayos para makinig sa kanya.

Binuklat niya ang envelope at parang imbestigador na nagrereport dito sa harapan ko. -_-

"Ako ay nagulat sa aking mga nalaman mahal kong madam, sapagkat akoy natawa sa pangalan ng lalaking inyong pina-iimbestigahan. Siya ay si Roberto JunJun Dimasilang." tumigil siya sa pagsasalita at pigil na sarili sa pagtawa.

-_-

"Siya ay dalawang pu't-apat na taong gulang ngunit mukha siyang binatang napabayaan dahil sa kanyang kapayatan. Feeling ko di siya pinainom ng tiki-tiki noon, kung sa bagay am palang naman ang uso noon, eh. Pero grabe ang payat niya talaga promise, mas mabigat pa ako sa kanya. Eighteen palang ako nyan ha!?"

Napahilamos ako ng mukha sa sobrang inis sa kanya! Wala akong pakialam sa payatot na yon!

Gusto kong malaman kung may relasyon nga sila ni Haraboji, dahil kung meron nga di ko lang siya ililibing ng buhay, bago yun ipapasamento ko muna siya!!!

" Ja! Ayusin mo nga!" sigaw ko.

"Oo, eto na. Masyado kang hot." aniya saka muling binuklat ang papel na hawak niya.

"Sabi rito, isang taon na siyang nagtatrabo don sa bigasan na yon. Pagkatapos, di siya tapos ng college. Engineering dapat ang kukunin niya, pero dahil no budget nga edi yon, di natuloy. Yon lang."

-_-

"Yon na yon?"

"Yon na, yon."

"Gusto kong malaman kung anong relasyon nila ni Haraboji!"

Sandali niya lang akong tiningnan at saka tumawa ng malakas!

"Hahahhahaha! Ikaw napaka maling akala ka talaga! Alam mo bawas bawasan mo ng yang pag inom mo ng kape! Hahahaha!"

"What do you mean?"

"Alam mo, talagang busilak lang ang puso ni Haraboji. Huwag ka ngang masyadong nagpapaniwala sa mga nakikita mo!"

Wow.

"So, wala silang relasyon?"

"Nothing, hindi siya guy. Payatot lang talaga, at NGSB rin."

Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko...Buti na lang hindi, may tiwala naman ako kay Haraboji no. Don lang sa idiot na yon wala. Hanggang ngayon wala pa rin siya! Nanggigil na ako! Kailangan ko ng maraming ebidensiya para matapos na ang problema ko dito sa kompanya. Kailangan kong mahuli ang ngapapakalat ng BlackCard na to. Mapapatay ko sipang lahat.

"Alam mo, may naisip akong solusyon dyan sa problema mo." nakangisi si Jaja ng balingan ko ng tingin. Ano na naman kaya?

"What is it?"

Umupo siya at naghalumbaba sa harap ko.

"Magandang ediya to. Hihihi!"

"Ano nga?" nawawalang interes na tanong ko.

"Ang pinagbabawal na teknik!"

Sinasabi niya bang? Nangunot ang noo ko sa naiisip ko! Napaka walang kwenta!

"Lumayas ka na sa opisina ko Miss Jaja." aniya ko bago tumayo.

Wala akong oras sa ano mang sasabihin niya.

"Teka lang naman! Pakinggan mo muna ako!"

"No I don't want!" sigaw ko.

"Ehhh, sige na! Siya ang sagot sa problema mo! Tapos ang problem mo dyan sa ex mong pinaglihi sa kabute at dyan sa tatay mo! Plus pati yung mga loan mo dyan sa mga chaka mong tropa noon!"

"Lumayas ka na nga!!" sigaw ko habang tinutulak siyang palabas ng pinto.